****29

6.8K 204 3
                                    

Nikki's POV
"Mama, alis na po ako. Bye, mama! Bye, Tito Arthur" sabay halik kina mama at Tito Arthur then umalis na.

Paglabas ko ng pinto, nakita ko kaagad si Daemon. Nag-aabang yata sa akin.

"Good Morning, Miel. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mabuti or did you dream of me" haysss! Napaka hangin talaga ng boyfriend ko noh? Di ko nga alam kung ba't ko natagalan tong lalaking to haha pero joke lang yun noh?! Mahal ko kaya tong lalaking to.

"Che! Whatever. Halika na nga, baka malate pa ako. 8 am pa naman yung first class ko ngayon" at pumasok na sa kotse ni Daemon.

Uupo na sana ako ng may tulips na nasa upuan ng shotgun seat at may sticky note pa ha?

Hi BeautifulI love you more each day.

Ahhhh! Ang sweet ng boyfriend ko haha kinikilig ako! Shocks! Pero naalala ko tuloy si Christ. Ganito kasi siya sa akin eh.  Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? Naaalala pa rin niya kaya ako? Ako? Oo. Miss ko na nga siya eh. Nagmemessage ako sa kanya sa fb pero siniseen niya lang.

"Miel,okay ka lang ba? Di mo ba nagustuhan ang flowers?" nagtatakang tanong ni Daemon sa akin.

"H-ha? D-di, gusto ko nga eh. Thanks, Miel" at nakangiti akong pilit. Sana di niya nahalata.

Bakit ko ba naisip si Christ habang kasama si Daemon? Hayssss!

Nagdrive na papuntang university si Daemon ng may nagtext sa akin.

*one new message*

From: +63**********
Good Morning Sweet Angel ❤ Can't wait to see you again, sweety.
                        
PS: You know who I am

                                 -Anonymous

Ha? Sino to? I know him raw tapos Anonymous! Teka! Baka si Christ to pero princess babe ang tawag niya sa akin at hindi international number ang nagtext sa akin so it means iba to. OM! Baka! Erase erase! Shocks! It gives me chill ha!

"Are you okay, Miel? Sinong nagtext?" tanong ni Daemon habang nakatingin lang sa daan

"H-ha? E-eh s-si Tres lang. Hinihintay na ako sa university" shocks! Nauutal ako. Sana satisfied si Daemon dun. At sana nasa university na nga si Tres. Grabe! Sino ba siya? Nakakakilabot isipin na I know him raw at he can't wait to see me na? Like wow! Ganun na ba talaga kawell known si Mama para may stalker na ako? Choss!

"We're here, Miel" natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Daemon.

"A-ahh s-sige baba na ako. Naghihintay na kasi si Tres"

"Di ka ba sasabay sa akin?" nagtatakang tanong ni Daemon sa akin.

"Di na. Bye Miel! Have a nice day" sabay halik ko sa kanya sa pisngi niya.

"I love you. Take care" ang sweet niya noh?

"I love you too. Bye!"

At umalis na sa kotse at good thing is nasa quadrangle si Tres.

"Hoy! Girl you! Nagkaboylet lang si you, you forget na the most beautiful friend you have like dzuh! Alam mo I'm making tampo na! You is no time na sa akin!" sabay pout nung bruha

"Hoy? Tigilan mo nga ang pagiging conyo mo diyan ha! Hindi kaya kita nakalimutan. Oh siya, girls date natin mamayang gabi. My treat" sabi ko sa kanya para gumaan naman

"Ano yan? Peace offering?"

"Yah! Yah. Peace offering, so peace?" sabay alok ko sa kanya ng kamay ko

"Fine. We're not in a war naman eh. I'm just making tampo lang" sabay hug niya sa akin. Kahit loka loka tong kaibigan ko mahal ko to oyyyy!

"What's wrong with your language? Napaka conyo mo?"

"Nothing, friend. Anyways, may bagong student raw sa English Literature Department"

"Ha? Pwede ba yun?" taka kong tanong. Malapt na kaya kami magtapos ng school year. Ang tagal niyang nagpa enroll ha?

"Yah. Anak raw kasi siya sa head ng university"

"Kaya pala. Teka! San mo na kalap yang chismis na yan?"

"Diyan lang sa tabi tabi" at doing her hand gesture again

"Ikaw talaga, napaka tsismosa mo. Halika na nga baka malate pa tayo sa first class natin" sabay hila ko sa kanya.

"Fine. Basta girls date mamaya ha? Friday naman ngayon at wala naman tayong pasok bukas"

"Yah. I know right. Halika na- - - - opsss sorry, dear. Di ko sinasadya. Pasensya na talaga" sa sobrang daldal namin ni Tres may nakabunggo tuloy ako.

"Okay lang. Di ko rin tinitignan ang way ko eh so pasensya na rin" teka! Familiar yung mukha niya ha? San ko ba siya nakita? Ang ganda niya rin ha? Ang kinis ng mukha 

"Anyways, I'm Courtney if di mo na ako naaalala, Nikki. New English Lit. student ako" sabay lahad niya nang kamay niya. Kilala niya ako? Nakalimutan ko na talaga eh pero super familiar yung mukha niya eh

"Wait! Kilala mo ako?"

"Yes. Hindi mo na nga ako kilala. Courtney. Remember? Yung kababata mo"

Courtney? Kababata? Wait!

"Courtney Lee?"

"One and only me"

"Kamusta? Di kita nakilala kaagad. You've changed a lot" namangha ako dun ha?

"Yah. States thing dear. Almost 12 years rin ako dun noh"

"Ahemmm! May tao pa po here" opss! Muntik ko nang makalimutan si Tres

"By the way Courtney, this is Tres and Tres, this is Courtney"

"Hi dear" hyper na bati ni Courtney

"Likewise" matamlay na bati naman ni Tres

"So, may class ka ngayon?" tanong ko kay Courtney. Baka kasi magkaklase kami

"Wala mamaya pang 9"

"Halika na. Baka malate tayo" sabay hila ni Tres sa akin. Teka! Ba't ganito ang Bessy ko ngayon? PM's ata!

"Bye, Courtney. See you around. Sana makapag hang out tayo, soon" sigaw ko kay Courtney. Hila kasi ako ni Tres eh. At literal yan ha! Kaladkad yata ang tawag nito.

"Sure. See ya" sigaw rin ni Courtney sa akin

"To tell you honestly, I don't like her. I don't like her presence" seryosong saad ni Tres sa akin

"Pero napakaamo kaya niya. Ang ganda niya at feeling ko ang bait niya"

"Looks can be deceiving, Nikki"

"Bu-"

"Nandito na tayo. Girls date mamaya ha? Halika na" change mood agad? Bipolar yata tong best friend ko.

Pero ba't yan nasabi ni Tres? Feeling ko mabait naman siya. I admit it, maldita siya nung mga bata pa kami pero matagal na yun. For sure, nagbago na siya.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeWhere stories live. Discover now