Chapter 15

30.7K 925 44
                                    

NANG masiguro ni Haide na sasama sa kanya si Yasmin ay agad nitong binulabog ang mga pinsan niya. Excited siyang uuwi na kasama ang mag-ina ni Sefh. Pero wala siyang balak na sabihin sa mga itong nagkita sila ni Yasmin sa Italy.

"Hello, Gori. I need you to do me a favor." Bungad niya sa tinawagang si Wayne.

"Haist! Tinawagan mo lang akong pangit ka para dyan. I'm busy." Sagot ni Wayne sa kanya. "Ayaw ko nang maraming blah-blah. Ihanda mo ang regalo, ilabas mo ang million mo." Ani Haide sa kanya.

"What? Are you serious with that?" Kung kaharap lang siguro ito ni Haide ay tiyak nakita na niya kung pano mag-isang linya ang kilay ni Wayne.

"Yes. I'm damn serious." Sagot dito ni Haide. "At hindi lang ikaw ang magbibigay ng gift. Kundi lahat kayo, kung pweding bumili kayo ng airplane or a yatch it's better." Dugtong nito.

"Langya oh. Mga gago, magbigay daw kayo ng gift sabi nitong pangit kong kausap. Gusto niya ay ilabas daw natin ang million natin sa banko or di kaya ay bumili daw ng airplane or yatch." Kausap ni Wayne ang mga pinsan niyang naroon.

"Teka! Hindi pa naman niya birthday ah!" Dinig ni Haide na sabat ni David.

"Wag kayong magreklamo kung ayaw niyong jumbagin ko kayo pagdating ko ng Pinas. Pakisabi rin kay Kaye na gusto kung gumawa siya ng malaking cake at ihatid niya sa hospital room ni Sefh. Gusto kong bukas na bukas ay nasa hospital room ni Sefh ang cake bago ako dumating. At gusto ko ring nasa hospital sina tita at tito bukas." Utos niya sa mga ito.

"Ano bang meron at napakabossy mo ngayon, brat?" Tanong naman sa kanya ni Ryne.

"Tsk! Ang dami niyong tanong, pwede bang gawin niyo na lang ang ipinapagawa ko sa inyo." Naiinis nitong turan sa mga ito.

"May magagawa pa ba kami." Pagsuko dito ni Wayne. "Ano pa ang ipapagawa mo samin. Baka meron ka pang nakakalimutan?" Tanong ni Wayne. Bahagya namang nag-isip si Haide kung may nakakalimutan pa ba siya o wala na.

"Wala na, yun lang." Maya ay sagot nito matapos niyang mag-isip. "Sigurado ka?" Paniniguro ni Wayne sa kanya.

"Oo, wala na." Muli nitong aniya bago pinatayan ang pinsan ng tawagan.

Matapos niyang makausap si Wayne ay nakangiti itong hinila niya ang mga dalang gamit at lumabas ng room na inuukupa niya kung saan siya nakacheck-in. Agad siyang nagcheck-out sa hotel bago siya nagpahatid sa bahay ni Yasmin ng taxi.

"Yow. Are you ready, Yash?" Tanong nito kay Yasmin pagdating niya. "Oo, pero kinakabahan ako." Pag-amin sa kanya ni Yasmin.

"Calm down, walang mangyayari. I'll promise, puro happiness na ang mararamdaman mo after this." Pampalakas loob nito kay Yasmin na halatang tensyonado.

"Okay, sige. Pakihawakan mo muna si baby Van, magbibihis lang ako." Anito sabay abot nito sa anak kay Haide. Agad naman kinarga ni Haide ang pamangkin at pinanggigilan itong halikan sa pisngi na panay naman ang tawa.

PHILIPPINES

Magkakasama ang magpipinsan gaya ng ginagawa nilang lagi ang tumatambay ng ilang oras sa hospital kung saan si Sefh.

"Alam niyo mga, bro. Ang weird talaga ni Haide, bakit niya tayo hinihingan ng gift. Hindi pa naman niya birthday at mas lalong hindi pa christmas." Nahihiwagaang ani Wayne sa mga ito.

"I'm sure for this cute little boy ang gift." Ani Jaiden sabay pakita nito ng selfie pic ni Haide na kakapost lang niya sa Instagram. Ang caption nito ay 'I'm gonna miss Italy'.

"Maybe anak nga ni Sefh yan. Kaya gawin niyo na ang ipinapagawa ni Haide sa atin. Bibili na lang ako ng yatch." Ani Ryne na tinawagan ang secretary niya para sa transaction sa pagbili ng yatch.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now