Kabanata 36Trust
Nagising ako sa isang katok sa aking pintuan. Nakalock pala ito kaya kailangan kong tumayo at buksan 'to.
"Danica, nandyan na si Lander, bakit ang aga niya? Dito ba magbrebreakfast?" sigaw ni kuya habang naglalakad palang ako para buksan ito.
Pagkabukas ko ay nakita ko na nakapantulog pa rin siya ngunit siguro ay kanina pa nagising.
Bahagya kong tinignan ang wall clock ko at nakitang kong eighy thirty palang. Bakit ang ni Lander?
"Asan siya?" tamad kong sagot.
Naantok pa ako. Dala na rin siguro sa marami kong nainom kagabi ngunit naaalala ko pa rin naman ang mga nangyari sa amin ni Lander.
"Nasa labas, alangan naman na papapasukin ko 'diba?" nagtaas siya ng kilay.
He is a visitor. How rude of kuya to treat a visitor like that. Bakit ba kasi galit na galit siya kay Lander?
"Ako na nga ang magpapapasok," sabi ko at agad kong nilapasan si kuya.
May sinabi pa si kuya ngunit hindi ko na iyon narinig dahil sa pagmamadali kong makababa at papasukin si Lander. Nakakahiya naman na sa labas siya maghihintay.
Nang tuluyan na akong nakalabas ay nakita ko na si Lander na nakasandal sa kanyang sasakyan at nakapamulsa siya. Shit, he's so hot.
Naka white v-neck shirt at maong pants lang siya ngunit ang gwapo-gwapo niya pa rin. Clean cut ang kanyang buhok kaya maayos na maayos ito.
Nag-angat siya ng tingin kaya naman nakita niya ako. Bigla naman siyang tumingin sa legs ko at nakita kong sobrang iksi pala ng suot ko. Shit, baka magagalit nanaman siya.
Agad kong binuksan ang gate pada makausap ko siya nang mabuti.
Umigting ang kanyang panga, "Ganyan ba talaga ang suot mo araw-araw?"
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Bakit namin, may mali ba?"
Nagtanong pa ako, alam ko namang sobrang iksi talaga ng suot ko.
"Ilan ang lalaki sa bahay niyo, except your kuya and father," tinaas niya ang kanyang kilay.
Parating ganito ang suot ko kapag pupunta si Hiro dito sa bahay namin ngunit hindi naman siya ganito. Lander and his imaginations.
"Well, yung tatlo naming driver then yung chef namin, bakit?"
"You should practice wearing pajamas, Danica. Don't show too much skin. You might seduce them," medyo galit ang kanyang tono.
Tumango ako, "Want to go inside? Nagbreakfast ka na ba?"
"Nagbreakfast na ako," ngumiti siya.
"Let's go inside, matagal akong maghanda,"
Naglakad na akong papasok at narinig ko naman na sumunod siya. Nang binuksan ko ang double doors ay siya ang biglang humawak.
"Ako na, you don't have to do that,"
Binitiwan ko na ang handle at nakita ko si kuya na nasa dining table na at nakabusangot. He is already eating.
"Dito ka muna sa sala, wait me here, or gusto mong sa dining table nalang?"
Umiling siya, "I'm okay here" aniya at umupo na siya sa couch namin.
Dumiretso naman na ako sa dining table at umupo roon. Napansin kong ang sama ng tingin ni kuya sa plato niya.
"Kuya, may balak ka bang patayin yan plato mo?" tumawa ako.
Hindi niya ako pinansin at bigla nang tumayo. Tapos na siyang kumain, saan naman siya ngayon pupunta?
BINABASA MO ANG
Give Up and Leave (Montenegro Series)
General FictionLander and Danica started a story they didn't know it was coming. They ventured new things that were just capable of doing by the both of them. They cared for each other. They loved for each other until... She left and he gave up. Will they still me...