Nagkulong siya sa loob ng kanyang silid at hindi na lumabas pa. Malakas ang tibok ng puso niya. Seeing Troy again was really unexpected. And the fact that he was the guy that her parents wanted her to end up with was simply ridiculously out of this world.
Pakiramdam ni Rein ay pinaglaruan siya ng pagkakataon. Sa dinami-dami ba naman kasi ng lalaki sa buong mundo na ma-meet niya nang maglayas siya, bakit si Troy pa iyon? Ayaw na niyang lumabas pa ng kanyang silid pagkatapos nang naging engkuwentro nila ng lalaki sa hallway. Wala na siyang mukhang maihaharap pa rito.
Isa pa, sa kaalamang si Troy pala ang mapapangasawa niya, wala na siyang rason pa para makilala ito. She already knew him. And she won’t like him to be her future husband. Ayaw niya ng babaero at two timer. Papaano na lang kung mag-asawa na sila? Will he also see other women behind her back? Hindi puwede iyon. Hindi siya papayag. Pero sa klase ng pagkatao ni Troy ay kaya nitong gawin iyon sa kanya. Once a cheater, always a cheater, ika nga.
Napapitlag siya sa pagkakaupo sa kama nang makarinig ng mga katok sa pintuan.
“Rein… ija…”
She closed her eyes in frustration as she heard her mother’s voice. Ayan at inakyat na siya mismo ng ina.
“I’m not feeling well, Mama. I don’t want to go out and socialize…” Naiinis na sagot niya.
“Anak naman, please… Our visitors have been here for hours already. Kanina ka pa namin hinihintay. We’re already hungry. Labas ka na ‘nak, please…”
“Mauna na kayong kumain, Mama. Huwag n’yo na akong hintayin. I’m not hungry…”
“Rein, naman!” Tumigas na ang boses ng ina. “Nakakahiya na sa bisita natin at kanina ka pa hinihintay. Nahihiya na ako sa Tita Esmeralda mo at Tito Nicandro mo. Please lang lumabas ka na ng silid mo at nang makapag-dinner na tayo…”
Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga. “Ma naman!” Naiinis na talaga siya. But her mother was already annoyed, as what she can tell by the tone in her voice.
“You know I won’t go unless you come with me…”
Her face fell. “Okay, Ma, I’ll follow…” Bahaw niyang sagot. Alam niyang hindi siya titigilan ng ina hangga’t hindi niya sinusunod ito.
“Please don’t take long…”
Iyon lang at narinig na niya ang papalayong mga yabag ng ina. Naiinis na tumayo siya sa kama at lumapit sa full length mirror sa isang tabi. She looked at her flushed reflection.
God, she’ll be facing Troy in front of her parents, how difficult was that? Ngayon pa lamang ay parang gusto na niyang matunaw sa hiya. But she had to collect her guts and face Troy and their visitors.
Muli siyang humugot ng malalim na buntong-hininga upang patatagin ang sarili. Napilitan rin siyang lumabas ng kanyang silid. Puno ng agam-agam ang kanyang dibdib habang naglalakad siya, nanginginig ang mga tuhod niya.

YOU ARE READING
Seducing The Wild Heart (Published)
General Fiction(WARNING: RATED SPG. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk) All she ever wanted is to be a person of her own merits, and enjoy freedom and independence... Twenty-five year old Regine Kuan decided to pursue a new life th...