Chapter 23

24.7K 756 35
                                    

NANG makauwi sina Sefh sa bahay ng magulang niya ay balik trabaho ulit siya. Naging sunod-sunod rin ang meeting niya sa mga bagong investor mula sa iba't ibang panig ng bansa at labas ng bansa. At idagdag mo pa ang paghahanda ng nalalapit nilang kasal ni Yasmin.

"Ma, pwede ko po bang iwan muna sa inyo si Sylvan. Kailangan ko po kasing puntahan yung gagawa ng wedding gown ko. Eh! si Sefh naman po ay meron meeting ngayong araw kaya maaga siyang pumasok sa opisina." Kausap ni Yasmin ang ina ni Sefh.

"Oo, naman hija. Ako na ang bahala sa kanya." Masayang anang ginang.

"Apo, halika dito at tayo ang maglalaro ngayon." Boses yun  ng ama ni Sefh na hinubad niya agad ang suot niyang american suit. Naka office atire na kasi ang ginoo. Pero mukhang nagbago ang isip nito at mukhang hindi na naman ito papasok sa opisina dahil sa apo niya.

Natatawa naman ang ina ni Sefh na binalingan ang asawa nitong inunahan pa siyang magbantay sa apo nila.

"Oh! ayan hija, inunahan pa ako ng daddy niyo mag-alaga sa kay Sylvan." Anang ginang na nakamata sa maglolo na naglalaro. Natawa na lang si Yasmin sa magiging parents in law niya. Pagdating kasi kay Sylvan ay nagagagawa nila kahit imposeble.

Matapus nga magpaalam ni Yasmin sa magulang ni Sefh ay agad nitong kinuha ang handbag niya at tinungo niya ang sasakyan na bagong bili ni Sefh para sa kanya. Ng makapasok siya sa loob ng sasakyan ay agad niya iyon inistart at pinaharurot. Pupunta siya sa Samañego Clothing Company para ikatagpo ang tanyag na designer sa bansa na si Sheryn Lleu Samañego Trinidad. Ito kasi ang gagawa ng wedding gown ni Yasmin.

Ng marating ni Yasmin ang Samañego Clothing Company ay agad nitong inipark ang sasakyan sa parking lot bago siya bumaba ng sasakyan.
Pagkalabas niya ng sasakyan ay agad siyang pumasok sa loob ng gusali at sa reception agad siya nagtanong.

"Good morning ma'am, may I help you?" Anang nakangiting receptionist kay Yasmin. "I'm here for appointment to Mrs. Trinidad." Tila may tiningnan naman agad ang receptionist.

"Ma'am nasa 3rd foor po ang opisina ni Mrs. Trinidad." Anang receptionist. Kaya agad na pumasok si Yasmin sa loob ng elevetor sabay pindot niya ng 3rd floor.

Pagbukas ng elevetor ay agad siyang lumabas at sa di kalayuan ay agad niyang natanaw ang babaeng nakaupo. Agad naman siyang sinalubong nito.

"Magandang umaga po, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo ma'am?" Magalang na bati nito kay Yasmin.

"Magandang umaga rin sayo, nandito ako kasi gusto kung makausap si Mrs. Trinidad. I'm Yasmin Perez." Anito sabay pakilala sa kaharap.

"Okey! po, saglit lang po at sasabihin ko sa kanya," Saad nito kay Yasmin at agad itong tumayo at tinungo niya ang nakasarang pinto. "Ma'am, nandito na po si Miss Perez." Dinig ni Yasmin na anang babae sa tao sa loob ng nakasarang pinto.

"Miss Perez, tuloy po kayo." Anang babae na nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. "Thank you." Pasalamat niya dito at isang ngiti lang ang tinugon ng babae bago niya sinara ang pinto.

"Hi! Please! have a sit." Ani Sheryn sa kanya na itinuro ang upoan sa harapan ng mesa nito. "Thanks."

"Anong inumin ang maiaalok ko sayo?" Tanong ni Shryn sa kanyang nakangiti. "Uhm! anything." Sagot niya dito. Kaya agad na nagpahatid ng maiinom si Sheryn sa secretary nito.

"So, your here for your wedding gown?" Maya ay muling tanong sa kanya ng kaharap. "Yes! parang ganun na nga, alam ko kasing ikaw ang pinakamagaling gumawa ng wedding gown sa bansa." Nakangiti nitong sagot kay Sheryn.

"Hindi naman sa pinakamagaling, maybe nagkataon lang." Pahumble pang ani Sheryn sa kanya. "Anyway, susukatan muna kita. At after that ay maari mong sabihin sa akin ang gusto mong style ng wedding gown. Kung anong desinyo ang gusto mo." Saad sa kanya ni Sheryn.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now