Chapter Seven

1.1K 92 31
                                    

[seven]

"Iwan niyo muna kami. Kailangan lang namin mag-usap." Sabi ko kay Bernard nang tumayo ito.

Nauna ng lumabas ang dalawang Attourney kaya kami-kami na lang ang naiwan sa loob ng conference room. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Sasabay ka ba sa amin mag-lunch?" Pagtatanong nito sa akin.

"Oo, sasabay ako mamaya." Walang ganang sagot ko.

"Oh siya, sige. Mauuna na ako."

Mabilis nitong hinakot ang mga papers na nagkalat sa lamesa. Pinasabay ko na rin sa kanya ang brown envelope na naglalaman ng mga kontrata at sinabing ilagay na lang sa desk ko.

Nang tuluyan na itong makalabas ay napasandal ako sa inuupuan ko. Mariing ipinikit ang dalawang mata at maraming beses na nagpakawala ng buntong hininga.

"Adelle... este, Manager Adelle? Totoo bang nangyayari 'to? I mean, ikaw ba talaga ang magiging manager namin?" Boses ni Jack, animo'y galak na galak.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Pambabara ko rito saka nagmulat ng mata.

"Nako! Syempre hindi 'no! Ito kasing si Jack e." Agad na protesta ni Topher at binatukan ang katabi.

"Nagtatanong lang naman ako kasi hindi talaga ako makapaniwala." Depensa naman ni Jack.

"Pero hindi nga? Ikaw talaga ang manager namin? Paano nangyari?" Medyo exagged na tanong ni Jayson.

Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa. Hindi pa rin nawawala sa mga mata nila ang sobrang pagkagalak dahil sa katatapos lang na contract signing.

Maliban na lang kay Ramille na tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Nakatingin ito sa malayo, tipong nasa ibang dimension na napunta ang ulirat niya.

Umayos ako sa pagkakaupo at bahagyang nag-lean forward sa lamesa para mas maayos ko silang makausap. Matapos ko silang ngitian ay nagsalita ako.

"Mama ko ang may-ari nitong kumpanya, ang A's Music Recording. Bilang nag-iisang anak niya, inataasan niya akong magtrabaho muna rito as a General Manager. Since nasa States pa siya para sa business trip. At hindi ko rin alam kung bakit ginawa pa akong talent scout gayong wala naman akong background history pagdating sa pagma-manage ng music recording. Isa pa, hindi ko expected na kayo ang kauna-unahang magiging artists ko." Seryosong sambit ko habang pinagmamasdan sila.

"Ayaw niyo ba sa amin?" Biglang pagtatanong ni Patrick na kanina ay tahimik.

"Hindi naman sa ganoon. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko 'to in-expect at hindi ako prepared."

"Paano nangyaring kayo pala ang may-ari ng Agency na 'to? A's stands for?" Sabat ni Jack.

"A stands for Adelle, Amelia and Antonio, silang dalawa ang magulang ko. How about you, guys? Ace stands for?" Tumaas ang kilay kong pagtatanong.

Nagtataka kasi ako dahil noong mga panahong unang buwan namin ni Ramille, hindi pa sila buo. Solo singer pa siya noon sa school namin hanggang sa magkita-kita sila.

Pare-pareho silang under ng Music Club sa Helene West University kaya siguro sila nabuo at Ace ang band name nila. Hindi ko alam kung saan nila nakuha iyong pangalan na 'yun.

Hindi ko na rin naman na natanong iyon dati dahil hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. Pero ngayon, parang may nagtutulak sa akin kaya gusto kong malaman.

"Ace stands for A, as in A— aray!" Hindi na natuloy ni Patrick ang sasabihin niya dahil bigla itong sumigaw, yumuko pa ito tila hinawakan ang paa niyang nasa ilalim ng lamesa.

We Broke Up [Completed]Where stories live. Discover now