Chapter 9

25.1K 815 24
                                    

HALOS hindi makapaniwala si Yasmin sa naging resulta ng ipacheck-up siya ni Haide sa malapit na clinic. Positive nga itong buntis. Binigyan siya ng doctor na tumingin sa kanya ng reseta ng mga vitamin na dapat niyang inomin para sa kalusugan nila ng baby. Ang lahat ng yun ay hindi namalayan ni Yasmin na binili na pala ni Haide para sa kanya.

"Yasmin."

Tawag sa kanya ni Haide. Kaya bigla siyang napaangat ng tingin sa kasama.

"Okey! ka lang ba?" May pag-aalalang taong sa kanya ni Haide. At dahil ayaw niyang abalahin ito ay agad siyang ngumiti sa kasama. Subra-subra na ang ginawang tulong nito sa kanya at baka nakakaabala na siya dito.

"Yeah! I'm fine. Thank you nga pala sa pagsama sa akin. Hindi ko alam kung pano kita mababayaran sa ginawa mo ngayong araw." Anito. Bigla naman natawa si Haide sa tinuran nito sa kanya.

"Ano ka ba, sino-sino pa nga ba ang magtutulongan kung hindi tayo. Iisang dugong pinoy lang tayo." Ani Haide na kinangiti ni Yasmin. "Oh! siya saan ka tumutuloy dito sa New York ng maihatid kita?" Pag-iiba ni Haide ng usapan nila.

"Malapit lang dito." Sagot nito. "No worries, kaya ko na umuwi mag-isa. Subrang abala na ang ginawa ko sayo." Anito kay Haide na natatawa.

"Whatever. Sige kung yun ang gusto mo e hahayaan na kita. Anyway, here my number. Tawagan mo ako pagdating mo ng Pilipinas, dahil mauuna akong uuwi sayo doon. O dikaya ay itawag mo sa akin ang araw ng pagdating mo doon at ako mismo ang susundo sayo." Ani Haide na ibinigay ang calling card kay Yasmin. Agad naman niya yun inabot at isinilid niya sa kanyang bag.

"Okey! Thanks, sige i'll call you then." Anitong nakangiti sabay beso-beso kay Haide.

"Take care of your self. Inomin mo ang mga vitamin na binigay sayo ng doctor. No stress, magpahinga ka ng maaga. Drink fresh milk and always eat a healthy food." Habilin dito ni Haide na kinatawa ni Yasmin dahil daig pa nito ang nanay na hinahabilinan siya ng dapat niyang gawin.

"Wag matigas ang ulo ha. Kundi baka masakal kita." May tunong pagbabanta sa kanya ni Haide na agad pinara ang taxi na paparating. Agad naman huminto ang taxi kaya agad binuksan ni Haide ang pinto ng taxi at pinasakay niya doon si Yasmin.

"Thank you, don't worry i'll take care of my self. Ikaw rin mag-iingat." Saad dito ni Yasmin bago siya pumasok sa loob ng taxi. Ng makapasok siya doon ay bahagya niyang nginitian si Haide bago umusad ang sinasakyan niyang taxi. Ng hindi na matanaw ni Yasmin si Haide ay saka siya naupo ng maayos sa loob ng taxi at ipinatong niya ang isang kamay sa kanyang tiyan.

"Baby, magpakabait ka ha. Hindi kasi alam ni mommy kung ano ang mangyayari bukas. At kung saan man tayo dalhin ng bukas ay wag na wag ka sanang bumitaw kay mommy. Dahil kahit anong mangyari ay mamahalin ka ni mommy ng buong-buo." Kausap nito ang impis niyang tiyan.

SAMANTALA kasama ni Sefh ang ilan sa mga pinasan niya ng mapansin ng mga ito ang hawak-hawak niyang necklace. Kaya kunot nuong tinanong nila ito kung kanino ang necklace na yun.

"Bro, kaninong necklace yan?" Takang tanong sa kanya ni Wayn.

"Yeah! Kanino ba yan at kanina pa kita napapansing hawak-hawak yan." Sigunda naman ni David.

"Kay Cinderella." Tipid nitong sagot na kinakunot ng noo ng dalawa.

"Sinong Cinderella?" Tanong naman ng kararating lang na si Ryne. Nagkibit balikat naman si Wayn at David bilang sagot.

"Ang weird mo, bro." Ani Wayn na naiiling. Hindi kasi nila ito maintindihan at hindi rin nila kayang basahin kung ano ang iniisip nito.

LUMIPAS ang araw na pananatili ni Yasmin ng New York at sumapit ang araw ng pagbabalik Pilipinas niya. Samo't saring isipin ang naiisip niya. Iniisip kasi nitong kapag dumating siya ng Pilipinas ay gusto niyang balikan ang bar na pinuntahan niya kung saan niya nakilala si Sefh. Magbabakasakali siyang magkikita ulit sila nito at sabihin dito ang kalagayan niya. Ngunit ang kabila niyang isip ay nagsasabing wag na siyang magtangkang magpakita dito matapus niya itong takbuhan ay sa tingin ba niya ay mapapaniwala niyang ito ang ama ng ipinagbubuntis niya. Dahil nagbunga ang isang beses nilang pagkalimot o masasabi bang silang dalawa ang nakalimot? Hindi kasi niya matandaan na nalasing ang lalaki. Ang natatandaan niya ay siya ang lumalaklak ng alak kaya siya nalasing at sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang bagay na naging dahilan kung bakit siya pinagtaksilan ng ex-boyfriend niyang si Rex.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now