Character and Game Information

1.2K 77 8
                                    

RACES

Human:
Balanse ang mga stats, may kakayahang matuto at umunlad.

Angel:
Parte na ng katawan nila ang mga pakpak at may mataas na movement speed, kilala dahil sila ang itinalagang tagapagbantay ng mga dyos.

Fairy:
Mahusay sila sa ibat ibang mahika ngunit mahina sila sa hand to hand battle, may kakayahan din silang lumipad na ginagamit nilang advantage sa laban.

Elves:
Pinaka mahusay pagdating sa larangan ng pabuo at paggawa. Sila ang pinaka matalinong sa lahat ng race.

Beastmen:
Mataas ang kanilang sense ability dahil sa kanilang pagiging kalahating hayop, kaya din nilang kumausap ng hayop. Mataas ang strenght ng mga beastmen dahil sa angking lakas ng mga hayop.

Android:
Immune sa lahat ng negative status effect kagaya ng burn at poison.

Vampire:
Mataas ang HP ng isang vampire, malalakas sila lalo na sa gabi dahil dito lang gumagana ang pagiging vampire nila at nawawala ito pagsapit ng umaga, special ability nila ang life steal at life drain.

Undead:
Sila ang mga class na may kakaibang anyo, itsurang halimaw at nakakatakot, tinanggal ang pagiging tao at nawala ang ibang emosyon kapalit ng lakas.

Demon:
May pinaka malakas na kontrol sa apoy at itim na elemento, may kakayahan din silang lumipad kagaya ng Fairies at Angels.

•••

CLASS

Swordsman:
Malakas sila kapag may hawak na espada, ibat iba ang paraan ng paggamit nila. May gumagamit ng malalaking espada, manipis, mahaba, pwede ring dalawa, tatlo o higit pa.

Archer:
Sinasamantala nila ang pagiging long range nila at hindi hinahayaang makalapit ang kalaban. Ngunit hindi naman sila dehado sa close range dahil may kakayahan din silang lumaban sa malapit.

Gunner:
Mas mabilis ang bumaril kaysa pumana, hindi katulad sa archer mahina sa close range battle ang mga gunner kaya kung umatake sila ay mula sa malayo, sila lang ang class na may sub-weapon.

Shaman:
Kilala sa kayahang magcast ng mga magic spells, maliit ang defense pero bawing bawi sa magic damage at may kakayahang magheal at bumuhay ng allies.

Spadille:
Gumagamit ng cards bilang weapon. Para din silang archer and gunner na long range type pero may halong magic ang mga skill nila.

Assassin:
Kilala sa pagiging mabilis at malakas. Iba iba ang weapon na ginagamit nila dipende sa kanilang mapipiling subclass. May Dagger, Katar, Katana, Shuriken, Scythe at iba pa.

Brawler:
Sanay sa pakikipaglaban ng malapitan, bihasa sa ibat ibang larangan ng martial arts.

Shielder:
Mataas ang kanilang HP at defense, effective sa boss battle sa dahil sa kakayahan nilang magtank, taunt at mga disables na mayroon sila.

Knight:
Isang subclass lang ang meron ito. Malaki ang defense at mabilis ang attackspeed kumpara sa iba sanay sila sa mid range battle.

•••

SUB-CLASS

SWORDSMAN

• Warrior:
Gumagamit ng malalaking espada, tanking type, kailangan mo ng mataas na strenght para sa class na ito.

• Blader:
Dalawang espada ang gamit nila bagama't nahati sa dalawang espada ang pwersa ng mga kamay nito ay bumawi sila sa kanilang mabilis na attackspeed at movementspeed.

• Sword Expert:
Kagaya sa warrior, isa lang din ang hawak nilang espada ngunit normal at manipis. Ito ang uri ng swordsman na nagfocus sa isang espada para mas malakas ang bawat bitaw ng mga atake dahil nakafocus ang lakas nito sa isang espada.

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now