Chapter 4

27.5K 755 5
                                    

***CEBU***

PARANG pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Yasmin, ngunit umakto parin itong ayus lang siya dahil ayaw nitong masira ang business trip nila ng boss niya sa Cebu. Dahil para sa kanya business is business at labas na dito ang personal na buhay.

Pagkarating nila ng Cebu ay agad ang mga ito tumuloy sa hotel kung saan sila nagparoom book bago pa sila pumunta ng Cebu, kaya pagkarating nila sa naturang hotel ay agad silang nagcheck in. Matapus magcheck in ng mga ito ay nagtungo na sila sa kani-kanilang inukupang kwarto.

Pagkapasok ni Yasmin sa kwartong nakalaan para sa kanya ay dito niya pinakawalan ang masaganang luha na kanina pa nagbabadyang pumatak ngunit pilit niyang pinigilan wag lang makita ng boss niya. Ang sakit na gusto niyang pakawalan, gusto niyang isigaw ngunit di niya magawa. Anong sakit at hapdi ang malaman mo ang nobyo mo na minahal mo ng ilang taong nagkasama kayo at pinagkatiwalaan ay niluluko ka lang pala niya at sa tuwing magkasama kayo ay halos sambahin kanya ngunit kapag nakatalikod kana pala dito ay gumagawa ng kabalbalan. At ang masakit ay mahuli mo itong mismo sa sarili niyo pang kwarto at ang malala pa ay isa sa mga kaibigan mo ang umahas sayo. Dito isinubsub na ni Yasmin ang mukha sa ibabaw ng kama dahil hindi na nito kaya ang sakit na nararamdaman.

"Napakawalang hiya mo Renz, gago ka nagtiwala ako sayo pero niluluko mo lang pala ako."

Iyak ito ng iyak habang na nakadapa sa kama at nakasubsub ang mukha nito sa unan. At maya't maya ay may biglang kumatok ng pito, ngunit di niya ito pinansin. Hinayaan lang niya ito at dahil nakalimutang ilock ni Yasmin ang pinto ay bigla itong bumukas at dito bumungad sa kanya ang boss niya na nasa mukha nito ang pag-aalala.

"Kinakatok ko ang pinto pero hindi mo naman pinagbubuksan at bakit ka umiiyak? Kanina pa kitang napapansin mula pa kanina ang pananahimik mo. What's wrong?" Anang boss niya.

"A-ah! ano kasi_." At ng dahil wala itong maapuhap na idadahilan ay yumuko nalang ito at muling dumaloy ang kanyang mga luha sa mata.

"Yasmin, look pwedi mo na man sabihin sa'kin kung ano ang nangyari hindi bilang boss mo o kaibigan kundi bilang nakakatandang kapatid mo. You know that I like you as my sister, wag yung sinusulo mo ang problena mo kung pwedi mo naman ito eshare sa iba." Anang lalaking tuloy-tuloy na lumapit sa kama.

At dito biglang napayakap si Yasmin dahil pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kakampi at iintindi sa nararamdaman niya. Samantala si Rolly naman ay hinagud nalang nito ang likod ng dalaga na nakayakap sa kanya at maya't maya tumigil ito sa kaiiyak at umalis sa pagkakayakap sa boss niya.

"Come on, tell me. And stop acting like I'm not your cousin. Sabihin mo na at ng maresbakan ko ang nagpaiyak sa'yo." Ani Rolly.

"Eh! Kasi Sir_." Hindi pa man ito tapus magsalita ng magsalita si Rolly.

"Hey! wala tayo sa opisina para tawagin mo parin akong Sir." Anito sabay punas niya ng luha sa pisngi ni Yasmin.

"Okey! I'm sorry and sorry dahil pati ikaw nagwoworried sa akin." Anito sabay kusot niya ng mata.

"Ano bang pinagsasabi mo. Bakit ano ba kita, hindi kadugo. Kaya sabihin mo na kung ano ang nangyari at makikinig ako?" Anito sa dalaga.

"Ano kasi, si Renz nahuli ko may ibang babae at yun ay si Lara and I saw them both na magkatalik sa mismong kwarto pa namin." Kagat labi nitong sumbong kay Rolly.

"What the hell? That bastard, kaya ka umiiyak dahil sa gagong lalaki na yun? Tang ina, wag lang siya magpapakita sa'kin at manghiram siya ng mukha sa aso." At tumango lang ito bilang sagot.

"Alam mo, mabuti na yung maaga mo nalaman ang tunay na kulay niya bago pa man kayo naikasal. Kaya wag mo sayangin ang iyong luha sa isang walang kwentang lalaki, your beautiful and I know may darating pang mas nakakahigit sa kaniya at karapat dapat sa pagmamahal mo. Kaya wag ka ng umiyak dahil pumapangit ka oh! At wala sa lahi natin ang pangit." Ang nakangiting pagbibiro ni Rolly kay Yasmen na kinangiti narin niya.

"Sige na ayusin mo ang sarili mo at lalabas tayo para magdinner. I'll be back after 15 minutes." Anito kay Yasmen na agad yumakap sa kanya.

"Thank you kuya." Ani Yasmin.

"Your always welcome for me. Nangako ako sa puntod ng parents mo na hindi kita pababayaan at kung sino man ang manakit sa'yo ay I swear magbabayad sila ng mahal. Dahil sisingilin ko sila." Anitong agad na tumayo at ginulo nito ng buhok ni Yasmin, pagkatapos ay saka nito tinungo ang pinto palabas. Ng makalabas ito ay nangiti narin si Yasmin dahil matapus ang nakita at natuklasan na kabalbalan ng nobyo nito ay may mga tao paring nandyan para pagaanin ang loob niya kaya agad itong tumayo at nagtungo sa rest'room para maghilamus ng mukha.

***MANILA***

ISANG lalaki ang nangingiting pumasok sa TREXX Cafe and how he miss this place at mukhang malaki na ang ipinagbago nito.

"Excuse me, nandyan ba si Trexx?" Tanong nito sa mga waiter na naroon.

"Yes sir, yung lalaki pong nasa counter." Turo ng isang waiter sa kanya.

"Okey! thanks." At agad itong lumapit sa counter kung saan ang itinuro ng waiter sa kaniya.

"What a nice place?"

Isang pamilyar na boses ang nagpaangat ng mukha sa lalaking busy sa pagbibilang ng perang kita ng cafe sa araw na yun.

"Whoaaahhhh....bro! ikaw na ba yan?" Agad itong lumapit sa bagong dating na parang hindi makapaniwala kung sino ang nasa harapan niya ngayon.

"Bro, mas lalo ata tayong naging gwapo. Iba na talaga ang galing abroad." Kumento pa ni Trexx dito.

"Langya ka. Kumusta kana? Mukhang umasinso na tayo ngayon." Anitong nakangiti kay Trexx.

"Hindi naman bro, ikaw nga 'tong mukhang big time billionaire e. Pero, hindi ko alam kung bakit pa kailangan mong sa Italy magtrabaho samantalang kahit hindi ka magtrabaho eh! mabubuhay ka." Ani Trexx na iiling-iling.

Bigla naman natawa ang isa sa tinuran ni Trexx. "Bro, ayaw kung umasa sa yaman ng pamilya ko. Alam muna kung anong mayrong tradisyon ang lahi namin, kaya umiiwas lang ako."

Anito na agad naman naunawaan ni Trexx. Dahil sa nasa pamilya nila ang tradisyonal na laging ipinagkakasundo sila sa anak ng mga kabusiness partner ng pamilya nila.

"Kung sa bagay, tama ka bro. Kailan ka pala dumating?" Maya ay tanong ng kaibigan niya.

"Noong isang araw lang bro, hindi pa sana ako uuwi kaso ang kulit ni lolo e." Anitong natatawa.

"I see, anong gusto mong inumin?" Natatawa nitong tanong sa kaibigan.

"Kahit na ano bro, wag lang tayudan." Anitong kinatawa ni Trexx na agad nagsalin ng inumin sa dalawang kupita ng alak.

TBC.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now