****45

5.5K 173 17
                                    

Christian's POV
Nandito ako umupo malapit kina Jake at Courtney. Nang makita ko kasi silang dalawa naghanap agad ako ng upuan malapit sa table nila pero pinili ko yung di ako mapapansin. Nag text na rin ako kay Kuya Eric nga nandito sina Jake at Courtney sa resto na pinagkitaan naming dalawa kanina lang. Sabi ni Kuya Eric na huwag daw akong umalis dito. Hangga't maaari pakinggan ko ang pinag usapan nila at agad naman siyang babalik rito. Hindi na lang raw siya pupunta kina Nicoleen. Alam kong masama ang makinig ng usapan ng may usapan pero ito yung usapan na kailangan mong makinig. Baka kasi may marinig ka ng kung ano.

"You should stop this, Courtney. Di ka na rin naman makakatakas" sabi ni Jake. Alam kong si Jake yun kasi halata ito sa boses niya.

"I'm not yet done with my plans, Jake. Kailangan ko pa sirain ang buhay niya. At all, sinira niya rin naman ang buhay ko kaya binabalik ko lang ang ginawa niya sa akin" halata sa boses na galit siya. Di ko lubos maisip na ganito ang boses niya. Di bagay sa maamo niyang mukha.

"Bakit mo to ginagawa, Courtney? Mabait na tao si Nikki - - - -"

"You don't know her, Jake" ba't ang creepy ng boses niya?

"Then tell me para makilala at malaman ko kung sino nga ba si Nikki Fortalejo" sabi ni Jake. Mahinahon lang to. Ganun ba sila ka close para sabihin agad ni Courtney ang rason kung bakit gusto niyang patayin si Nikki?

"She's nice since then. I'm just a nobody kasi di ako pala kaibigan when were kids. She's very happy go lucky while me, busangot ng busangot. Dakila akong maldita sa school. Then one day, break time namin nun, ako lang mag-isa sa chair ko. Wala akong kausap. May lumapit sa aking babae and it was her, the great Nikki Fortalejo. Nag pakilala ito sa akin at ganun rin ako sa kanya. Napakagaan ng feeling ko sa kanya at binago niya ako. Naging mabait na rin ako kagaya niya. Pinapansin na rin ako ng mga kaklase at ka-schoolmate namin ng dahil sa kanya" sabi nito at uminom muna ito ng tubig.

"Napakagaan? Bakit ka nagalit sa kanya?" mukhang naging interesado na rin si Jake sa story telling ni Courtney.

"Let me finish my story, okay? Don't spoil my moment" sabi nito sabay smirk. Her aura! It's too creepy.

"Simula nung araw na yun, palagi na niya akong inaaproach. Palagi niya akong nilalapitan kaya naging magkaibigan kami. Sa aming dalawa palagi siyang una at pangalawa lang ako. Ayaw ng parents ko na second lang ako. Ayaw ko namang tapatan si Nikki kasi nga so-called-BESTFRIEND ko siya" inemphasize talaga ni Courtney ang best friend. Maybe dito na magsisimula ang climax ng story niya.

"It was family day ng ipakilala ko si Nikki sa parents ko. Gustong-gusto nina Mama at Papa si Nikki dahil bibo ito. Wala lang yun sa akin kasi feeling ko kapatid ko na rin si Nikki. But days passed, habang nag-uusap kami ng mga classmates ko, kasama na rin dun si Nikki, nagtanong siya sa akin na ba't daw di ko kamukha ang parents ko. Ganun rin ang tanong ng mga kaklase ko sa akin ng magtanong si Nikki sa akin. Sabi pa nga niya na ba ka ampon raw ako. Oo, magkaiba ang mukha namin ng Mama at Papa ko pero di naman yun big deal para sa akin. I just answered na magkamukha kami ng lola ko. Yan kasi ang palaging sinasabi nina Mama sa akin pag tinatanong ko kung bakit di ko sila kamukha" huminto ito ng sandali at ewan! Di ko alam kung anong ginagawa niya. Di ko na kasi sila tinitignan ayaw kong mapansin nila ako.

"One day, nagkasakit ako ay teka! Aksidente ata yun, nakalimutan ko na kasi. Basta! It's either nagkasakit ako or naaksidente ako. Ayun, sabi ng doktor kailangan ko raw dagdagan ng dugo. Tapos sabi ni Mama maghahanap sila ng blood donor. Nagtaka ako nun kung bakit pa kailangan ng blood donor na nandiyan naman sila pero di ko pa rin iyon pinansin at di yun big deal sa akin. But one day, nung nasa ospital ako, may sinabi si Mama na ikanawindang ko. I'm adopted. Tama nga si Nikki, ampon nga ako pero di ko na yun pinansin kasi tinrato naman nila ako bilang totoong anak nila" huminto na naman siya. Di ko talaga alam kung ba't siya humihinto. Ayaw ko kasi silang tignan baka mapansin pa nila ako.

"Nang maging okay na ako, pumasok na ulit ako pero pagdumadaan ako sa hallway, tinitignan at nagbubulungan ang mga estudyante. Di ko lang iyon pinansin at pumasok na sa classroom namin. Lumapit ang mga classmates ko sakin. Ang ganda nung feeling na yun kasi lahat sila lumapit at lahat ng atensyon eh nasayo. Pero nag-iba ang feeling ko ng isa sa mga classmates ko nagsalit. Sabi niya, totoo nga bang ampon ako. Medyo nagalit ako. Wait! Let me rephrase it, nagalit ako kasi di man lang sila nagtanong kung okay ako. Akala ko na lumapit sila kasi nag-aalala sila at magtatanong kung okay lang ba ako pero hindi! Tinanong ko yung kaklase ko kung san nanggaling ang balitang yun at sabi nilang lahat kay Nikki raw. Nagalit ang mga kaklase ko sa akin kasi nagsinungaling ako sa kanila. Di ko raw sinabi sa kanila ang totoo na ampon ako. Kaya simula nun,nilalayuan na nila ako kasi nga raw ampon ako, papansin, sinungaling at kung ano pa. Hinanap ko si Nikki nun pero wala siya. Nagtransfer raw siya ng school. Ang cool niya noh? Kinuwento niya yung pagiging adopted ko tapos umalis. Anong gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong kwentang tao? Na dahil adopted lang ako? Nang kumalat ang kwento na adopted ako nang dahil nga sa Nikki'ng yun, naging miserable ang buhay ko at kung bakit? Dahil nilalayuan na ako ng lahat at pinapamukha nilang lahat na sinungaling ako kaya ako umalis papuntang States para i-prove sa kanila na di ako walang kwentong tao. Matagal ko nang plinano na maghiganti kay Nikki pero naghihintay lang ako ng tamang panahon and I think ito nga yung tamang panahon. Mapapatay ko na sana yung Nikki'ng yun pero yung nagpapakabayaning pinsan mo, iniligtas yung bwesit na Nikki'ng yun!! Dapat sa kanya mamatay! Sinira niya buhay ko! P*ta siya!" ganun ba ang nangyari? Wala naman akong nakikitang masama dun ahhh.

"Pero matatapos na rin yang mga plano mo dahil- - -"

"You're under arrest, Ms Courtney Lee" sabi nung isa sa mga pulis na pumasok sa resto. Wait! Pulis?!?!?! Pinahuli ni Jake si Courtney? So, di sila magkakampi?!?!?!??

"What the!!!! Langya ka Jake!!!!" sigaw ni Courtney. Yung ibang mga kumakain sa resto eh naki tsismis na rin.

Lumapit si Jake kay Courtney at may binulong.

"Langya ka!!!!!! Bwesit ka Jake!!! Susunod ka rin sa akin sa kulungan!!!" sigaw ni Courtney. Wait! Bakit masusunod si Jake sa kulungan? May kasalanan ba siya?!?!? Sh*t!!! Baka......

"Sure, if nagawa ko na lahat ng plano ko" mahina lang ito pero rinig na rinig ko pa rin. Plano?!?! Anong plano?!?!?! Langya!!! Naguguluha na ako!!! Baka may gawin nga si Jake!!!! Dapat kung alamin yun. Tama nga ang gut feeling ni Kuya Eric.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeWhere stories live. Discover now