2: Sweet Kisses

3.7K 160 29
                                    

"Wag mong pansinin si Bullet Nia, sadyang manyak yon." Sabi ni Van sakin.

Wala lang naman sakin yon. Kahit yung mga pinagsasabi niya. Saka medyo nasasanay na rin ako.

Marami ding manyak sa lahi namin. Vampires were sexual creatures. Mataas ang libido sa katawan sabi nila. When they reach a certain age, lalo na kapag awaken na, lalong lalakas ang mga urges nila para mag-mate. Instinct na namin yon.

"Pero mabait naman yon. Hanggang doon lang naman siya, di siya naghaharass ng pisikal. Putulin ko t*ti niya, makita niya," tuloy ni Van habang natatawa. "Matagal ko na silang kilala magkapatid. Mga trainee palang sila ni Ninong, kaibigan ko na. Ulila na rin kasi sila. Hunters din yung mga magulang na namatay noon."

Tumango nalang ako habang tinitingnan ko siya. She's not a full plegde hunter, she says. Dealer lang siya ng armas nila. Ni hindi siya sumasama sa mga operations nila maliban nalang doon sa isa. Noong sinagip nila ako.

I wonder why.

Naupo nalang ako sa isang silya sa kwarto ko. Binigyan nila ako ng sariling lugar dito. Nasa taas lang kasi ng shop kung saan sila nakatira. May mga units doon na for residential talaga. Sabi ni Van, sa anak daw ng ninong niya iyong kwarto kaso umalis na daw sila papuntang ibang bansa. Nagmigrate na daw kaya ako nalang gumamit.

May mga naiwan pa ngang damit at mga gamit sa cabinet. Puro pink. Cute. Lolita.

Hindi ko alam kung swerte ba yon o ano na nagkasya sakin yung mga damit na naiwan. Lalo akong nagmukhang bata dahil sa pinagsusuot sakin ni Van.

"Ito, bagay sayo," sambit niya sakin nang humarap. May inilabas itong onepiece dress sa cabinet na puro ruffles na kulay pink. May petticoat pang kasama. "Baby the Stars Shines Bright."

Kumunot ang noo ko. What's that?

"Branded yan. From Japan."

Weird.

Tumango nalang ako at kinuha yon. Dumiretso sa banyo at nagbihis. Napabuntong-hininga nalang ako sa hitsura ko pagtapos. Kulang nalang roskas sa likod para magmukha akong totoong manika.

It's cute though. Pero kung ganito ang isusuot sa ko sa Sanctuaire, magugulantang silang lahat. Yung kinakatakutan nilang nilalang, nakasuot ng ganito ka sweet na kulang nalang magka-diabetes ang titingin.

Though I miss them. I really do.

"Ay! Ang cute! Bagay na bagay!" Tili ni Van ng lumabas ako. Tuwang-tuwa talaga siya. Parang batang nabilhan ng laruan. Iniisip ko ng kung inampon niya ako para gawing barbie doll. Siguro noong bata si Van puro baril na ang hawak kaya siya ganito ngayon. 

"Shocks naman kasi. Ba't ang laki ng dyoga ko. Walang magkasya sakin na ganyan."

Ano daw? Inabot ko ang board at nagsulat. 'What is joga?' Di ko alam kung tama ba spell ko noon, di pamilyar sakin ang salita. 

Tumawa si Van. Nawala uli yung mga mata niya. "Dyosko pati pala vocabulary, nawala din sayo, tuturuan nga kita."

Hinawakan niya ang sariling dibdib saka tumingin sakin. "Dyoga. Opaii. Dede. Boobs."

Napatingin ako sakin. Katamtaman lang yon. Pero compare kay Van, parang tomato na kinompara sa watermelon. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin kaya napangiti na ako ng pilit.

Why... I need justice. Bakit malaki ang kanya? Not fair! Not fair at all!

Ngumuso ako. Lalo siyang tumawa.

Pero kahit papaano nakakawala ang paghomesick ang ka-kwelahan ni Van. Iba siya kapag kaharap mga hunters, o kaya yung mga clients nila. Masyadong strict at seryoso. Kulang nalang kakainin sila ng buhay. Pero kapag ako ang kasama niya, kalog at makwento.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon