Chapter Ten

1.1K 90 37
                                    

[ten]

Matapos ang kanta ay tumahimik na ang mga speaker sa labas. Tinignan ko si Kyla na busy sa pagta-type ng kung ano sa PC na nasa harapan niya.

Samantalang wala akong ginagawa, at saka hindi ko naman alam ang gagawin ko. Sumubsob ako sa desk ko at ipinikit ang dalawang mata. Matutulog na lang siguro ako.

"Oh! Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nito.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Mas lumapit pa siya sa akin para pahirin ang mga luhang kumakawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim.

"Ano nga? Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo? Inaway ka ba ng mga fans ko?" Natawa ito sa huli niyang tanong. "Adelle... magsalita ka naman. Tinatakot mo ako, e."

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa ng librong hawak ko. Singhot pa rin ako nang singhot, habang wala namang humpay ito sa pangungulit sa akin.

Nang hindi na ito nakatiis ay mabilis pa sa kidlat na hinablot nito ang librong hawak ko at ibinato sa malayo. Lumanding iyon sa fish pond dahilan para manlaki ang mata.

"Ano ba?! Bakit mo tinapon?" Galit na sigaw ko rito at nang tangkang tatayo na ay hinila naman nito ang kamay ko.

Muli akong napaupo, iyon nga lang ay sa kandungan na niya ako dumeretso. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko, bagkus ay mas lalo pa akong naiyak.

Wala namang tao sa parkeng iyon kaya hindi na ako nagpumilit na umalis sa kandungan niya. Niyakap ako nito mula sa likuran at isinubsob ang mukha sa likod ko.

Tuloy lang ako sa paghikbi. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako umiiyak. Kung saan banda 'yung iniiyakan ko. Doon ba sa binasa ko kanina o sa realization na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.

"Sorry..." Mahinang sambit nito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Bakit ka ba kasi umiiyak, ha? May problema ba tayo? Maghihiwalay ba tayo? Balak mo ba akong iwan?"

Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Halata sa boses nito ang kalungkutan, pati ang takot dahil sa maaaring mangyari sa amin pagkatapos nito.

Huminga ako ng malalim at unti-unting kinalas ang kamay nitong nakapulupot sa baywang ko. Hindi na rin siya nagpumilit dahil ramdam kong nanghihina ang katawan niya.

"Paano kung oo ang sagot ko?" Pagtatanong ko nang makatayo ako.

"Ano?!" Sigaw nito at wala sa sariling napatayo rin para harapin ako.

"Nagbibiro... ka lang... 'di ba?" Nanghihinang tanong nito "Sabihin mo, mahal mo pa naman ako, 'di ba?" Punung-puno ng pag-asang sambit niya.

Alam ko sa mga oras na 'yun, kapag sinabi kong makikipaghiwalay ako sa kanya, mamamatay siya— mamamatay ang puso niya dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal.

Mahal na mahal ko rin naman siya kaya ko 'to gagawin, pero noong mga oras na rin 'yon, alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.

Parang nawala bigla sa isip ko 'yung mga sasabihin ko sa kanya dapat nang bigla ako nitong higitin at ikulong sa mga bisig niya.

"Sorry. Sorry kung may nagawa man akong mali sayo. Sorry... pero sana, huwag mong hayaan na masira itong relasyon natin."

"Ano ka ba!" Itinulak ko ito ng malakas dahilan para mahiwalay siya sa akin, pagak akong tumawa. "Mahal kita. Mahal na mahal kita... mahal kita, sobra pa sa inaakala mo. Mahal kita, Ramille. Mahal na mahal—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Tumigil sa ere ang hininga ko, ni hindi ko maikurap ang dalawa kong mata.

We Broke Up [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon