25: Distant Sun

2.5K 107 31
                                    

Napaawang ang bibig ko sa narinig kay Blade.

What did he just said?

Angelique was my Mama's real name. Alam niya? Paano?

Agad din namang nabaling ang atensyon ko nang biglang tumayo si Mama sa kinauupuan niya. Luminga-linga pa siya sa paligid. Iniyuko ako ni Blade para makapagtago pa.

It was no use, I know she can feel us now. Alam ko ding nakatingin na siya sa direksyon namin. Humakbang na siyang papalapit.

"My Queen."

Dinig ko ang pagtawag na yon. Kilala ko ang boses. Agad akong tumingin at sumilip kahit pinipigilan pa ako ni Blade.

Paeng!

Those unruly curly hair na mukhang mabango parin kahit mukhang hindi nagsusuklay. That mayabang stance that most women of my kind would swoon over.

Si Paeng nga! He's here!

Pero ano namang ginagawa niya dito? Kasama ba siyang umuwi dito ng pamilya ko?

Nakita ko siyang lumapit kay Mama at yumuko. "Your daughter is looking for you."

Humigpit lalo ang kapit sakin ni Blade. Nakakainis na siya talaga. There's no need to that. Hindi na ako magtatangkang lumapit pa.

"I'll go Rafael. Thank you." Mama said.

Nakita ko na naman siyang tumingin sa direksyon namin.

"Is there something wrong, Your Highness?"

Umiling si Mama. "Nothing," sabi niya, "I just felt a familiar presence,"

Napatingin din si Paeng kung nasaan kami. Nakakunot ang noo niya. Pero pinigilan siya ni Mama nang magtangka siyang lumapit.

"Forget it, Rafael. I always feel something like this, there's nothing to worry about," she said. She forced a smile. "Did my daughter order pizza again? I can smell cheese somewhere."

Tumango nalang si Paeng. Sinundan niya si Mama nang bumalik na ito sa loob ng mansion. Pero tinapunan niya muna kami nang tingin bago tuluyang umalis.

That was close. Muntik na kaming mahuli. Hindi naman ako masyadong nag-aalala sa estado ko, kaso si Blade, kasama ko siya. I know how they handle intruders, especially hunters. Lalo na si Paeng.

Hindi pa man ako nakapagsalita nang hilahin ako ni Blade papalayo. Mabilis niya akong binuhat. Napakapit ako sa kanya nang mahigpit. He ran fast and used the big tree to step up and jump across the tall wall. We landed safely right in the middle of the street.

That was it. We are out.

Napanganga ako. Nagpakahirap akong pumasok sa Nest namin pero para sa kanya, ang simple lang. Tumalon lang talaga sa wall?!

His moves are fast and calculated. I can't believe an ordinary human can do that. Someone would break their knees if they attempted to cross a wall like that. Tapos buhat pa niya ako kaya may additional weight.

Imposible pero nakaya niya.

Hinila ako ni Blade papalayo sa lugar na yon. Lumiko kami sa isang eskinita at nakita ko isang itim na kotse na nakapark.

"She almost saw you." He said.

He's talking about Mama. Natigilan ako. Naalala ko yung kanina.

He knew her, definitely.

Mama was known as the Blue Eyed Queen. Alam nang lahat kung gaano siya kalakas. And her temper too. Ilan na ang nakaranas ng galit niya. Most of them didn't survive to tell their tales.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon