Chapter 1

40.4K 854 11
                                    

MATAPUS magbihis ni Yasmin ay agad nitong nasipat ang nobyo na nahihirapang isuot ang hawak nitong necktie. Kaya napailing siyang nilapitan ito.

"Tst! Kahit necktie ay hindi mo parin alam gamitin." Anitong naiiling. "Ang hirap kasi baby." Anang nobyo niyang si Renz.

"Ewan ko sa'yo. Oh! Ayan okay na." Anito ng matapus niyang ayusin ang necktie ni Renz.

"Thank you baby." Paglalambing nito sa nobya na siyang pinaikotan lang ni Yasmin ng mata.

"Oh! Siya, mauna na ako sa'yo. Wag mong kalimutang ilock ang pinto paglabas mo." Habilin niya sa nobyo sabay dampi ng labi niya sa labi nito.

"Yes! Boss, see you at dinner." Ani Renz. "Okay." Nakangiti naman nitong tugon.

"Okay! Bye baby. I love you." Anito sa nobyang nakangiti.

"I love you too, baby, take care." At agad na niyang tinalikuran ang binatang nakangiti.

Pagkalabas ni Yasmin ng apartment nila ng nobyo ay agad siyang bumaba patungong parking lot kung saan ang kanyang sasakyan. Agad niya itong inistart at pinaharorot pagkasakay niya dito. Dahil sa matraffic sa daan ay inabutan siya ng halos kalahating oras bago niya marating ang pinapasukan niyang kumpanya.

BORA'S Advertising Agency, isang sikat na ahinsya sa larangan ng advertising at namamayagpag sa bansa. Dahil sa bawat products na gustong pasikatin ng may ari ay kayang kaya nila itong gawin at kikita ng malaki sa loob lang ng isang linggo after nilang maadvertise sa radio, TV, news paper, magazine at pati sa social network.

"Cevgie. Pwedi bang pakitulungan si Fatty sa paghahanda ng mga papers na kakailanganin ko bukas para sa pagpunta ng Cebu sa makalawa. Dahil gusto kung personal na makipagkita at makausap yung magpapa'advertise ng products nila." Anang head prisedent ng BORAS advertising agency.

"Yes, Sir." Ani Cevgie sa boss niya.

"And by the way, kung dumating na si Yasmin ay pakisabihan na lang Cevgie na gusto ko siyang makausap sa opisina ko." Habilin nito sa kausap.

"Sige po sir Rolly, pagdating po niya ay agad ko siyang sasabihan na kailangan ninyo siyang makausap." Ani Cevgie sa kanilang head President na si Rolly Trinidad.

Halos kalahating oras din ang lumipas bago dumating si Yasmin sa BORA'S Advertising Agency. Agad itong nilapitan ni Cevgie ng makita siya nito.

"Good Morning, Yash." Bati niya dito. "Morning too, 'Gie." Gie is short for Cevgie.

"Um. Boss want to talk to you. Kanina ka pa nun hinihintay sa oposina niya." Imporma sa kanya ni Cevgie.

"Bakit daw?" Nagkibit balikat naman si Cevgie bilang tugon sa tanong niya. Kaya matapos niyang mailapag ang mga dalang gamit sa kanyang working table ay agad na nitong pinuntahan ang opisina ng kanilang head President. Kumatok muna ito bago siya pumasok sa loob.

"Good morning, Sir. Pinatawag niyo daw po ako?" Ani Yasmin dito.

"Morning too. Maupo ka muna." Agad namang naupo sa bakanting upoan ang dalaga.

"Pinapunta kita dito, dahil gusto kitang makausap ng personal para inform that you need to prepared your self. Where going to Cebu on next day. Gusto kung personal na makausap ang bagong client ng company tungkol sa ipapaadvertise nilang food products." Agad nitong aniya kay Yasmin.

"Okay. Do I need to prepared the papers that we need to bring there." Tanong niya. Umiling naman ito. "No need. Dahil pinaayos ko na kay Fatty at Cevgie." Sagot ng boss niya sa kanya.

"Um. Okay. Kung ganun ay ang mga gamit ko na lang pala ang kailangan kung ihanda." Anitong nangingiti Matapus siyang makausap ng boss niya agad siyang nagpaalam ditong babalik na sa pwesto niya para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

LOVE AND PAIN(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang