g u n i t a

5.9K 382 171
                                    


Updates will not be as frequent
as before. Internship is coming.
Help!

xxx

gunita

(n.) memory, recollection

- Laureta, Isabelle

xxx

Dalawa.

Dalawang linggo bago ko nakuha iyong mahabang pagsusulit na ipinangako niya. Nakahinga naman ako ng maluwag noong nag-anunsyo ang guro na marami pala kami, galing din sa ibang klase, at sinabi nya rin na magkita-kita kami sa ikatlong palapag ng Jose Rizal building ng alas-singko ng hapon dahil iyon lang daw ang libre nyang oras.

Hindi na rin ako lumapit para makiusap na tanggapin nya ang medical certificate ko. Hinayaan ko na lang, dahil magsasagot na rin naman ako kasama ng iba. Sinabi sa akin ni Dusk kung anong mga dapat kong aralin, kahit inasar nya pa akong hindi ko naman kailangang mag-aral.

Brainy ka naman, Ate. Sabi nya sa akin. 'Wag ka nang magreview, kahit ano masasagot mo!

Ni hindi ko nga masagot kung maaayos ng kapirasong papel ang biglaan kong pagkawala.

Sinabi sa akin ni Dusk na pare-parehas ang nakalagay sa unang parte, samantalang iba-iba ang tanong sa dulo. Stratehiya raw iyon ni Sir, para hindi makapagkopyahan. Pagsusulat ng sanaysay ang huling parte. Ipapaliwanag siguro ang kung anong akda ng kung sino. Hayaan na.

Sana ay hindi kayo mabagot kapag nagsasagot na ako. Dapat kasi, tahimik lang doon sa silid-aralan. 'Wag kayong maingay, ha? Medyo magagalitin pa rin ang mundo sa mga maiingay kaya sinusubukan kong hinaan ang pagkukuwento. Pagtiyagaan nyo na lang.

Marami kami, mga sampu. Mas maraming babae kaysa lalaki, at pinili ko iyong nasa may kaduluhang bangkuan. Kung kaya kong tapusin ito sa loob ng kalahating-oras, gagawin ko.

Matagal. Inabot kami ng mga kasama ko ng dalawampung minuto bago dumating ang guro. Mababa na ang sikat ng araw at medyo naiinitan ang pwesto ko kaya lumipat ako ng tatlong bangkuan paharap.

Dumating ang mundong mag-isa, tila hatak-hatak ang kadiliman ng gabi sa likuran nya. Makikita mong hindi ito masaya sa mga pangyayari. O nangyari. Malay ko ba. Basta, busangot ang gwapo nitong mukha. Narinig kong nagtanungan ang mga nasa tabi kong dalaga kung bakit ba naging guro ang gayong mukha.

Hindi ko rin alam.

Hindi rin naman napag-usapan ng buwan at mundo iyong mga ganoong bagay. Noong huling beses sila mag-usap, hindi malinaw. Hindi rin nabigyan ng wakas. Hindi natuldukan.

Tiningnan ng guro ang mga estudyanteng kukuha ng pagsusulit. Isa-isa, matagal. Hanggang sa dumako sya sa akin at ni hindi tumagal ang tingin nya ng isang segundo dahil agad nyang iniiwas iyon na para bang mahahawahan ko sya ng isang nakamamatay na sakit.

Nakakapiga ng puso, pero sino nga naman ang buwan, para magreklamo, 'di ba? Ang buwan ang unang tumalikod, ang buwan ang unang nagdamot ng liwanag. Hindi ito dapat magreklamo na tinalikuran na rin sya ng mundo at araw na lamang ang gustong harapin.

Nakakapanghina ng mga tuhod kapag iniisip kong hindi na ako gustong harapin ng mundo at kung maari lang sana'y huwag nang gumabi upang hindi na nya makita ang buwan.

The Devil Who Danced At MidnightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt