****44

5.3K 160 12
                                    

Christian's POV

Nasa isang restaurant ako ngayon. Hindi ito gaanong matao pero naka disguise pa rin ako. Hinihintay ko ang hinire nina Nicoleen na spy. Oo, alam ko ang tungkol dun ng marinig ko sina Kuya Daemon at Nicoleen na nag-uusap. Wala talaga silang balak sabihin ang tungkol dun.

Binayaran ko ang Spy nila para magbigay sa kanila ng maling impormasyon tungkol kay Courtney at sa akin lang magrereport ang Spy na hinire nila.

" Christian" sabi niya ng maka upo na siya.

"Oh, Kuya Eric. May irereport ka ba sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Yes, Christian. Habang nagmamasid ako sa kanya kahapon, may kausap siyang lalaki. Actually, pinagalitan niya ito. And base sa narinig ko,ito yung lalaki na inutusan niyang barilin si Nikki" sabi niya.

"Anong pangalan nung lalaking yun?" tanong ko.

"Gumawa ako ng back ground check. Pinsan ito ni Courtney. His name is Rex Lee" sabi ni Kuya Eric. So, pinsan pala niya ang gunman? Ba't niya ba to ginagawa? Sa ginawa kong background check sa kanya, wala akong nakikitang rason para gawin niya ito kay Nikki.

"So, alam mo na ba what's her reason para gawin to?" tanong ko kaagad sa huli. Maybe may nakikita na siyang rason.

"Just a little detail, di ako masyadong sure" sabi niya

"Ano yun? Baka yan nga ang reason?"

"Sasabihin ko na lang if tama ba ito. Konti pa lang ang possibilities na ito nga ang reason. Kailangan ko ng umalis, Christian. Magkikita kami ngayon nina Nicoleen at Jake" sabi nito

"Sasabihin mo ba ang sinabi mo sa akin ngayon?" tanong ko. Naninigurado lang ako baka kasi sayang lang ang binayad ko sa kanya di ba?

"Hindi, Christian. Di ko ibibigay ang impormasyong ito sa kanila. May gut feeling kasi ako kay Jake Tan" sabi niya. Ha? Gut feeling? Anong meron sa pinsan ko?

"Bakit?"

"Basta. Di ko ma explain kaya nga pumayag ako sa deal mo at sayo ibibigay ang mga impormasyong makakalap ko. Wala kabang napapansing kakaiba diyan sa pinsan mo?" sabi niya sa akin. Kakaiba? Wala naman except sa pagpapakita niya ulit kay Kuya Daemon.

"Wala except sa pagpapakita niya ulit sa amin" sabi ko sa kanya.

"Baka masali si Jake sa assignment ko" sabi niya at gave me a mischievous smile.

"Wag na baka mali lang yang feeling mo" baka oa niya lang mag react

"Di pa ako nagkakamali sa gut feeling ko, Tian" sabi niya. Wala namang mawawala pag isali ko si Jake sa assignment niya di ba?

"Okay. Isali mo na lang rin si Jake. Just text me or call me if may kakaiba ka ng napapansin sa pinsan ko at kay Courtney. Wag mo paring alisin sa mga mata mo si Courtney. Baka kasi mafocus lahat ng atensyon mo kay Jake at di na natin mapapansin ang mga galaw ni Courtney" sabi ko sa kanya. Mabuti na ang naninigurado noh?

"Copy, Tian. Gotta go. Naghihintay na sila Nicoleen sa akin. Nga pala, kasama daw nila ang Kuya mo. Bye" umalis na ito sa harapan ko at lumabas na.

*kringggg!!!! *kringggggg!!!

Tinignan ko kaagad ang caller's ID at nakita ko sa screen ang pangalan ni Cyrus.

"Hello" seryoso kong sagot. Baka kasi magbiro pa to.

"[Kuya, may napapansin ako kina Kuya Daemon and Nicoleen. Sila na ba ulit?]" tanong ni Cy sa akin. Ba't naman niya itatanong sa akin ang mga bagay na yun? Nakabuntot ba ako palagi sa kanila? Di naman ahh!

"I don't know. Why?"

"[Sinundan ko kasi si Kuya Daemon at pumunta ito sa condo ni Nicoleen]" sabi niya. Baka tungkol ito sa imbestigasyon nila tungkol kay Courtney. Di muna dapat ito nila malaman

"Di ko alam. Huwag mong sabihin kay Nikki na nakita mo si Kuya na pumunta sa condo ni Nicoleen" utos ko kay Cyrus.

"[Copy, Kuya]" sabi nito at inend call ko na ang tawag niya.

Kahit na wala na akong pag-asa kay Nikki, ayaw ko pa ring masaktan siya. Alam ko namang walang affair silang dalawa pero baka iba ang isipin ni Nikki eh. Mahal niya si Kuya Daemon at makikita mo ito sa mga tingin niya kay Kuya kaya sobra akong nasasaktan na ipagpilitan pa ang sarili ko sa kanya. Kay Nikki. Kaya nga pinapadali ko nang matapos na ang movie ko para makabalik na ako sa States at di ko na makita si Nikki. I'll leaving for good. Mas makakabuti sa akin yun. May chance pang maka move on at makalimutan siya.

Nung araw na sinabi ni Nikki na minahal niya ako bilang ako. Bilang si Christian Lazaro na hindi niya step brother. Nagsisi ako sa sarili ko dahil bumitaw ako agad sa kanya. Di ko man lang natanong sa kanya kung mahal niya rin ba ako. Sobrang nagsisi ako nun. Sana pala di ako napag hinaan ng loob. Sana pala pinaglaban ko ang nararamdaman ko kay Nikki baka sakaling maging masaya pa ako ngayon. Pero huli na ang lahat at hindi ko na mababalik ang nakaraan kung saan maari ko pang makapiling si Nikki pero wala. Wala na talaga.

Naramdaman kong may mainit na likido sa pisngi ko. Pinunasan ko ito at napagtanto na luha pala iyon. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at tumayo na. Magpapahinga na muna ako ngayon sa condo. May taping pa ako bukas. Konting tiis na lang at matatapos na rin namin ang movie at makakabalik na ako sa states. Aakmang lalabas na sana ako ng mahagip ng mga mata ko si Jake at si C-courtney? Akala ko ba na kasama ngayon nina Nicoleen at Kuya Daemon si Jake? Ba't nandito siya at kasama pa niya ang taong gustong pumatay kay  Nikki? Tama nga ba ang gut feeling ni Kuya Eric sa kanya? Kasabwat ba siya ni Courtney? Hindi yun maari kasi wala namang ginawang masama si Nikki sa kanya para maki pag sabwatan ito kay Courtney. Baka kokomprontahin lang ni Jake si Courtney. Ang ipinagtataka ko, bakit lumitaw uli sa buhay namin si Jake? Pati na rin si Nicoleen? Ano ba kasing nangyayari? Nagiging komplikado na ang lahat. Kailangan kong alamin kung ano nga ba ang dahilan ni Courtney at dahilan sa pagbabalik ni Jake sa buhay namin. Baka malaman ko ang rason nila. Di na dapat pa madamay si Nikki sa masamang balak nila kung meron man.

----------------------------
Hi gummybears :))) 2 updates in one day? Not bad. Sa tingin ko medyo lame ang UD ko ngayon, sa tingin ko lang naman. Goshhhhhh! Malapit na nga tayong matapos mukhang less than 10 chapters left na lang. Yung mga silent readers, shout out na kayo diyan. Malapit na tayong matapos kailangan ko na ang mga reactions niyo. Pwede rin kayo magtanong para mailagay ko sa FAQ chapter.

Kakauwi ko lang talaga galing school. Nakakaloka ang first day hihihihi and kaway-kaway sa mga student diyan hehehehehe super kaloka ang first day ng Senior High ko *sorry nakisingit pa talaga hehe ^.^v*

Keep reading and supporting my story, gummybears :***** I love youuuuuuuuuu <333333

My Step-Brothers Are  Inlove With MeOnde histórias criam vida. Descubra agora