t a d h a n a

7.8K 386 259
                                    

tadhana

(n.) an invisible thing that makes things happen beyond
the control of mortals

- Laureta, Isabelle

xxx

Alam mo naman, eh.

Alam mo namang naiiba ka.

Alam mo naman na hindi man sila kasingtalino mo, hindi ka naman kasing-espesyal gaya nila.

Gaya noong sabay kayong ipinasok ni Coleen sa iisang DayCare Center. Ikaw, iniuwi lahat ng medals. Pagdating ng picture-taking, kinuha ni Nanay iyong tatlo sa lima mong medal at isinabit sa leeg ni Coleen. Magparaya ka raw, sabi nila. Panganay daw si Coleen kesa sayo. Pangit daw tingnan kapag mas matalino ang bunso.

Gaya noong sabay ang recognition at graduation nyo ni Dean, pero magkaiba kayong eskwelahan. Ang sabi sa iyo, magkaiba naman raw ang oras. Mahahabol daw ni Nanay at ni Tatay iyong sa'yo, at masasabitan ka raw ng medalya. Pero nagbigay ka na ng speech bilang valedictorian ng batch, sinabitan ni Pe ng best in English, Math, Science, Values, at kung anu-ano pang special awards... wala pa rin sila.

Sa bahay na lang kayo nagkita. Iisa lang din ang handaan, pero ikaw, nasa kwarto, itinatago ang mga medalya.

Wala rin namang pupuri sa 'yo kundi si Pe.

Susubukan mong idistansya ang sarili sa pamilya. Wala eh, iyon lang ang tanging paraan para hindi ka masyadong masaktan. Hindi ka naman nila ginugutom, 'di ba? Ni hindi ka nga nangungutang ng pera dahil hindi nawawalan ng laman ang wallet mo. Wala kang pinroblema. Lahat ng materyal na pangangailangan mo, natutustusan. Walang kulang, 'di ba?

Wala.

Pilit mong pinaniwala ang sarili mong wala.

Wala, kahit punung-puno ka na sa kawalan ng pagkakapantay-pantay.

Kaya naman hindi ka na nagulat noong itinakwil ka ng pamilya mo noong nalaman na... buntis ka.

Na... hindi ka makakapagmartsa ng maayos at bundat ang tiyan mo. Para kang nakalulon ng pakwan, sabi ni Pe, pero nakangiti, dahil masaya sya para sa'yo.

Huwag na lamang tayo pumunta sa reaksyon ng mga magulang mo, dahil wala ka na namang inaasahan sa kanila. Matagal na talagang wala... ngayon pa kaya?

Uuwi ka, matapos ang isang mahabang araw ng pagtatago sa kanya. Idadahilan mong may dalaw ka, kaya wala ka sa sariling makipag-usap. Uuwi ka, pero ang madadatnan mo lang, si Pe, na umiiyak. Si Pe, na nag-iisa. Si Pe, na syang tumanggap lang sa 'yo. Si Pe, na may dalang isang sobreng puti na makapal. Si Pe, na walang sinabi at niyakap ka na lang.

Alam mo na.

Matagal na naman kasing napag-usapan ang paglipad sa Amerika. 'Yun nga lang, hindi mo alam na... hindi ka kasama.

Hindi ka na nagtanong pa. Hindi ka na tumawag, hindi ka na nakipag-usap. Tahimik mong tinanggap ang sitwasyon, tahimik kang umalis at nagpakalayu-layo kasama si Pe, at ang... anak nyo.

The Devil Who Danced At MidnightWhere stories live. Discover now