Author's Note

1.2K 76 162
                                    

Unang una magiging iba na ang takbo ng kwentong ito, palagay ko kasi ay hindi ko na kayang ituloy yung dating WOE kaya napagdesisyunan kong ibahin.

Pangalawa, ang lahat ng mababasa niyo ay pawang likha lamang ng malikot kong imahinasyon. Ano mang eksena o pangyayari na may pagkakapareho sa iba ay hindi ko sinasadya.

At ang huli sana ay suportahan niyo din ito katulad sa AGO, mas upgraded version ito at mas maayos ang pagkakagawa.

•••

Ilang dapat malaman ukol sa bagong WOE:

• Walang GM ang World of Extalia pero may 9 AI ang namumuno at nagpapatupad ng mga batas na dapat sundin sa loob ng laro, sila ang LIASMA.

• Kapag namatay ka naman sa laro ay automatic disconnect ka sa server ng WOE in short force log-out, dipende sa dami ng deaths mo ang oras na hindi ka makakalog-in, kada isang death ay isang oras na hindi makakalog-in at paglog-in mo ay makakatanggap ka pa ng penalty. Bawas gold or maybe level down.

• Ang skills dito ay hinahati sa tatlong klase. Ang attack skills ito yung karaniwang ginagamit pang-atake sa kalaban mo. Ikalawa ang escaping skills ito naman ang mga skill na ginagamit bilang pang takas sa kalaban kagaya ng dash, bahala na ang player kung sa paanong paraan niya gagamitin ang skill na yon. Ang huli ay ang supporting skills katulad ng mga buffs at mga pampalakas na skills. Sa WOE ay dalawa lang sa tatlong yan ang maari mong pagpiliian, maaring attack supporting skills or attack escaping skills.

•••

IGN [In Game Name]: ito ang ginagamit na pangalan ng isang player sa loob ng game.

AI [Artificial Intellegence]: sila ang mga nilalang sa loob ng laro na may kakayahang magdesiyon ayon sa kanilang kagustuhan.

NPC [Non Player Character]: ito naman ang nilalang sa loob ng laro na nakaprogram lang ang kayang gawin at sabihin, katulad ng pagbibigay ng quest, etc.

SG [Sync Gear]: ang SG o Syncronizing Gear ang nagdadala sa player sa loob ng game sa pamamagitan ng pagsync ng inyong isip, puso at pisikal na kaanyuan. In other words magiging isa kayo ng magiging avatar mo sa laro, kung ano ang nararamdaman ng avatar mo ganoon din ang mararamdaman mo. Pagod, gutom, uhaw, sakit na halos nasa kalahating porsyento.

VS [Virtual Screen]: thin blue glass look like, ito yung maglalaman ng detalye ukol sa iyong nais makita o dapat makita kagaya ng mga impormasyon tungkol sa iyong character.

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now