WOE: 003

1.3K 96 52
                                    

Chapter 003: Forlia

Nagsimula ng libutin ng binatang si Deadshot ang Newel City. May kalakihan ang bayan kaya matatagalan siya kung lilibutin niya ang buong lugar. Makikita sa paligid ng bayan ang samu't saring tindahan ng armors, weapons, potions at ibat ibang uri ng makakain. Madaming klase pagkain ang naririto parang sa totoong mundo.

May malaking Questhall sa bayan ng Newel kung saan pwedeng kumuha ng request ang isang player galing sa mga NPC's o kapwa players na may kaukulang rewards, dipende sa difficulty ng quest or sa mapag-uusapan niyo ng requester ang magiging reward. Kadalasan ay mga Blacksmith ang requester na nagpapakuha ng crafting items para sa bubuoin nilang sandata, maari ding NPC na ginugulo ng mobs. Katabi naman nito ang Guildhall sa Newel City dito naman maaring gumawa ng Guild ang player at iparehistro para maging isang opisyal na guild.

Kanina pa nililibot ni Deadshot ang bayan at namomroblema na. Paano siya bibili kung hindi niya mabuksan ang VS niya? Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi siya bumili ng manual ng WOE.

"Bakit kasi hindi ako bumili ng manual?!" inis na sabi ni Deadshot sa kanyang sarili.

Napaupo ang binata sa bench malapit sa kinaroroonan niya at nag-isip ng maari gawing hakbang. Pwede siyang magtanong sa kapwa player pero ayaw niyang magkaroon ng ugnayan sa kahit sino, sanay siyang kumilos mag-isa at walang iintindihing kasama.

Pero natigil ang kanyang pag-iisip dahil sa biglang may naupo sa tabi niya. Isang lalaking may suot na puting armor at malaking espadang nakasukbit sa likod nito. Hindi man lang siya inabisuhan na uupo ito sa tabi niya pero hinayaan nalang niya ito ngunit hindi nakaligtas sa mata ng binata ang ginawa ng lalaki, dalawang beses itong nagtap sa sindito gamit ang hintuturo kasabay nun ang paglabas ng VS sa harapan ng lalaki.

"Bingo!" sabi niya sa kanyang isipan at napangiti na lang sa kanyang nasaksihan. Nang makaalis ang lalaki sa tabi niya ay agad niyang sinubukan ang ginawa nito. Dalawang tap sa sintido at lumabas nga sa kanyang harapan ang VS niya kung saan makikita ang...

• Inventory
• Character Info
• Skills
• Friend List
• Guild
• Party
• Map
• Help
• Log out

Inisa-isa niyang suriin ang mga nakalagay sa VS menu. Una dito ang inventory na kanyang pinindot at lumabas ang detalye tungkol sa kanyang inventory at kung ano-ano ang laman nito.

Head Gear Slot: None
Armor Slot: Normal Shirt
Pants Slot: Normal Pants
Shoes Slot: Normal Shoes
Gloves Slot: None

Weapon Slot: None

Rosary Slot: None
Necklace/Earrings Slot: None
Ring Slot: None
Ring Slot: None

Vehicle Slot: None

Pixie Slot: None

Pet Slot: None

Inventory capacity: 2/30

Items:
Bread x5
Small HP Potion x2

Golds: 1000

"Parang sa online games lang." komento niya ng makita ang inventory. Sunod naman niyang sinilip ang kanyang character info.

Deadshot
Level: 1
HP: 68/68
MP: 33/33
SP: 45/45
EXP: 0/20
Race: Human
Class: None
Sub-class: None
Job: None
Title: Newbie

Attack Damage: 1~5
Defense: 7
Magic Damage: 1~5
Magic Defense: 5
Element Resistance: 10

Str: 5
Agi: 5
Int: 5
Vit: 5
Stm: 5

Stat points available: 15

•••

Sumunod niyang sinuri ang skills.

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now