WOE: 004

1.2K 93 290
                                    

Chapter 004: Smiling Cave

Nasa harap ng binata ang Slime Cocoon. Ang Cocoon na ito ay gawa sa dagta o dugo ng puno. Lahat ng puno sa buong Forlia ay may taglay na ganitong dagta.

"Kamuka nung sa ragnarok ah?" komento ni Deadshot ng makita ang puno na nagbabagsak ng mga Green Slime sa ibaba.

"Pero hindi ito yung kailangan sa quest ko!" reklamo ng kanyang isipan.

"Okay na rin 'to, masubukan kung gaano ako kalakas sa mundong ito."
binunot ng binata ang Surprise Knife na nakasukbit sa kanyang tagiliran.

"Game!!"

Tumakbo siya papunta sa isang Green Slime malapit sa pwesto niya, walang alinlangan niyang binaon sa katawan ng Green Slime ang kutsilyong hawak niya ngunit pumasok lang sa malambot na katawan ng Green Slime ang sandata niya at hindi man lang ito nabawasan.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ng binata.

Sinubukan niyang hugutin ang nakabaon na kutsilyo sa katawan ng Slime pero hindi ito mahugot. Umikot ang mata ng Green Slime paharap sa kanya at bigla itong gumamit ng Bounce sa muka niya kaya napabitaw sa pagkakahawak ng kutsilyo ang binata. Bahagyang napaatras siya dahil sa atake ng Green Slime, kahit na tumaas na ang defense at HP niya dahil sa bagong armors ay nakabawas pa rin ito sa kanya ng -19 HP.

"Simpleng Slime lang ito ah?!" inis na sabi ng binata. Hindi pa din naalis sa pagkakabaon ang kanyang sandata sa katawan ng Green Slime.

Mabagal na gumagapang papunta sa direksyon niya ang Green Slime. Sumugod ulit si Deadshot sa Slime pero sa pagkakataong ito ay pumwesto siya na parang sisipa ng isang soccer ball!

"Hiyaaah!"

Buong lakas na sinipa ng binata ang Green Slime, pero para lang siyang sumipa ng malambot na bagay. Napatalsik niya papunta sa ibang Green Slime ang kalaban pero hindi pa rin ito nabawasan.

"Shit! Hindi pa rin nabawasan?" napamura na lang ang binata. Mabuti na lang at hindi aggressive ang ibang Green Slime kaya makakapagfocus siya sa kanyang kalaban.

Nag-isip ang binata habang lumalapit sa kanya ang mabagal na Green Slime.

"Kung hindi ka tinatablan ng mga ganung klase ng atake, siguro may tamang paraan para patayin kang Slime ka!" nabuo na ang plano sa isip ng binata.

Hinintay ni Deadshot na makalapit sa kanya ang Green Slime. Kagaya ng inaasahan niya ay gumamit ulit ng Bounce ang Green Slime na agad niyang inilagan. Ginamit niya ang pagkakataon para makuha ulit ang sandata niya. Pagkalapag sa lupa ng Green Slime ay mabilis niyang hinablot ang kutsilyo sa katawan ng Green Slime sabay sipa para tuluyang maalis ang sandata niya sa katawan nito.

Hinintay lang niya ulit sumugod ang Green Slime, sinabayan niya ang paggamit nito ng Bounce para hiwain ang katawan nito sa gitna. Ginamit niya ang sariling pwersa ng kalaban para matalo ito.

°Ting!°

Isang notification sa VS binata ang lumabas sa harapan niya. Nakalagay dito ang mga reward na nakuha niya sa pagpatay ng Green Slime.

>>> Defeated Green Slime!!
>>> Items Recieved:
>>> Green Jelly x1
>>> Gain 3 Gold and 5 Expirience Points.

"Madali lang naman pala!" sambit ng binata kahit na nahirapan talaga siya.

Madali lang nakuha ni Deadshot ang pattern ng pag-atake ng mga Green Slime. Diretso lang ang paggapang nito at gagamit kaagad ng Bounce oras na makalapit sa kalaban. Inisa-isa niya ang mga Green Slime sa paligid, sampu lahat ang Green Slime na nailabas ng Cocoon. Ang isang Cocoon ay kayang maglabas ng hanggang sampung Green Slime.

World of Extalia [Philippine Server]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang