Chapter 1
The sound of the alarm clock meddled in her sleep like a roaring tiger. Rein took the pillow and covered her ears. She was still sleepy. Muli niyang ipinikit ang mga mata ngunit nang maalalang mahalaga ang gagawin niya ngayong araw, kaagad na napatayo siya mula sa kanyang queen-sized canopied bed.
Today was her first day of training at Excel Asia as a call center agent. She setup her alarm clock to ring at exactly four o’clock in the morning. She was not the kind who wakes up early in the morning but she needed to do it as she had an early appointment.
Her motivation and the reason behind her determination to find a job was her plan to become independent from her parents. She needed to have her own source of income so that she can feed herself.
She was already fed up being a rich man’s daughter, a sole heir to a massive clothing company in the country.
She wanted to have a name of her own, build her own resume and pile her own achievements. And she wanted to start from scratch.
Kaya kahit tinatamad pang bumangon, pinilit niya ang sarili at pumasok sa loob ng bathroom. Ang aga pa ng mga oras na iyon at malamig ang kapaligiran. Lihim na nagpasalamat siya at merong water heater ang kanyang bathtub.
Binuksan niya ang gripo at pinagmasdan ang pagdaloy ng tubig sa tub hanggang sa napuno iyon. Katulad ng kanyang nakagawian, ini-adjust niya ang temperatura ng tubig para maging lukewarm. She then poured the liquid soap and used her fingers to stir the water. Bubbles started to form and fill the tub.
Tinanggal niya ang suot na roba at dahan-dahang inilubog ang sarili sa loob ng bathtub. Tahimik siyang napaungol nang maramdaman ang pagsipsip ng tubig sa kanyang balat. Kaagad na nakaramdam siya ng aliwalas. Ipinikit niya ang mga mata nang makaramdam ng antok ngunit kaagad na napadilat at mabilis na nilinis ang katawan, nag-shampoo ng buhok at nagbanlaw.
She had to push herself just to pursue with her plans. She was fully motivated and she already made up her mind.
She will be an independent woman soon. And she just can’t wait.
Tinungo niya ang adjacent walk-in closet kung saan nakalagay ang kanyang wardrobe. She surveyed her clothes. Isang maong pants at puting blouse ang napili niyang isuot para sa araw na iyon. Nagbihis siya at pagkatapos ay humarap sa kanyang vanity dresser.
Habang nag-aayos ng mukha, hindi niya mapigil ang makaramdam ng kaligayahan. Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng trabaho. Her very first job and she was quite excited.
Sa loob ng limang taon, pagkatapos niyang mag-graduate sa college, wala na siyang ginawa kundi ang magpahinga, manatili sa kanilang mansion, o mamasyal kasama ng kanyang mga magulang. At nababagot na siya sa ganuong klase ng pamumuhay.
She was living a boring and unfulfilled life and she was craving for more!
Pagkatapos na mag-ayos ng sarili, kinuha niya ang kanyang LV bag, inilagay ang kanyang mga personal na gamit sa loob pati na ang kanyang kikay kit at wallet, pagkatapos ay tahimik na lumabas siya sa kanyang silid.
Alas singko pasado pa lamang ng umaga ngunit kailangan niyang umalis nang maaga at ang plano niya ay mag-commute. Hindi niya gagamitin ang kanyang sasakyan.
Sasakay na lamang siya ng bus papuntang Buendia tapos sasakay ng jeep papuntang Pasong Tamo Extension.
Ilang beses siyang naligaw noong pumunta siya sa Excel Asia para sa kanyang interview. May dala pa nga siyang sasakyan noon. Alam niyang gugugol siya ng mahabang oras sa pagbiyahe para makarating sa Excel Asia kaya maaga pa ay gumayak na siya. Alas otso nang umaga magsisimula ang kanilang training.

BINABASA MO ANG
Seducing The Wild Heart (Published)
General Fiction(WARNING: RATED SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk) All she ever wanted is to be a person of her own merits, and enjoy freedom and independence... Twenty-five year old Regine Kuan decided to pursue a new life th...