****52

6.7K 196 71
                                    

Nikki's POV

                B A N G !




"Ahhh!" sigaw ni Nicoleen.

"That's good for you. Don't stop me to do what I want to do! Dapat lang yan sayo, pakialamera!" saad ni Courtney at tinadyakan si Nicoleen sa tama nito, his gutt to be exact.

And Nicoleen is lying in a cold concrete floor, unconciously.

"Langya ka! Courtney! Pagbabayaran mo tong babae ka!" sigaw ni Jake pero parang wala lang ito kay Courtney.

"I'll take that as a lovely thought, Jake" and gave Jake her devilish smile.

"And this time, no one can stop me with my revenge, sweety" sabay lapit nya sa akin at himas ng aking mukha.

Tinignan niya ako mata sa mata at ganun rin ako pero mayamaya pa eh dinuraan ko ang pagmumukha ng demonyitang ito.

"How dare you, bitch! Wala kang karapatang duraan ako!" maldita niyang saad. Bagay lang sa kanya yan!

Hindi ko siya sinagot bagkus binigyan ko lang siya ng nakakamatay na titig.

Hinila niya yung buhok ko at pinatayo sa kinauupuan  ko.

"Anong gagawin mo kay, Nikki? Bitawan mo siya!" sigaw ni Christ. Gusto ko sana siyang pigilang magsalita pero di ko kaya 

          

                B A N G !




"Christian!" sabay na sigaw nina Jake at Daemon

"Would you please, shut up? You're too annoying, bastard"  sabi ni Courtney pagkatapos barilin sa braso si Christ. Pangalawang tama na ng bala niya yan at kung titignan mo siya, masasabi mong anumang oras pwede ng maubos ang dugo sa katawan niya.

"Courtney, tigilan mo na to please" pagmamakaawa ni Daemon kay Courtney

Tumigil siya sa paghila sa akin at tinignan si Daemon.

"What would be the reason if titigilan ko na to? Give me an acceptable and perfect reason, idiot" mahinahong saad ni Courtney.

"Wala man akong alam sa nangyari sa inyo dati at sa nangyari sayo ngayon, gusto ko lang ipaalala sayo na may magulang pang nag-alala at nagmamahal sayo. Ikaw na nga ang nagsabi na trinato ka nila ng mabuti, na parang anak. Sila na lang please. Sila na lang ang gawin mong rason para tigilan ang kahibangang ito" pagmamakaawa ni Daemon kay Courtney.

"Kahibangan? Sa tingin mo ba kahibangan ang ginagawa ko?"

"Oo. Kahibangan, Courtney. Kahibangan! Ang liit lang ng rason mo para gawin lahat ng to. Tapos gusto mong patayin si Nikki para maghiganti. Bakit? May pinatay ba siya para patayin mo rin si Nikki, ha? Wala naman di ba? Kaya kahibangan ang tawag sa ginagawa mo ngayon. Kahibangan!" sabi ni Jake.

"Pinatay niya ko! Pinatay niya ang dating ako! Nawala lahat sa akin ng dahil sa babaeng to! Di pa ba sapat na dahilan para gawin ko to sa kanya? Hindi pa ba ha? Ako yung biktima sa kwentong to! Ako at hindi ang walang kwentang babaeng to! Ako!" mangiyak ngiyak at may galit na Courtney ang sumisigaw ngayon. Bakit? Bakit ganun? Ganun na ba ako kasama?

"Kaya mo pang buhayin ang dating ikaw, Courtney. Kaya mo pa. Kung kaya mo lang magpatawad at kalimutan ang lahat" sabi ni Christ kahit nang hihina na ito.

"Magpatawad? Kalimutan? Ha! Are you out of your mind? Ganun lang ba kadaling gawin yun? Hindi! Ang daming nawala at nasira sa akin tapos magpapatawad at kakalimutan ko na lang ang lahat? Hindi ganun kadali! P*nyeta!" sigaw ni Courtney.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon