Chapter 25

26.3K 705 17
                                    

ISANG surprise party ang pinlano ni Sefh para kay Yasmin. Wala itong kaalam-alam sa binabalak ng nobyo. Ang mga malalapit nilang kaibigan at mga kaanak ang imbetado sa okasyon na gaganapin sa MAV restaurant garden.

Ngunit bago pa man sumapit ang oras ng party na pinahanda ni Sefh ay meron muna silang planong kinailangan gawin. Isang plano upang masiguro nila ang kaligtasan ni Yasmin sa isang taong alam nilang maglalagay sa kanya sa piligro.

"Sigurado ba kayo sa plano nating ito?" Paniniguro ni Sefh sa mga pinsan nito. Nasa loob sila ng dala nilang van at inaabangan nila si Margot sa paglabas nito sa tinutuluyan nitong condo.

"Bakit wala ka bang tiwala sa amin, kung wala e umuwi kana lang at dagdagan mo ang itinanim mo." Pasupladong ani Jaiden kay Sefh. "Kent Jaiden Guerrero, anong meron. Hindi ka ba nakatabi sa asawa mo kaya ang init ng ulo mo ngayon?" Ang natatawang tanong naman ni Wayn kay Jaiden na nakasimangot.

"Ang bagal mo, akala ko ba e playboy ka?" Buksa rin ni David kay Jaiden. "Langya kayo oh! Sana pala e hindi na lang ako sumama sa inyo dito." Maktol nito sa mga pinsan niya.

Maya't maya lang ay natigil ang mga ito ng may biglang kumatok nang pinto ng sinasakyan nilang van. Kaya mabilis silang nagkatinginan. Agad na binuksan ni Ryne ang pinto ng van kung saan sila nakasakay. At pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang isang babae na hindi nila kilala.

"Yes! What you want?" Pasupladong tanong dito ni Ryne. "Uhm! I know kung bakit kayo nandito. Inaabangan niyo si Margot Elizalde right?" Anang babaeng hindi nila kilala.

"I'm one of her friend. Alam ko kung bakit niyo siya dito inaabangan. But I'm telling you, sinasayang niyo lang ang oras niyo dito." Anang babae sa kanila.

"Kung kaibigan mo ang babaeng yun, sana alam niyo kung anong problema niya. Alam mo bang kailangan niya ng medical treatment dahil may sira ang pag-iisip niya?" Magkasalubong ang kilay na turan dito ni Jaiden na naiinis.

"Alam kung may problema siya sa pag-iisip," mabilis na sagot ng babae kay Jaiden. "Dahil minsan ko na rin pinagbigyan ang kabaliwan niya dahil nga kaibigan ko siya. Pero nagsisi akong pinagbigyan ko siya. Nagpapasalamat ako at hindi ako nakagawa ng bagay na pagsisihan ko habang buhay. Kaya ng marinig ko ang ginawa niya kay Yasmin ay ako mismo ang tumawag sa magulang niya sa Canada. Sinabi ko sa kanila ang kalagayan ng anak nila at ang pinaggagawa niya dito. Kaya umuwi dito ang magulang niya at sinundo nila siya. Dinala nila kaninang umaga pabalik ng Canada si Margot." Anito sa magpipinsang Guerrero. Ngunit makikita mo sa mga mukha nila ang tila hindi sila kumbensido sa sinasabi ng babae sa kanila.

"Actually ay matagal na siyang may sakit sa pag-iisip. Kaya siya nandito sa Pilipinas ay ang akala ng magulang niya ay tuluyan na siyang gumaling, yun pala ay hindi pa." Dagdag nitong paglalahad tungkol sa kalagayan ni Margot.

Dahil sa narinig ng magpipinsan ay bigla naman silang nagkatinginan. "I know mahirap paniwalaan ang sinasabi ko. Pero pwede niyong icheck sa airport ang pangalan niya, hawak niyo naman ang airport. At kung sa tingin niyo ay nagsisinungaling lang talaga ako ngayon sa lahat ng sinasabi ko ay pwede niyo akong kasuhan. I'm Stacey Fabella. At sa pakalawa ay babalik na ako ng London. Kaya pwede niyo akong ihold sa emigration kung sa tingin niyo ay nagsisinungaling lang talaga ako." Ani Stacey sa kanila.

"Okey! Thank you sa information Miss Fabella at sa ginawa mo. Alam naming malaking tulung ang ginawa mo. Kaya maraming salamat at nasisiguro na namin ngayon ang siguridad ni Yasmin at ang ipinagbubuntis niya." Saad naman ni Wayn kay Stacey na napangiti.

"Ipanatag niyo ang loob niyo. Dahil kung saka-sakaling bumik ulit si Margot sa Pilipinas ay ako mismo ang unang magsasabi sa inyo para paalalahanan kayo." Anito sa magpipinsan. "And congrats Sefh. Ingatan mo ang mag-ina mo." Ani Stacey kay Sefh na isang tango lang ang isinagot.

LOVE AND PAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon