3. Move On

66.8K 2.4K 291
                                    

3. Move On

Natigilan ako sa sinabi niya. Limang segundo yata akong natulala sa kanyang gwapong mukha. Damn. I felt like a grade schooler who got noticed by her crush for the very first time.

Gusto kong umoo agad pero parang may mahinang boses akong naririnig sa isang sulok ng isip ko. It was my own voice telling me to make pakipot muna.

"Uhm," ngumiti ako ng alanganin. Tumaas naman ang isang kilay niya na para bang naiinip na sa isasagot ko. "Pwedeng pag-isipan ko muna?"

Umigting ang panga niya bago ako nilagpasan at dumiretso sa loob ng lift. Napaatras tuloy ako ng hakbang.

"'Di bale na nga lang," aburidong sabi niya bago pinindot ang isang button dun at tuluyan nang sumarado ang pinto ng lift.

Naiwanan akong parang tinakasan ng hangin habang nakatayo sa harapan ng lift. Hanggang sa unti unti nang nag-sink sa utak ko ang nangyari.

"Holy crap," bulong ko sa sarili at napahawak sa kaliwang pisngi ko. Nakita ko ang sarili kong reflection sa metal wall ng lift. Damn, I was blushing like hell!

Oh, my gosh. Did he just stop me from leaving? Did he just tell me to accompany him while we're in Bora?

Napatili tuloy ako ng wala sa oras. Nagsasasayaw ako't nag-headbang dahil sa pinaghalong saya at kilig. My charm did work! Kyle Austin Willard doesn't want me to leave.

"This is the beginning!" Nagsasayaw pa ako na parang uod na sinabuyan ng asin. I don't care who might see me in this state. Ang importante, nag-eexist na ako sa mundo ni Austin babe.

Natigilan lang ako nung sa pagharap ko ay may nakita akong babaeng nakangiwi habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya. Umayos naman agad ako ng postura pati na rin ng aking nagulong buhok dahil sa pagheheadbang ko.

Pangisi-ngisi siya habang nilalagpasan ako. Tinaasan ko nga ng kilay nung tinapunan niya ulit ako ng tingin.

"Tingin-tingin ka dyan? Ganito kiligin ang magaganda," maarteng sabi ko at with poise na bumalik sa loob ng aking suite hila hila ang aking maleta.

Nang makapasok muli ako sa suite ay bumalik na naman ako sa pagsasayaw. This time, nagtatatalon na ako sa kama.

"Kyle Austin Willard, you'll be my boyfriend in no time. . ." sabay tili ko.

***

"He really stopped me, ate. Believe it or not, he really did. . ." paimpit na sabi ko kay Ate Kylie sa kabilang linya.

As usual, pinamalita ko na naman sa kanya ang nangyari. Nung una ay hindi siya naniwala pero dahil with feelings at kulang nalang ay re-enactment na pagnanarrate ko ng buong pangyayari ay naniwala rin siya.

"I'm so happy! Nagbubunga na ang effort ko."

"Ate, what should I do now?"

Palabas ako ng lift noon. Lunchtime na nang maisipan kong lumabas. Of course, I have to calm myself down first before going out. Now that Austin babe stopped me from leaving, I wonder what will happen next to us. Basta for emergency purposes ay nagsuot na ako ng black two piece under my rash guard. Kailangan maging ready ako sa kung anumang mangyayari.

"I don't know. Just go with the flow nalang, Danica." Huminto siya, mukhang nag-iisip ng sasabihin. "Kyle is an adventurous man. Baka gusto niya ng may kasama sa mga activities na pwedeng gawin dyan."

"Hmm, alright. Noted."

Dumiretso ako sa restaurant at kumuha na ng plato. Hindi ako nag-almusal kaya medyo natatakam akong kumain ng marami today.

His Future Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon