WOE: 002

1.4K 90 86
                                    

Chapter 002: Liasma

"Sino kayo?" kalmadong tanong ni Shan sa siyam na aninong nasa harapan niya. Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin siya sinasagot ng mga ito.

"Hoyy! Sino kayo at bakit narito ako?!" ulit pa ng binata.

"Pwede tumahimik ka muna? Ang ingay mo eh." nagsalita ang isa sa mga anino na bahagyang ikinagulat ni Shan dahil boses ito ng babae pero hindi niya sinunod ang sinabi ng anino.

"Sino ba kasi kayo?!" ulit tanong niya.

"Patahimikin niyo nga yan! Nakakainis hindi makapag-antay!" boses muli ng babaeng nagtatago sa mga anino na halatang naiinis na sa kakulitan ng binata.

"Bakit ayaw niyo kasing sag---

"Kung ako sayo bata ay tumahimik ka muna. Makakapagpaliwanag ba kami sayo kung daldal ka ng daldal?" ito ang pangalawang boses na narinig ni Shan mula sa mga anino, lalaki naman ang isang ito.

Walang nang nagawa ang binata. Sinunod nalang niya ang sinabi nito kahit na wala siyang kaideideya kung sino at ano ang mga ito.

Muling nagsalita ang ikalawang boses na anino.

"Hayaan mong ipakilala ko muna sayo kung sino kami!" saglit tumigil ang boses at muling nagsalita. "Liasma ang tawag sa aming siyam na pinuno ng bawat race sa mundong ito, kami rin ang may hawak ng mundong ito. Sa madaling salita ay kami ang namumuno at nagpapatupad ng mga batas dito sa mundong ito!" may diin na sabi ng anino.

Pero hindi ito pinansin ni Shan at muling nagwika.

"Bakit hindi kayo magpakita sakin mga pinuno?" may halong pang-aasar ang tono ng boses ng binata.

"Makulit ka talagang bata ka! At diba sinabi kong manahinik ka muna at makinig? Bibigyan ka namin ng pagkakataon mamaya para magsalita. So please, makinig kana lang muna para matapos na." pakiusap ng ikalawang boses na narinig niya.

Tumango lang si Shan bilang tugon sa sinabi nito at nagpatuloy na sa pagpapaliwanag ang anino.

"Kagaya ng sinabi ko kanina ay kami ang Liasma. Ako si Garen at sa tulong ng mga kasamahan ko ay kami ang magbibinyag sayo upang maging isang ganap na manlalakbay sa mundong ito. Bweno, simulan na natin? Ano ang iyong pangalang gagamitin sa mundong ito?"

"Deadshot!" mabilis na sagot ni Shan.

Pinag-isipan na niya ang tungkol dito bago pa siya pumasok sa larong ito.

"Ikaw na ang bahala Harley!" saad ni Garen sa kasamahan.

May mumunting liwanag ang lumabas sa ibabaw ng ulo ni Shan at nawala rin agad.

"Ngayon bata, subukan mong tumingala para makita ang nasa ibabaw ng ulo mo." utos ni Garen.

Sinunod ni Shan ang sinabi ni Garen at bahagyang tumingala upang makita kung ano ang nasa ibabaw ng kanyang ulo.

Nakita ni Shan ang kanyang IGN na Deadshot katulad sa mga online games na nilalaro niya, kasunod nito ang HP, MP, SP at EXP bar niya.

"Ngayon naman ay kailangan mong mamili ng magiging race." pagsabi ni Garen nun ay lumabas sa kanyang harapan ang isang blue tranparent like thing na kasing laki ng lang bondpaper. Ito ang ay ang kanyang VS o [Virtual Screen] nakalagay sa VS niya ang pagkakasunod sunod ng bawat race na maari niyang pagpiliian.

Human

Elves

Fairy

Angel

Beastmen

Vampire

Demon

Undead

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now