18: Star-crossed Fates

2.7K 117 19
                                    

I sighed.

I don't understand Blade at all. Mas malala nga yata ang sayad ng utak niya kasya sakin. Akala ko galit siya sakin talaga pero ano yong ginagawa niya?

Pumunta pa talaga siya dito para sabihin na babantayan niya ako? Tapos binigyan pa ako ng damit? Tapos nagdala ng blood para inumin ko?

Anong gusto niyang mangyari?

I found him with Van nang bumababa na ako ng kwarto. They were inside a room na may glass door kaya kita sa loob. It was locked.

Nag-uusap silang magkaharap sa isang long table pero di ko marinig. Sound proof yung room. So I just stood there. Pinanood ko nalang sila mula sa labas.

I can see Van nodding pero kunot ang noo niya. Like she was not convinced or something while Blade was explaining. Then he turned at me and he smirked. Napaatras ako.

Ano bang sinasabi niya? Kinakabahan na ako.

We had a deal right? Na di niya sasabihin kay Van.

Lumabas sila after a few minutes. Agad akong sinalubong ni Van ng yakap, di na ako nakapalag. I was so confused and worried at the same time.

"Sorry baby kagabi," she said. "Nag-aalala lang talaga ako."

Marahan ko siyang itinulak at tumango.

It's ok. Wala na yon. Mama had the worst reaction. Normal na yon sakin.

I tried to read her pero wala na naman siyang bakas ng galit sa akin.

Wala parin siyang alam.

"Just next time, kung may pupuntahan ka, magpapaalam ka ha. Wag kang tatakas ng ganoon." Sabi pa niya.

I nodded and smiled. Gusto ko talagang malaman kung anong sinabi sa kanya ni Blade para magkaganito siya.

Sandali lang silang nag-usap pero naayos na agad? He must have a charm or something. Akala ko pa naman paparusahan siya dahil sa ginagawa niya sakin. Van even offered a bounty for him. Ano ba talaga ang pinag-usapan nila?

Bumaling si Van kay Blade. "You keep your promise. Tatadyakan talaga kita kapag pinabayaan mo pa uli si Nia!"

Pinabayaan?

He nodded and smirked. "Have my words. You know me Van."

Tumingin uli sakin si Van. "By the way, Nia. That dress really fits you. Parang sinukatan ni Blade."

I almost gasped. Kung alam lang niya.

"Next time, wag kang lalayo sa tabi niya."

What? Tama ba yung nadinig ko?

Van sighed. Hinaplos pa niya ang buhok ko.

"Magluluto muna ako nang almusal. Hindi pa umuwi si Mommy simula pa kagabi. Wala tuloy food." Umalis siya nang nakangiti at pumunta sa kusina. Naiwan na kami ni Blade.

But I guess it's fixed now. Yon nalang siguro ang panghahawakan ko kahit na nalilito ako sa nangyari.

"She really treats you like her own daughter, huh?" Ani Blade sa tabi ko. Humalukipkip siya.

"You remind her of something she lost. I won't judge her."

Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?

Mabilis ko siyang hinila papasok ng pinto. Sinara ko yon ng maiigi para siguradong walang nakakarinig.

"What?" Ngumisi lang si Blade akin. Parang nakakaloko talaga. Though I like him better now kaysa naman lagi siyang mukhang nangangain dati.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon