WOE: 001

1.3K 89 9
                                    

Chapter 001:
Shan Bloodfallen 

Sa loob ng isang silid na patay ang ilaw at nakasarado ang pintuan ay makikita ang isang binatang nakaharap sa kanyang computer, naglalaro siya ng pinaka sikat na online game noon, dahil tapos na ang pamamayagpag ng online games pagkat may isang makabagong game na nabuo tatlong buwan na ang nakakaraan. Isa siya sa mga Pro Player ng online games o bihasa't maraming kaalaman tungkol sa kanyang nilalaro, halos lahat na yata ng mga online games sa pilipinas ay nalaro at kinabisado niya. Kapag natapos na siya sa isang laro at nagsawa ay agad siyang magpapalit ng ibang laro dahil hawak niya ang lahat ng oras niya at walang iniintinding kahit anong bagay.

Siya ay si Shan Bloodfallen ang nag-iisang anak ng mag-asawang Bloodfallen na sina Mr. Arthur Bloodfallen at Mrs. Isabelle Bloodfallen. Si Shan ay isang 21 years old na binata, payat dahil sa kapupuyat sa paglalaro ng online games, may kagwapuhang taglay si Shan at maayos na pangangatawan noon ngunit dahil sa kaadikan sa online games ay napabayaan na niya ang kanyang sarili. Namatay ang kanyang mga magulang pagkagraduate niya ng highschool dahil sa isang aksidente, halos apat na taon na din ang nakakalipas simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Simula nun ay puro computer ang inatupag ng binata at hindi na nagtuloy sa kolehiyo dahil sa sustentong natatanggap niya galing sa Autoshop ng kanyang ama.

Ang Autoshop na iyon ay naiwan ng kanyang ama na pinangangalagaan ngayon ni Mang Danilo. Matagal ng nagtatrabaho sa kanila ang matanda, pinagkakatiwalaan ito ng kanyang ama. Ang Autoshop na ito ay pagawaan ng ibat ibang sasakyan, kahit na anong klase pa yan.

Si Shan ay tamad, tambay lang sa kanyang bahay, gusto lang ay maglaro ng maglaro ng online games. Lumalabas lang siya kapag bibili ng pagkain. Mas gusto niyang magkulong sa kwartong patay ang ilaw at ubusin ang oras sa computer. Kahit na si Mang Danilo ay pinagsabihan na siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pero palagi siyang tumatanggi. Kasi halos kalahati ng kinikita ng Autoshop ay sa kanya napupunta at meron pang naiwang savings account ang kanyang magulang.

"Mahihina naman pala yon! Puro daldal wala namang gilas, puro satsat! Isang party pa sila tapos ako lang mag-isa?" sambit ng binata sabay tayo sa kinauupuan niya at lumabas ng kanyang silid.

Nagpunta ang binata sa kusina para kumuha lang ng pagkain dahil nakaramdam na siya ng pagkagutom.

"Walang ng pakain?! Tsk tsk!" naiinis na bumalik sa kanyang silid ang binata matapos makitang wala nang laman ang ref.

Kinuha lang niya ang kanyang wallet at asul na jacket, agad din lumabas ng silid ang binata at tinungo ang palabas ng bahay para bumili ng makakain.

May kalakihan ang bahay ng mga Bloodfallen dahil sa may kaya naman ang pamilya sila at may autoshop pa. May apat na kwarto, tatlo sa 2nd floor at isa sa 3rd floor.

"Oh... Saan ka pupunta Shan?" tanong ng matanda ng makita si Shan papalabas ng gate.

"Dyan lang, bibili lang ako ng pagkain ubos na yung laman ng ref eh." pagkasabi noon ay iniwan na niya ang matanda.

Pinabayaan na lang ni Mang Danilo ang inasal ng binata sa kanya.

Nakarating sa isang fastfood restaurant si Shan at kaagad na nag-order ng pagkain. Matapos magbayad ay lumabas na kaagad siya at nagmamadaling umuwi. Pagdating sa bahay ay diretso siya sa kanyang silid. Ipinatong lang sa gilid ang biniling pagkain at muling hinarap ang kanyang computer.

"Nagsasawa na ako sa nilalaro ko dahil walang makatapat sa level ko bilang player, parang gusto ko na ulit magpalit ng game na lalaruin. Nakakatamad at boring na itong nilalaro ko ngayon!"

Dinala ni Shan sa market place ang kanyang character at pinagvend mode na lang ito at pinagtuunan niya ng pansin ang pagkaing binili niya. Matapos kumain ay nahiga siya sa kama at bahagyang ipinikit ang kanyang mga mata.

World of Extalia [Philippine Server]Where stories live. Discover now