Chapter Eight

1.1K 95 38
                                    

[eight]

NP: I'm All About You by Aaron Carter.

There's somethin' I've gotta say
You're always with me even though you're far away
Talkin' to you on my cell
Just the sound of your voice makes my heart melt
Oh girl, well it's true

Pakiramdam ko ay huminto ang buong paligid habang pikit-matang kinakanta ni Ramille ang unang verse ng kanta. Palagi siyang ganyan, mariing ipipikit ang dalawang mata saka kakanta ng buong puso.

Noon pa man ay ginagawa niya na iyan, tipong dinadama nito ang bawat lyrics na lumalabas mula sa bibig niya, kasabay ng beats ng mga instruments.

I'm all about you, I'm all about us
No baby you never have to question my love
And every night there's a new crowd
But it's always you I'm singin' about
There is only one these words are goin' out to
Oh girl, I'm all about you

Nagmulat ito at dumako kaagad ang tingin niya sa akin kung saan ako nakaupo. Bahagya pa itong nags-sway kasabay ng pagkanta niya.

Hindi niya ako tinantanan ng titig, imbes ay sinuklian ko rin siya ng mainit na pagtitig. Ni hindi man lang siya kumukurap, na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya.

Na kapag nawala ako sa kanya, magagalit siya. Magwawala siya, iiyakan niya ako at habang tumatagal na nawala ako sa kanya, nagbabago na siya.

Iyon siguro ang nangyari sa kanya noong nawala ako sa mahigit na isang taon. Maaaring nagalit siya sa akin dahil hindi ako nakapagpaalam.

Maaaring nagwala siya noon dahil hinayaan niya akong mawala. Maaaring umiyak siya dahil nalilito siya, naguguluhan kung bakit ako umalis.

Na kung bakit iyong taong mahal niya, umalis na lang bigla nang hindi man lang nagpapaalam, kaya ngayon... marami ng nagbago.

I know you worry sometimes
(Sometimes you worry)
Some other girl will make me forget you're mine
There's not a doubt in this world
That anyone could take the place of my number one girl it's true

Maaaring nagbago na rin kung sino ang gusto niya. Kung sino na ang mahal niya at kung sino na ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Iyong taong 'yun siguro ay alam niyang hindi siya iiwan katulad ng ginawa ko. Iyong taong 'yun siguro ay malakas— walang sakit kaya walang dahilan para iwan pa siya.

Samantalang ako? Isang malaking duwag.

Natatakot ako kasi kapag hindi ko siya iniwan sa sandaling panahon, baka habambuhay ko na siyang iiwan at hindi na mababalikan pa.

Kasi kung hindi ako umalis, wala na ako ngayon dito. Wala na ako sa mismong kinalulugaran ko. Maaaring nasa malayo na ako, binabantayan siya pero kailanman ay hindi niya na ako makikita.

I'm all about you, I'm all about us
No baby you never have to question my love
And every night there's a new crowd
But it's always you I'm singin' about
There is only one these words are goin' out to
Oh girl. I'm all about you

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang kinakanta nito ang pangalawang chorus. Sinusuklian ang bawat mainit na titig na ibinabato sa akin ni Ramille, pero nanatiling banko lang ang mukha ko.

Hindi ko magawang magpakita ng reaksyon kasi baka kapag ginawa ko iyon, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Baka umiyak lang ako at walang sawang sisisihin na naman ang sarili.

Baka matagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta kay Ramille para mayakap siya ng sobrang higpit. Gustung-gusto ko siyang yakapin, kaya lang ay natatakot ako.

We Broke Up [Completed]Where stories live. Discover now