WOE: 005

1.1K 86 74
                                    

Chapter 005: First Defeat

>>> Warning!

>>> Warning!

>>> Boss Appeared!!!

Three Face Golem
Level: 20
Category: Dungeon Boss
Type: Golem
HP: 500/500
MP: 250/250
Skills:
Rock Throw
Hard Body (Passive)
Flame Burst (Angry Face)
Baby Cry (Sad Face)
Rollout (Happy Face)
Magnitude

"Holyshit talaga! Paano ako mananalo sa isang 'to nang walang attack skill?" reklamo niya ng makita ang kaninang nakausling bato sa lupa ay naging isang malaking golem na may taas na 6ft at merong tatlong mukha.

'"Hello Human being! Why are you here? You wanna fight me? C'mon! Let's do this! Hihihi.'"

Nagbato agad ng Rock Throw ang Boss papunta sa binata, sa gulat ay nagamit niya agad ang Fading Step.

"Nanggugulat ang batong 'to." bulong ng binata matapos iwasan ang atake ng kalaban.

No choice na ang binata kundi ang labanan ang boss na 'to. Mahigit sampung minuto na lang ang natitira sa kanyang oras. Mabilis na kumilos si Deadshot papalapit sa Boss, sinabayan niya ang suntok nito ng pag-ilag at sinubukang ibaon ang kanyang sandata sa likod ng hita ng Boss pero tumalbog lang ang atake niya.

>>> Hard Body (Passive)
>>> Reduce 50% damage to Physical attacks.

Nagpop-up sa VS ng binata na gumana ang passive skill ng Boss na Hard Body. Nakabawas siya dito ng -50 HP na halos 1% lang ng Health Points ng Boss.

"Ang kunat naman!" mabilis niyang nilayuan ang Golem nang hindi ito tablan ng atakeng ginawa niya.

'"Hihihi! A scratch? C'mon! Are you serious Human?'"

Bahagyang umupo ang Boss at pinagdikit ang dalawang kamay. Naghugis bilog ito sabay gulong papunta sa kanya, cooldown pa ang Fading Step niya kaya hirap siyang iwasan ang atake ng Boss. Tumalon siya pakanan pero nadaplisan pa rin siya ng skill nitong Rollout, sapul ang kanyang kanang binti na dahilan ng pagkagulong-gulong niya sa lupa. Nabawasan ng halos 30% ang kanyang Health Points kahit na daplis lang ang natamo niya sa atake nito. Nagbalik na sa dating anyo ang Golem ng tumama ito sa pader. Handa na ulit itong umatake, papalapit na sa kanya ang Boss na nakangiti. Isang masayang mukha ng Golem ang biglang nagbato sa kanya ng tipak ng bato. Ginamit ulit nito ang skill na Rock Throw na agad namang inilagan ng binata sa pamamagitan ng paggulong.

"'Nice dodge Human! Next time i'll crush you to death. Hihihi."'

Isang paraan na lang ang naiisip ni Deadshot upang maging epektibo ang atake niya sa Boss. Nirereserba niya sana ito para maganda ang maging build ng kanyang stats. Ngunit wala ng ibang paraang naiisip ang binata, hindi na siya nagdalawang isip at hinintay ang susunod na atake ng Boss. Pumwesto siya na halos nasa likod na niya ang pader ng kweba, alam niyang gagamit ulit ng Rollout ang Golem kaya inabangan niya ang skill nito sabay gamit ng Fading Step. Tinamaan ng Rollout ang ginawang ilusyon ng skill niya. Mabilis siyang lumayo at binuksan ang kanyang VS menu, diretso sa character info at nilagay ang 75% ng stat points sa STR at 25% sa AGI.

Deadshot
Level: 12
HP: 152/152
MP: 45/45
SP: 50/50
EXP: 136/2100
Race: Human
Class: None
Sub-class: None
Job: None
Title: Newbie

Attack Damage: 87~90
Defense: 32
Magic Damage: 12~18
Magic Defense: 15
Attack Speed: 0.80
Movement Speed: 360

STR:   12 (+45)
AGI:   12 (+26)
INT:   12 (+5)
VIT:    12 (+5)
STM:  12 (+5)
ER:     12

Stat Points Available: 0

"Masubukan kung uubra itong naisip ko!" sinugod ni Deadshot ang Boss ng walang pag-aalinlangan.

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now