64: As Fear Changes Sides

1.8K 97 28
                                    

Mahigpit na hinawakan ni Blade ang hawakan ng patalim.

In one move, it would be over. He will be king. He can bring back his name, his identity. And he will have the absolute right to choose his mate, kahit sino pang piliin niya.

Nakatayo ang Hari sa harap niya, hindi gumagalaw at hinihintay siyang kumilos.

He's merciful at least. Sa kabila nang ng ginawa nito sa kanya, siguraduhin niyang hindi ito makakaramdam ng sakit. Alam niyang kahit papaano, mararamdaman parin iyon ng kapatid niya.

But for a moment he hesitated. Anong magiging reaksyon ni Angelique kapag nalaman nito ang gagawin niya?

"What are you waiting for?" The King asked.

Nia.

This is for Nia.

Mabilis na siyang kumilos papasugod, puntirya niya ang puso nito. But instead of hitting Kiel, the blade was stopped by a pair of soft hands.

Damn.

"Angelique..."

Hawak nito nang mahigpit ang talim para pigilan iyon. Halos tumama na rin sa dibdib dahil sa lakas ng pwersa ng pagsugod niya.

"You don't have the right to do this, Pierre!" She hissed. Blood dripped to his dagger from her hand. Agad niya iyong binunot at umatras.

Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. At kahit na ba, hindi niya akalaing pipigilan siya.

What is it then? Did she...

Kitang-kita sa asul na mga mata nito ang galit. Hindi na niya napigilan pa ang malakas na pwersang tumulak sa kanya papalayo. Napaluhod para di tuluyang bumagsak.

"Rave--"

Hindi pa siya nakakatayo nang makita naman niya kung paano mabilis na maiangat ng kapatid ang hari. Hawak na ito sa leeg.

"You really think I would let you do this?!" She shrilled.

Wala ring nagawa si Kiel, hindi na nito nagawang pumiglas. She's far stronger than him. O dahil din hindi nito magawang saktan si Angelique.

"I am still your Queen! You vowed your life on me! How could you?!" Mabilis din nitong hinagis si Kiel sa sahig. He heard cracks. Most of his bones were broken now.

Tss. So much for his mercy.

Dapat pala mas binilisan niya ang kilos kanina. Hindi na masasaktan pa nang ganito si Kiel bago mamatay.

"Angie."

Lumingon naman ito at sa kanya bumaling ang matatalalim na mga mata. He felt a lump on his throat.

Sa lahat nang kilala niyang bampira, ang kapatid niya pinakaayaw niyang nakikitang magalit. As a blue-eyed vampire, her temper can be destructive. Hindi nito kayang pigilan ang sariling lakas kapag mataas ang emosyon.

Thank heavens, Nia wasn't really her daughter. Hindi niya alam ang gagawin kung ganito ang mate niya.

"So you really meant what you've said back then, Pierre. Gagawin mo ang lahat para makuha lang si Nia?!"

"I have to--"

"This not what I expected when I told you to save her! Kung alam ko lang, di na sana kita pinalapit pa sa kanyas" she snapped. He felt pressure on his whole body. Masakit. Hindi na niya magawa pang magsalita.

"You don't have to do this. You don't have to kill my husband to be my child. I'll deal with the High Council with these."

"And you!" Bumaling na naman ito kay Kiel na papatayo na. He was holding his chest, mukhang napuruhan ito doon.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon