39: Embers

2.8K 119 30
                                    

"Ok ka lang, Nia?" Van asked.

I just sighed.

Silang dalawa nalang ni Bullet ang kasama ko dito. Mabilis na umalis si Blade sa bunker pagkadating nila. Ni hindi na nga nagpaalam. Ni hindi na ako hinarap pa uli.

Bakit ba paulit-ulit niyang ginagawa sakin ito?

"Nia?" Van asked again.

I nodded slightly pero nanatili parin akong nakayuko.

I'm trying to convince myself that I'm ok but I'm so sure that I'm not.

I understood the reason why Blade rejected me before. Bampira ako at hunter siya. But after he revealed to me that my father was hunter, a human, not a pureblood vampire I once thought he was, hindi ko na siya maintindihan.

Is it really because of Elle?

Napakagat ako nang labi. There's more to that. Alam ko. Ramdam ko.

Huminga lang nang malalim si Van at umupo nang tuwid sa couch. Nakatingin parin siya sakin habang nakasiklop ang mga kamay niya.

"Nia...sinabi na sakin ni Blade noon sa kundisyon mo," she spoke. "Even your real identity. You're the princess the other hunters where looking for."

Lumapit siya ng bahagya at inabot niya ang kamay ko nang marahan. Napaangat naman ako nang tingin sa kanya.

That morning when they talked, I remember. Iyon pala ang pinag-usapan nila.

So Van knew all along but she still treated like family. Hindi din nagbago ang pakikitungo niya sakin noon. Pwera nalang talaga kung may kinalaman kay Bullet.

"Naiintindihan ko kung bakit di mo sinabi sa amin," she continued. There's softness in her voice, iba doon sa huling pag-uusap namin. Humupa na nang husto ang galit niya. Siguro nag-usap na sila nang husto ni Bullet.

"Lalo pa ngayon, naramdaman ko na kung gaano kalakas yung psych mo. Isa pa, magiging delikado nga ang lagay namin kung nagpakilala ka nga. Alam ko naman na mainit parin ang mga hunters sa sayo."

Nalipat ang tingin ko kay Bullet. Kumakain siya ngayon sa may kusina. Naubos na nga niya ang lahat ng niluto ni Blade kanina. Tumingin lang siya sakin at ngumisi, bumalik uli sa pagsubo pagtapos.

Kay Blade ba ni Van nalaman lahat nga iyon? Wala ba talagang sinabi si Bullet sa kanya?

"Now. Nia, may hinahanap kang tao, di ba? Blade mention it too. Maybe I can help you."

I nodded slightly. Alam na rin pala niya yon.

I'm still scared to let out my voice kapag kaharap ko si Van. Ngayon pa, wala na akong suot na colllar.

I took pen and a small piece of paper and wrote down her name instead.

"Rafella Martinez."

"I see now.." mahinang sambit naman ni Van nang mabasa niya yon. "Kilala ko siya. She's my godmother. But's she been dead for years. Even before you're born."

I nodded again. I just want to know more of her. Ang alam ko lang na malinaw ngayon ay kapatid siya ni Papa. That's one reason siguro kaya ko nakikita ang mga visions tungkol sa kanya.

Ito nalang ang pagtutuunan ko ng pansin. I have to keep my mind away from Blade. Mababaliw na ako ang tuluyan sa kanya.

"May mga gamit siya dito, di ba luvs?" sabat naman ni Bullet. "Baka yun yung gustong ipakita ni Blade sa kanya." Bullet continued eating after that.

Bumalik ang tingin ko kay Van. She seemed hesitant at first pero tumayo din siya.

"If that's the case. Come here."

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon