Chapter 7

70.9K 630 23
                                    

 Chapter 7

Hindi siya maayos na nakatulog nang nagdaang gabi pero maagang gumising si Rein. Monday at papasok siya ng KCI. Ilang araw pa lang niyang pinamamahalaan ang kumpanya nila pero nag-eenjoy na siya. Ang dami-dami na kasi niyang natutunan at nasasabik siyang mas matuto pa.

          Pero higit sa lahat ay gusto niyang abalahin ang sarili para pansamantala niyang makalimutan si Troy. He had been pestering her mind throughout the night.

          She looked impeccable in her corporate get up when she popped up in their dining hall for breakfast. Naabutan niya roon ang mga magulang niya. They were already awake.

          “Good morning, Pa, Ma…” She kissed them on the cheeks and pulled a chair for her.

          Ang katulong nila ay kaagad na lumapit sa kanya at ipinaghanda siya ng agahan.

          “You’re going to the office?” Ang ama niya na itinigil muna ang pagkain.

          “Yep!” Simpleng sagot niya. Nagsimula siyang kumain nang maayos na mailagay sa harapan niya ng katulong ang pagkain niya.

          “Magpahinga ka muna anak…”

          Bahagya siyang natawa. “Naku, Papa, kakaumpisa ko pa nga lang sa KCI.”

          “But you have to take a break so you and Troy can have time to get to know each other…”

          Muntik na siyang mabilaukan sa sinabi ng ama. “Papa naman. I’m enjoying my corporate stint right now in KCI. I can’t take a break. Lalo na ngayon. I spearheaded a new project. Kailangan ako sa opisina.”

          “Marami tayong tauhan na puwedeng humawak ng project na iyan, Rein…” Pag-iinsist ng ama niya. Her mother was just silently listening at their conversation.

          Alam niyang kukulitin lamang siya ng ama kaya binilisan na niya ang pagkain. Kaagad na tumayo siya sa mesa nang maubos niya ang pagkain niya. “I have to go now, Ma, Pa…” Nilapitan niya ang mga ito at muling humalik sa pisngi. “Bye! See you later!”

          “Take care, ija…” Ang ina niya samantalang tumango na lamang ang ama niya.

          She didn’t stay longer in the dining hall. Mabilis na bumalik siya sa kanyang silid at kinuha ang mga gamit na dadalhin niya sa opisina. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kanilang garahe kung saan ay naghihintay na ang personal driver niya.

          Nasa Ortigas ang main office ng KCI at may kalayuan iyon mula sa Alabang. Kung dati ay wala siyang sariling driver, dahil kung aalis man siyang nag-iisa na madalang pa sa patak ng ulan, nasa malapit lang naman ang destinasyon niya. Isa pa ay kadalasan namang kasama niya ang mga magulang at may family driver sila.

          And it was very convenient for her to have a personal driver. Lalo na kapag umuuwi siya. Sometimes kasi ay pagod na siya mula sa buong araw na pagtatrabaho sa opisina at wala na siyang energy na mag-drive pauwi.

          “Good morning, Ma’am…” Kaagad na bati sa kanya ng driver niya nang makita siyang papalapit.

          “Good morning too, Mang Jose,” nginitian niya ang nasa mid-forties ng lalaki. Ipinagbukas siya nito ng pintuan at sumakay siya sa loob ng kotse niya.

Ang main office ng KCI sa Ortigas ay nasa isa sa pinakamatayog na building doon, ang The Triangle. It was an imposing skyscraper shaped like a triangle, hence the name was derived. They occupy three floors in the building, from the 14th floor to the 17th floor.

Seducing The Wild Heart (Published)Where stories live. Discover now