Chapter 46: Break

7K 296 21
                                    

Jungkook's POV

August 23, Sunday

*brzzt brzzt*

My Princess Calling....

"Yes?" Inaantok ko pang tanong

[Still in bed?]

"Yeah.."

[Aish! Wake up! Take a bath!]

Pagkasabi niya nun binaba na niya..

Bumangon na agad ako at naligo..

Nagbihis agad ako at syempre nag-ayos ng buhok.

Bumaba na agad ako at kumain..

"Ang aga kumain ah!" Pangaasar ni Prince

"Tigil tigilan mo 'ko Prince!" Sabi ko

Biglang may tumawag sa kaniya.

"Yes babe? / Oo babe susunduin kita. / I love you!" Sabi niya

"Hoy! Sino yun?" Tanong ko

"Si Claire bakit ba?" Tanong niya

"Si Claire? Eh paano si Dahyun?" Naguguluhan na tanong ko

"Break na kami." Sabi niya

"Kelan pa?!" Tanong ko

"August 14 pa."  Sabi niya

"Ano?! Mag sa-sampung araw na? Kaya pala ang tamlay niya." Sabi ko

"Oh! Aalis na ako. May date pa kami ni Claire." Sabi ni Prince

"Eh bakit ang aga?" Tanong ko

"Aalis kasi siya mamaya kasama yung family niya." Sabi ni Prince at umalis

Nasabi ko na lang na okay kahit wala na akong kausap.

*brzzt brzzt*

My Princess Calling....

[Anong ginagawa mo?]

"Kumakain ng breakfast."

[Pumunta ka sa school ngayon.]

"Huh? Bakit? Linggo ngayon ah!"

[Basta pumunta ka na lang!] galit na sabi niya at binaba yung line

Anong nangyari dun? Biglang nag-iba ung mood.

Tinapos ko agad yung pagkain ko.

Pumunta ako sa sasakyan ko.

Habang nagd-drive ako papunta sa school.

"Bakit kaya niya ako pinapapunta?" Tanong ko sa sarili ko

"Baka trip niya lang." Sagot ko rin sa sarili ko

Pero napansin kong break na sila Dahyun at Prince, Sana at Xhander, at sila Kat at Jimin. Naiwan sila Dahyun, Sana, at Jimin..

Ako na kaya ang susunod na maiiwan?

Bigla na lang tumulo luha ko kaya bumagal yung pagd-drive ko. Lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha na umaapaw sa aking mata.

Ayoko maiwan ulit. Ayoko masakatan ulit. Ayoko mawalan ulit. Ayoko ng magmahal ulit kung pati si Princess sasaktan lang din ako..

"Jungkook! Think positive! Hindi ka hihiwalayan ni Princess okay?! Hindi ka niya hihiwalayan!" Sabi ko sa sarili ko

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon