s a p a n t a h a

5.8K 341 333
                                    

I'd track the tag #tdwdam
so I'd see your tweets even w/o
following me. Some of my tweets can
be annoying since its a personal
account, you know.
(Again, it's okay not to follow me.
I always reply.)

Ps. Check out my new story
in my profile!

xxx

sapantaha

(n.) a hunch or presumption

xxx

Sa bawat sampung taong nakikipagsapalaran sa pagsakay sa tren tuwing umaga, isa doon, nananakawan. Dalawa, nadadanggil ang suso ('yung isa aksidente, 'yung isa sadya). Tatlo, nasisiko. Apat, nakakasakay ng maayos at ang kaisa-isang natitira sa sampu, nagigising sa kama ng walang saplot katabi ang dati nyang mangingibig.

Ako 'yon.

Gumising akong walang alam sa mga nangyari kagabi. Biro lang. Sino ba namang makalilimot ng mga nangyari kagabi? Paniguradong hindi ako. Paniguradong hindi sya. Napakaraming tanong sa aking isip noong umagang iyon ngunit hindi ako naglakas-loob magtanong. Bakit maliliit ang patak ng ulan? Bakit kapag umuulan, hindi isang bagsakan na lang ng tubig tutal, parehas lang din ang kalalabasan? Hanggang saan ang mga bagay na maaaring isulat? Bakit may mga bagay na kahit ikaw mismo ang magbigay, hindi mo matanggap pabalik? Bakit hugis tatsulok ang dulo ng lapis? Bakit bilog ang mundo? Bakit katabi ko ang mundo? Bakit mundo pa rin ang tawag ko sa kanya ngayong hindi na sa kanya umiikot ang buhay ko?

May tamang paraan ba para ikuwento ulit ang naudlot na pag-iibigan?

At noong sinubukan kong tumayo at pinigilan nya ako, doon ko nalaman ang sagot.

Hindi na ako katulad ng dati, Maine.

Ngumisi ito at iniwan akong nag-iisa.

Ako ang mauunang umalis ngayon.

Maliit ang patak ng ulan at matagal magbuhos ng sama ng loob ang mga ulap dahil kung hindi, masisira ang mahuhunang kabahayanan. Walang hangganan ang mga bagay na dapat isulat, ngunit may mga bagay na dapat sabihin kakaibang paraan upang hindi direktang malaman ng mambababasa. May mga bagay na kahit ikaw mismo ang sampung beses magbigay, hindi mo matitikman ni minsan pabalik dahil pinili mong magbigay. Nagbigay ka, eh. Iyon ang bottom line. Hugis tatsulok ang dulo ng lapis dahil weirdong tingnan kung hugis puso. Katabi ko ang mundo dahil nagtiwala ako. Dahil nagpakatanga na naman ako. Mundo pa rin ang tawag ko sa kanya dahil... hindi naman tumigil ang pag-ikot ng buhay ko sa kanya.

Walang tama o maling paraan para ikuwento ang naudlot na pag-iibigan.

Dahil wala raw tama o maling paraan para umibig. Sa pag-ibig.

Tao lang ang nagkakamali.

Hindi ang pag-ibig.

Nakatungo akong lumabas ng bahay nya at hindi ko sinubukang tumunghay. Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa subdivision. Iyong mapanghusgang aso lang na tahol nang tahol sa akin na akala mo'y hindi nakikipagtalik sa publiko sa kanyang mangingibig. Parehas lang tayo, aso.

Parehas lang tayong marumi. Tanga. Walang modo at pinag-aralan. 'Wag mo akong tahulan na parang napakalinis mo.

Parehas lang tayong umibig kaya huwag mong ibahin ang sarili mo mula sa akin.

Tulala akong umuwi noong umagang iyon. Ibang-iba, eh. Ibang-iba noong unang beses. Pagkagising ko noon, nakangiti sya sa tabi ko, at kahit hindi ko sya matingnan, aliw na aliw syang niyakap ako at pinatulog ulit sa mga bisig nya. Masaya. Masaya umibig at magliwaliw noon kahit isang gabi lang. Masaya maging bata at walang iniisip. Masaya. Nakakatuwa ang katangahang hatid ng kabataan. Noon ay maliwanag na maliwanag pa ang pagkislap ng hiram na liwanag ng buwan sa araw at masaya itong nagningning. Masayang ginagabayan ang mundo.

The Devil Who Danced At MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon