****40

5.8K 189 33
                                    

Nikki's POV

Nakalipat na ng private room si Dhavid at muli, nadagdagan na naman siya ng dugo. Mabuti nga may natitira pang 2 blood bag sina Dr. Ramon.

Sabi naman ni Dr. Ramon, magiging okay na si Dhavid pero hindi pa nga nila alam kung kailan ito gigising. Actually, 3 days na kami dito sa ospital. Ako at si Daemon ang naka assign sa pagbabantay kay Dhavid ngayon.

Si Christ naman hindi pa nagtataping sa upcoming movie niya. Ayaw daw niya munang magtrabaho habang hindi pa gumigising at hindi pa nagiging okay si Dhavid.

Ang tungkol naman sa pag iimbestiga sa nangyari, walang improvement. Walang may nakakita ng taong may dalang baril. This is so impossible. Wala rin akong idea kung sino ang may gawa.

"Kain muna tayo, Miel" sabi ni Daemon ng makarating ito at may dalang dalawang paper bag.

"Sige" at inilabas niya ang binili niyang pagkain para sa aming dalawa.

Tahimik lang kaming kumain. Malipas ang ilang minuto, natapos na kami.

*knock! *knock! *knock!

Tumayo si Daemon at binuksan ang pintuan. Di ko akalaing pupunta siya dito.

"Can I enter?" tanong ni Nicoleen. Oo. Si Nicoleen ang dumating.

Tumingin lang ako ulit kay Dhavid. Ayaw ko munang makausap si Nicoleen. Ewan ko kung bakit, basta!

Nakaupo na pala si Nicoleen sa couch habang si Daemon eh nakatayo lang sa pinto at ako naman eh nasa kama ni Dhavid nakaupo.

"Anong hangin ang nagdala sayo dito?" tanong ni Daemon.

"I'm here para kay Dhavid" nakayukong tugon ni Nicoleen.

"Nandito ka para malaman kung wala na ba ang kapatid ko?" alam kong galit na si Daemon pero hindi iyon halata sa mukha niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nandito ako para kay Dhavid at tulungan kayong hanapin ang may gawa nito" tulungan kami? Bakit? Alam niya kung sino ang may gawa nito?

"Paano mo kami matutulungan?" sarkastikong tanong ni Daemon.

"May kasama ako. Papunta na rin siya dito. May nalaman siya kung sino ang may gawa nito" sino? Sino ang tinutukoy niya?

"Who? Ba't may - - - - -" napahinto si Daemon nang may kumatok. Baka ito na yung tinutukoy ni Nicoleen.

Binuksan na ni Daemon ang pinto at nakita ko si ...........

"Jake" cold na pagkasabi ni Daemon.

"Can I come in?" tanong ni Jake. Ngayon ko lang ulit na rinig ang boses ni Jake mula ng debut ko.

"Okay" tugon ni Daemon at umupo sa upuan na malapit sa kama ni Dhavid habang si Jake naman eh umupo sa tabi ni Nicoleen. Mapapansin mo na malapit sa isa't isa ang dalawa.

"Spill it. Bakit kayo naparito?" mahinahong saad ni Daemon. Hindi ba close sina Jake at Daemon? Parang may wall sa pagitan nilang dalawa. Naging mahinahon si Daemon ng dumating si Jake. Si Jake naman iba ang tingin kay Daemon, may something pero di ko ma explain.

"As I've said lately, may nalaman si Jake sa nangyari. Nang malaman niyang tungkol nito, nagpa investigate agad siya" sabi ni Nicoleen. Mabuti pa lang pinsan tong si Jake eh. Nagpa investigate pa talaga siya para malaman kung sino ang may gawa nito sa amin, sa pinsan niya.

"Anong alam mo, Jake?" tanong ni Daemon. Naging maamo talaga si Daemon ng makarating si Jake. Ni hindi na ito nagtataas ng boses.

"I don't know her" sabi ni Jake. Ha? Her? So, babae ang may gawa nito?

"Her? Babae? Anong pangalan niya?" singit ko sa usapan nila. Mabuti't nakapagsalita ako. Naurong kasi ang dila ko.

"She's an English Literature student like you, Nikki" sabi ni Jake. English Lit? At sino naman?

"Sabi mo di siya kilala. Bakit mo alam na Englis Lit. student siya?" tanong ni Daemon.

"I made a background check. At nalaman kung sa Guxily siya nag-aaral. She's rich but not that popular. She lived at States for how many years at bumalik dito para mag-aral. I don't know kung bakit" kwento ni Jake.

"Sino siya? Anong pangalan niya?" tanong ni Daemon

"She's Courtney Lee" sabi ni Jake. Teka! Courtney Lee? Eh kaibigan ko yun. I'm sure hindi siya yun.

"Hindi yan totoo. Kaibigan ko si Courtney since we're kids. She's a good friend" pagtatanggol ko kay Courtney. Eh sa totoo namang mabait siya kahit ayaw ni Tres sa kanya. Sabihin na nating maldita ito dati pero malaki ang pinagbago nito. Sobrang bait na niya ngayon. At kung mapagdudahan man siya, siya ang less na taong gagawa ng krimeng gaya nito.

"That's the result of investigation namin, Nikki. Nahuli rin namin kung sinong inutusan niyang bumaril sayo" si Nicoleen naman ang tumugon. So, kasali rin siya sa pag iimbestiga?

"You know her?" tanong ni Daemon sa akin.

"Yah! She's my friend since we're little and it's impossible na siya ang gumawa nito" pagtatanggol ko ulit kay Courtney. Naalala ko na naman yung sinabi ni Tres ng magkita kami ulit ni Courtney sa university.

"Looks can be decieving, Nikki"

Yan yung sinabi ni Tres sa akin pero napaka impossible naman di ba? Kung gagawin niya naman yun, ba't pa siya nakipag kaibigan sa akin di ba?

"Looks can be decieving, Nikki" si Jake ang nagsabi nito.

"I know but it's too impossible" saad ko. Di talaga ako makapaniwala.

"Kung ayaw mong maniwala, Nikki, then let's hire a spy. Let's find out kung totoo ba ang naging imbestigasyon sa kanya" sabi ni Nicoleen.

"Maybe that's a good idea. Kailangan nating makasigurado habang wala pa itong ginagawang masama sayo" pag sang-ayon ni Daemon kay Nicoleen

Yumuko lang ako. Ba't si Courtney pa? Kung siya nga, ba't siya pa? Ano bang nagawa kong masama sa kanya kung siya nga ag may gawa nito?

Teka! A-ang k-kamay n-ni D-d-dhavid!

"Daemon, s-si D-dhavid! Y-ung kamay n-niya!" hinwakan ko ito agad at gumagalaw pa rin ito pero hindi pa siya gumigising

"Ako na ang tatawag ng doktor" agad takbo palabas ni Jake. Lumapit naman sa kama si Nicoleen.

Thank God! Sana good sign to. Sana maging okay na siya.

May pumurmang ngiti sa labi ko at tumulo ang luha ko. Magiging okay ka na.........

"Dhavid" mahibang saad ko habang nakangiti pa rin.

-------------------------------------
Gummybears!!!!!!! Si Courtney nga ba talaga ang may gawa nito? Shocks! Mukhang malapit na tayong matapos huhuhuhu T___T Yung mga silent reader, mag react naman kayo para ma notice ko kayo ngayong malapit na tong matapos :((((((

Feel free to vote, comment and follow me hihihihi God bless my beloved readers mwaaaaaaaa

My Step-Brothers Are  Inlove With MeWhere stories live. Discover now