k a l i n a w

5.9K 300 41
                                    


kalinaw

(n.) serenity, tranquility

- Laureta, Isabelle

xxx

Umuwi akong tulala ng araw na iyon. Tahimik kong binabaybay ang kahabaan ng kalsada, habang mahigpit na hawak ang bag kong pangpasok. Hindi dahil maraming laman, ngunit dahil tila ba ayaw ko pang mawalan ng laman ang parehas kong mga kamay. Hindi ko alam. Baka ito na lang ang pwede kong gawin, ang pwede kong kahantungan. Ang hawakan ang isang bagay ng mahigpit - literal - dahil hindi ko iyon nagawa dati.

Nagulat na lamang ako ng may narinig akong bumusina sa likuran ko, at muntik-muntikan ko na ring mabitawan ang bag ko. Medyo tanga, mga kaibigan. Humihingi ako ng pasensya.

Pinilit kong ngumiti noong makita ko ang sasakyan na 'yon. Hindi ko pa man nakikita kung sinong nagmamaneho e alam ko na kung sino, dahil tatlong taon na rin naman akong sumasakay doon. 

Hindi sa gusto ko, pero pinipilit lang talaga akong isakay ng may-ari.

Bumungad sa akin ang isang nakangiting Ezekiel. Siguro isa na rin iyon sa mga dahilan kung bakit kahit ayokong umaasa syang haharap ang buwan sa kanya, hindi ko pa rin sya binibitawan - palagi kasi syang may ngiti. Iyon bang... lahat ng wala ako at lahat ng bagay na hindi ko kayang gawin, nagagawa niya, kaya naman ganoon na lamang siguro kailanganin ng puso't isipan ko si Ezekiel.

Isip lang, hindi puso. Tatawa-tawa kong pinaalalahanan ang sarili ko. 

Iyong tipong... kahit hindi ko magawang ngumiti, nagagawa nya, at iniisip ko na lang nya kahit sya na lang, kahit ibang tao na lang, kahit kaibigan ko na lang at anak ang masaya - kahit huwag na ako, kasi matagal ko nang tinanggalan ang sarili ko ng karapatang maging masaya.

Sa likod ako naupo dahil katabi ni Ezekiel si Caius, natutulog. Alam kong magkasama sila buong araw, mula sa pagkasundo sa eskwelahan hanggang sa lingguhan nilang pamamasyal. Hindi ko rin alam kung saan hinuhugot ni Ezekiel ang pagmamahal para sa anak ko; napakaraming butas na pwedeng singitan ng kung anu-anong dumi sa pagkatao namin ni Caius pero wala syang hinanap. Pinili ng lalaking iyon na takpan ang mga pagkukulang at punan ng pagmamahal.

Napakalinis ng hangarin nya at hindi nyo lang alam kung ilang beses tinanong ng buwan ang sarili nya kung bakit hindi na lang ito ang gawin nyang... mundo.

Naalala ko kung paanong pinagtagpo kami ulit ni Ezekiel; hindi inaasahan. Biglaan. Wala ako sa huwisyo noong nakita nya akong... may lulon-lulon na pakwan. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko noong pilit nyang nilunok ang kung ano mang nakabara sa lalamunan nya para lang batiin ako ng Congratulations, kinasal ka na pala! at hinding-hindi ko rin makakalimutan kung paanong lumiwanag ang mukha nya ng bahagya at gumaan ang hangin sa pagitan naming dalawa noong sabihin kong... hindi pa.

Simula noon, lumaki ang distansya ng buwan sa dati nitong mundo at lumapit paunti-unti sa kabila.

Hindi matanong si Ezekiel, sinasabi ko sa inyo. Alam nya kung kailan ko kailangan ng kausap, at alam nya kung hanggang saan lang ang mararating ng mga gumagalang tanong sa isip nya na hindi ko magawang bigyan ng sagot. Wala naman yatang balak magkuwento ang buwan; basta, isang araw, nagpalamon lang ito sa kadiliman. Nanatiling tahimik hanggang sa nailabas ang tala. Nagpapasalamat dahil hindi matanong ang dalawang taong naiwan sa buhay nya na ngayo'y tatlo na.

Ibang klaseng tao talaga sya. Ibang-iba ang pag-iisip nya kumpara sa akin. Kung nakikita ko ang kamalian ng bawat isa, nakikita nya ang mga potensyal ng mga taong itinuring na na walang kwenta ng lipunan at ang liwanag kahit sa kasuluk-sulukan ng kwarto. Gumagana ang mata ko sa mga paparating na trahedya at pumipikit sa katiting na pag-asa. Nakikita nya ang mga nawawalang sagot sa mga palaisipang walang may alam kung sino. Naiintindihan nya ang mga... dahilan ng buwan kung bakit hindi na nito nakakaya pang magbigay ng liwanag.

The Devil Who Danced At MidnightWhere stories live. Discover now