****34

6K 202 24
                                    

Tres's POV
Ang tagal naman nung babaeng yun. Baka wala na kaming space dun. Kapag ganun di ko na makikita yung Tian Lee na sinasabi nila. International actor raw siya. Hindi ko namn siya napapanood sa tv. Sabi nila gwapo raw yun kaya grinab ko na ang opportunity para makita siya. May mall show at autograph signing. Actor/Model raw yung Tian Lee nayun. OMO! Excited akong makita siya. Kahit mayaman kami, first time ko pang makakita ng international actor noh? Di ko kasi sila feel pero itong lalaking ito napapayag akong pumunta sa mall para lang sa kanya. Ewan ko nga kung bakit eh.

"Hoy! Nagdidaydream ka na naman? Sino na namang lalaki ang ginagahasa mo sa malaswang imahinasyon mo ha?" Tss! Talaga tong babaeng to, makapanghusga wagas. Ginahasa talaga? Pwede nagsisight seeing muna sa mga abs? Hays!

"Grabe siya oh! Hindi wala noh! Ba't ang tagal mo ha?" ako naman ang nagtaray hahaha pero nag iba yung expression ng mukha niya.

"Anong problema,Nikki?" alalang  tanong ko sa kanya.

"Kasama ko kanina si Daemon" oh! Bakit nalungkot naman siya? Kung kasama ko ang boylet ko sobrang hyper ko pag ganun, pero siya parang pasan ang mundo

"Why so sad?"

"Inexpleain niya yung pagsisinungaling at about dun sa pictures"

"Eh, ganun naman pala eh dapat masaya ka kasi nag explain na di ba?"

"Hindi ko alam kong i-aaccept ko pa yung apology niya.  Feel ko hindi ko pa kayang tanggapin yun." nalulungkot talaga tong bessy ko

"Maybe time will come, bes. Wag nang sad diyan." Cool ko mag cheer up sa Bessy ko noh?

"Yeah, I guess. Ba't ba tayo nandito ha? Ililibre mo ba ako ng ice cream best friend?" Kumikislap pa talaga ang mga mata.  Talaga tong babaeng to, ang lakas lumamon lalong lalo na kapag ice cream. Kung titignan mo napakahinhin parang araw araw diet pero pagkasama mo na siyang kumain, mapapabilib ka sa hidden talent niya haha parang may halimaw sa tiyan haha

"Oh siya sige, pagkatapos natin makita yung boylet actor galing states. Excited na akong makita siya personal. Sabi raw kasi nila gwapo eh haha" oo na! Ako na ang dakilang malandi hahahahaha pero dalagang filipina tong lola niyo haha

"Hays! Ikaw talaga! Oh sino ba yan? Ang one direction ba yan? Ba't di ko alam na may mall show sila dito sa pilipinas?" Sabay pout niya. Baliw! May sinabi ba akong one direction? Wala naman di ba?

"Gaga! Sinabi ko bang one direction ha? Wala naman di ba?"

"Sabi ko nga. Sino ba yan ha?" Ito talagang babaeng to

"Tian Lee raw. Sabi nila ang gwapo raw. Hindi ko pa siya napapanuod eh"

"Eh? Pumunta ka lang dahil sinabi nila na gwapo ito? Ang landi mo talaga haha pero ba't bago lang ang pangalan niya?"

"Bago pa raw kasi siya eh tapos international actor raw"

"Ahh. I see"

"So, halika na? Baka wala na tayong place dun. Sabi pa nga nila marami raw itong fan girls" sabay hila ko sa kanya eh excited na ako eh.

Pagpunta namin sa place naiiheld ang event eh, marami ng tao. Actually, puro babae at mga bakla ang nandito. May daladala silang magazine at banner. Nakisingit talaga kami ni Nikki para dun kami sa harap at makita lalo ang pagmumukha nung Tian Lee na yun.

"Eh! Nakakaexcite. I can't believe na magshoshoot si Tian Lee dito sa Pilipinas! For sure, nandun ako lagi sa taping nila"

"Yeah! Can't wait to see him na"

"Start na pleaseeeeeee"

"Lumabas ka na Tian Lee myloves"

Pag nandito ka, mabibingi ka talaga sa sigawan dito. Nacucurious na tuloy ako lalo.

"Good Evening, everyone. We're glad your here. So, wag na natin patagalin ito. Let's all welcome, Tian Lee" lalabas na siya nakikita ko na siya.

O.K.A.Y. 0_0 Ito ang expression ko ngayon. Like OMG! I can't believe it.

Nikki's POV
Di ako makapaniwala! Siya ba talaga to?

"Waaaah!!!!!! Ang gwapo mo Tian Lee"

"Pakiss mamaya papa Tian"

"We love you Tian Lee. Wahhhhhhh!"

Si Tian Lee ay si.......

"Christian. Bessy si Christian yan!" I'm sure gulat rin tong si Tres. Sino bang hindi magugulat di ba? Akala mo next month pa uuwi eh nakauwi pa at ang least na taong mag-aactor eh siya pa ngayon ang pinuntahan niyo sa mall show nito.

Tinignan kong mabuti ang Tian Lee nato. Baka kasi guni guni ko lang to diba? Habang tinitignan ko siya, masasabi kong hindi ako nagmamalikmata. Siya nga to. Si Christian nga to. Tinignan ko siyang mabuti and OMO! Nagtama ang mata naming dalawa. Bakas sa mukha niya nagulat siya pero iniwas lang niya ang tingin niya.

Hinila ko palabas sa lugar dun si Tres. Hinila ko siya papuntang DQ. Kailangan kong kumalma. Di ko kasi akalain na siya ang makikita sa mall show nato.

Finally, nakarating na rin kami sa DQ. Di naman malayo ang DQ sa place na yun.  Pinaupo ko muna si Tres sa free table na nakita namin at pumunta na ako ng counter. Thank God kaunti lang ang tao ngayon at naka order rin ako kaagad.

Pagka upong pagka upo ko....

"Hindi ko yun guniguni di ba? Siya yun di ba? Si Christian yun di ba?" Maski si Tres nagulat.

"Oo. Kailangan ko siyang makausap"

"Eh bakit tayo umalis dun?"

"Ang daming tao eh at gusto ko ng kumain ng ice cream" palusot ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko hinila si Tres papalayo dun.

"Teka, di ba ikaw dapat ang manlilibre sa akin ng ice cream? Eh ba't akongayon ang nanlibre?"

"Di ko na kasalanan yun" sabay lamon nung ice cream niya.

Nagpalipas lang kami nang ilang oras sa DQ and we decided na bumalik dun at kausapin si Christian.

Pagdating namin sa place, sakto lang ang dating namin kasi tapos na ang autograph signing and thank God nandun pa si Christian pero parang aalis na rin siya kaya tumakbo kami papalapit sa kanya.

"C-Christ!" Shocks nauutal ako.

Lumingon siya at makikita mo sa mga mata niya na nagulat siya.

"C-can w-we talk?" Wag kang mag stutter Nikki. Ano ba!

"I- - - - - "

*ringgggggg! *ringgg!

Epal naman! Sino ba kasi tong tumawag?

"Hello,babe?" Ha? Babe? Like wow to the nth level! Wait! Ba't ganito ang reaction ko?

"I'm busy. Maybe next time" sabi niya and left us dumbfounded.

"Bessy, ano yun? Iwas ang peg? Dati, siya yung habol ng habol sayo" busangot na saad ni Tres.

"Dati yun. Uwi na tayo" at umuwi na nga kami. Maybe, Hindi pa talaga ito yung time para makapag usap kami.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeWhere stories live. Discover now