Kabanata 17
Mad
Mabilis na lumipas ang panahon. Nangyari ang convocation day, at masayang masaya ako dahil top 1 pa rin ako sa klase, samantalang top 2 naman si Alyssa.
Naghonor rin naman si Lander sa regular class, pati na rin si Thomas at Miko. Sa araw rin na 'yon sinagot ni Rain si Thomas. Masaya ako para sa kanilang dalawa, I know that both of them are happy too.
"Hindi ako makapaniwalang may boyfriend na ako" masayang sinabi niya.
"Ako nalang ang walang lovelife," ani Alyssa.
"Gusto mo hanapan kita, marami diyan" tumawa kami ni Rain.
"Hindi ko pa naman gusto eh, kaya okay lang" ngumiti siya at tumingin na sa parents niyang tinatawag siya. "Sige, I'll see ou guys tomorrow" kumaway siya at tinalikuran na kami.
"I'm happy for you, Rain" hinarap ko siya.
"Thank you," ngumiti siya "Ikaw, kailan mo sasagutin si Lander?" naglalaro niyang tanong.
Umiling ako "Darating rin naman yung time na I'll realize that I'm ready to accept his love for me"
Inaasar niya pa ako tungkol kung mahal ko na ba siya o hindi. Of course I didn't tell her that I love Lander already, baka sabihin niya, aasa naman yung isa.
Sa mga sumunod na linggo naging mahirap ang lectures at naisali pa kaming tatlo sa isang science debate dahil maruning naman kami.
Ganun pa rin naman ang ginagawa namin ni Lander, he goes with every lunch, and we text every night. Ganun wala naman na kaming pinagawayan maliban sa kay Renzo noon.
Pupunta ako ngayon sa faculty para kunin ang laptop ng english teacher namin. It's grades 9 and 10 students break kaya maraming tao na naglalakad.
Maraming ngumingiti sa akin, lalo na ang mga lalaking ang alam ko ay minemessage nila ako sa facebook but I don't entertain them.
Palapit na ako nang biglang nakasalubong ko si kuya. Minsan naman ay hindi siya tumitigil but I think ngayon oo.
"We need to eat lunch sa bahay, okay?" aniya.
"Why?"
"Nandun daw si yaya Renee" pahabol niya bago siya maglakad.
Si yaya Renee, ay isa sa mga pinakamamahal kong yaya noong bata ako, but she resigned para bumalik sa kanyang pamilya. I'm excited to see her.
Nagpatuloy ako papunta sa faculty at kinuha ang laptop. Bumalik ako at agad naman na nagdiscuss ang aming guro.
Pagkatapos niya ay sumunod naman ang aming filipino teacher na nagpasummative test sa amin. Agad ko itong natapos kahit ito ay isang surprise test.
The bell rang, it means na lunch break na. Agad kong niligpit ang aking bag, at sinuot ito.
"Uuwi ka?" biglaang tanong ni Rain kasama si Alyssa sa likod ko.
Tumango ako "Sabihin niyo kay Lander na I'll be home for lunch, okay?" paki-usap ko at tumango naman sila.
Agad akong pumunta sa parking lot para tignan ang aming van. Kuya was already there, kaya nang makasakay ako agad kaming umalis.
Pagkadating sa bahay, I saw my old yaya. I hugged her nang mabilisan. I missed her so much.
"Tignan mo, Renee, mas gusto ka pa ata niya sa akin" biro ni mom.
Agad naman kaming kumain. She is here para bisitahin kami because her daughter came dito sa Ilocos for a contest.
"Ang laki mo na ah, dati nagtatatakbo ka lang sa dati niyong bahay, ngayon sobrang puti mo na" aniya.
BINABASA MO ANG
Give Up and Leave (Montenegro Series)
General FictionLander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They cared for each other. They loved for each other until... She left and he gave up. Will they still me...