World of Extalia

2.6K 104 56
                                    

Ang World of Extalia o mas kilala bilang [WOE] ay nabuo sa pamamagitan ng angking katalinuhan ng "The Crazy Scientist" na si Mr. Frank Skillforj, sa tulong ng kanyang mga kasama ay nabuo nila ang pinaka bagong Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game o [VRMMORPG] ginagamitan ito ng Syncronizing Device o mas kilala sa tawag na Sync Gear [SG] ang SG ay isang device na parang isang helmet look like na may green thin glass para sa mata.

Nakipag partner si Mr. Skillforj sa isang Game Company, ito ay ang Extalia Corp. upang mailabas sa publiko ang larong ito at mabigyan ng permiso para laruin ng mga players. Ngunit hindi kaagad ito naaprubahan dahil nababahala ang ilan dahil sa si Mr. Skillforj ang may gawa ng naturang laro at baka hindi ito safe sa mga manlalaro dahil sa mga kakaibang imbensyon nito at record sa pagiging isang Crazy Scientist kaya naman agad itong inaksyunan ng Extalia Corp. at isinagawa ang kanilang unang Beta Test. Pili lamang ang maaring makasali dahil sa hindi ito apruba sa mga magulang ng player kaya tanging 50 players lang ang naging Beta testers ng WOE!

Makalipas ang dalawa at kalahating buwan ay naging successful ang Beta Testing at naaprubahan na din sa wakas ang WOE para maipalaro sa mga tao.

Marami ang natuwa at naging excited para sa paglabas WOE.

Isang buwan ang lumipas at binuksan na ang server ng WOE halos maubos kaagad ang unang 100,000 copies ng mga SG. Nang sumunod na buwan ay naglabas ulit ng mas maraming kopya ang Extalia Corp. at mas lalong naging sikat ang WOE sa buong Pilipinas.

Apat na buwan na simula ng buksan ang server ng WOE ay patuloy lang sa  pagsikat ang game na ito at patuloy pa rin ang pagdami ng mga players.

•••

Author's Note:
I edited itong WOE kasi tingin ko ay hindi ko na kayang ituloy yung dating takbo ng istorya kaya babaguhin ko na lang at para na rin mailabas ko yung ibang idea na nasa isip ko na hindi ko maisulat sa AGO so, ito na yung kinalabasan. I hope suportahan niyo ulit ito kahit naiba yung takbo ng kwentong ito.

Date started: Oct. 16, 2016
Date finished:

-Emmskiii ♥

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now