Chapter 14

27K 871 47
                                    

LUMIPAS ang buwan na hindi parin nagigising si Sefh. Laking pagtataka nila kung bakit hindi ito nagigising. Samantalang maayos naman ang medical record nito. Minsan iniisip nilang baka sinasadya nitong wag magmulat ng mga mata. Pero alam din naman nilang imposeble yun. At dahil nga stable na ang lagay nito ay inilabas nila ito sa ICU pero nanatili parin sa hospital. Buti na nalang at pag-aari nila ang hospital dahil madalas doon nag-aasaran ang magpipinsan habang dinadalaw nila si Sefh.

ITALY

"Haide, babalik ka ba agad sa Pilipinas?" Tanong ng manager ni Haide sa kanya. Katatapus lang ng modeling show na nilahukan niya sa Italy. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot.

"Moma, mauna na po kayo sa Pilipinas. Magstay po ako dito ng ilang araw lang at saka ako uuwi ng Pinas." Anitong nakangiti.

"Oh! Siya, mag-iingat ka dito." Anang manager niya. Isang tango at ngiti lang ang isinagot niya dito bago siya umalis at naghanap ng taxi. Dahil sa pagud siya ay agad siyang nagpahatid sa taxi kung saan siya nakacheck-in na hotel.

"Bukas na ako mamasyal, matutulog muna ako ngayon." Anito sa sarili.

KINABUKASAN pagkagising ni Haide ay agad itong naligo at nagbihis. Nagpasya itong una niyang pupuntahan ang sinasabi ng mga kaibigan niyang bakery sa Italy na the best daw ang ginagawa nilang bread.

Dahil hindi naman kalayuan ang bakery sa tinutuluyang hotel ni Haide ay kaya nilakad lang niya ito. Masaya siyang naglalakad at panay tingin niya sa bawat nadadaanan niya. Ang bawat magustuhan niyang magandang view ay kinikunan niya ito gamit ang camera ng phone niya.

Samantala maagang gumising si Yasmin gaya ng nakagawian niya ang maagang pumunta sa paborito nitong bakery. Araw-araw mula ng manganak siya ay pumupunta siya doon para bumili ng mainit-init pang tinapay.

"Grazie." Anito matapus niyang abutin ang binili niyang tinapay.

Pauwi na si Yasmin matapus niyang bumili ng tinapay ng may hindi siya sinasadyang makabanggaan.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya sa nakabanggan.

Para naman tinuklaw ng ahas ang nakabanggan ni Yasmin. Hindi niya akalain na sa tinagal-tagal ng paghahanap nila dito ay dito lang niya ito makikita.

"Yasmin?"

"Haide?"

Halos panabay na tawag nila sa isa't isa.

"Oh! My God. Where have you been? Alam mo bang hinihintay kita sa Pilipinas. At akala ko e hindi ka tumuloy sa pag-uwi mo kaya bumalik ako ng New York at hinanap kita doon. Pero hindi kita nahanap." Ani Haide na may tunong hinampo kay Yasmin.

"I'm sorry. Nagpasya kasi akong dito magwork. Kaya after nung pagkikita natin ay agad akong pumunta dito sa Italy." Paliwanag nito.

"Kumusta yung." Ani Haide na tila hindi alam kung panu itatanong dito ang ipinagbubuntis noon ni Yasmin.

"His fine." Sagot nitong tila nahulaan ang gustong itanong sa kanya ni Haide. "So, it's a baby boy?" Paniniguro ni Haide na kung pwedi lang niyang takbuhin ang baby ni Yasmin ay ginawa na niya. Pero umakto siyang walang alam.

"Pwede ko bang makita ang baby mo, kung okey lang?" Alanganin nitong aniya kay Yasmin. "Yeah! sure, tara sa bahay." Anito sabay aya kay Haide na mabilis nagpatianod.

Madali lang nilang narating ang bahay na tinutuluyan ni Yasmin dahil hindi naman ito kalayuan.

"Tita..."

Tawag ni Yasmin sa tita niya. Agad naman lumapit sa kanila ang isang ginang na may karga-kargang bata.

"Oh! con te in realtà piace, cara?" Nakangiting anang ginang na hindi masyado naunawaan ni Haide ang ibig nitong sabihin.

LOVE AND PAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon