Chapter Thirteen

1.1K 87 39
                                    

[thirteen]

"Whoa! Ano 'yan?" Sigaw ng isang lalaki ng madaan kami sa gilid ng swimming pool.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Bulyaw ko kay Ramille na hindi pa rin tumitigil sa paghila sa akin.

Binitawan lang ako nito sa lugar kung saan walang nagdadaang tao. Tagong parte ito kaya kaming dalawa lang ang naroon. Napatingin ako sa braso ko.

Namumula iyon dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya kanina. Napapikit ako dahil sa inis pero agad ding dumilat para harapin si Ramille.

Nagtatagis ang bagang nito habang nakatitig lang sa akin, kuyom ang kamao. Lumunok ako para magsalita pero inunahan niya na ako.

"Nababaliw ka na ba? Kita mong nag-uusap kami no'ng tao—"

"Will you please... stop flirting with my friends?" Matigas nitong sambit.

Sa sinabi nito ay halos malagutan ako ng hininga, tumigil sa ere ang paghinga ko. Nakatitig lang ako sa kanya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Parang ang hirap ipasok sa utak ko ang lahat ng binitawan niyang salita. Masakit. Sobrang sakit dahilan para lumagapak ang palad ko sa pisngi niya.

Kahit na medyo masakit pa iyon dahil sa pagkakahawak niya ay buong pwersa ko pa rin siyang nasampal. Tumagilid ang ulo niya dahil sa impact ng pagkakasampal ko.

"Ang kapal ng mukha mo... anong akala mo sa akin? Malandi?" Umiiyak na sabi ko. "Ni hindi ko nga magawang lumandi dahil iniisip ko 'yung... sasabihin mo. Tapos ito? Simpleng pag-uusap lang namin ni Patrick, lalagyan mo na kaagad ng malisya? Ganoon na ba ang tingin mo sa akin? Kahapon may nagsabi sa akin na tanga ako, tapos ngayon malandi naman?!"

Hindi pa rin siya umiimik, hindi niya magawang igalaw ang ulo niya para lingunin ako na ngayon ay halos lumuwa na ang mata dahil sa sunud-sunod na paglabas ng luha ko.

Nang hindi pa rin ito nagsalita ay tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya. Akala ko magiging okay na, kasi handa kong gawin ang lahat para magkaayos kami, pero hindi pala.

Wala pa man akong nagagawa ay mas lalong lumala ang gulo. Mas binigyan niya ako ng dahilan para huwag ng ituloy ang binabalak ko. Binigyan niya ako ng dahilan para magalit sa kanya ng tuluyan.

Dumaan ako sa gilid ng pool, 'yung kaninang dinaanan namin ni Ramille kaya naman ay naagaw ko ang pansin nila dahil sa malakas kong paghikbi.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa madapa ako dahilan para mapasinghap ang lahat ng nakakita sa akin. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa akin.

At bago pa man sila tuluyang makalapit ay dali-dali akong tumayo at muli na namang tumakbo. Lumabas ako ng resort at huminto lang nang ma-realize kong napalayo na ako masyado.

Wala na ring nakasunod sa akin. Mabuti na lang at nasuot ko iyong damit ko kanina dahil mas lalong lumamig dito sa labas ng resort. Bumuntong hininga ako at halos hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na iyon.

Umupo ako sa pavements ng kalsada at doon naglabas ng hinanakit sa taong sobra kong minahal pero dahil sa isang salita, naglaho na lang bigla.

Nawala 'yung pagmamahal ko sa kanya at napalitan ng pagkamuhi... pagkagalit sa kanya. Biruin mo, siya pa mismo ang nagsabi sa akin na malandi ako?

Sa lahat ng tao, sa kanya pa talaga manggagaling 'yun. Okay lang kung ibang tao, dahil wala naman akong pakialam. Pero 'yung magmula mismo sa bibig ng taong mahal mo?

Ang sakit... ang sakit-sakit.

Isang disaster ang napuntahan ko. Sana kasi ay hindi na ako pumunta. Sana kasi ay hindi ko na lang pinansin ang tatlong babaeng 'yun. Mas magandang nasa bahay na lang ako at natutulog.

We Broke Up [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora