10. LQ
Sabi nila, habang tumatagal daw ang relasyon ay nakikilala na natin yung inner color ng partner natin. But in my case with Austin, it's really a good thing because I am glad that we got to know more each other well. May mga bagong bagay kasi akong nadiskrube tungkol sa kanya. Good or bad, I don't give a damn though. Kahit ano pa man yun, ewan ko ba pero hindi nagbago yung feelings ko para kay Austin.
Who would have thought that we'd reach our fourth month of being a couple? Ang bilis, 'no? Maging ako, hindi ko rin napansin yung bilis ng usad ng araw. Masyado kasi akong nag-eenjoy sa pagiging girlfriend ng isang Kyle Austin Willard kaya wala na akong pakielam sa paligid ko.
Kamusta nga ba si Austin bilang boyfriend?
Hmm, well, he's a sweet guy. Hindi siya takot sa PDA dahil everytime na lalabas kami ay todo holding hands ang peg namin while walking. Every night I went home from his practice, he never failed to give me a goodnight kiss tapos kinabukasan, susunduin niya na naman ako sa unit ko at sasalubungin ako ng oh-so-charming smile niya. Tuwing weekends naman ay halos magkasama rin kami. Tell you what, sabay na rin kaming nag-gigym sa gym niya. I know right, hindi na ako mahihirapan na tanawin siya from my favorite spot at the pastry shop. Kapag Sunday naman ay nagbe-bake kami sa unit ko, then watch TV or movies afterwards.
Oo, halos hindi na kami mapaghiwalay. Well, minsan dinadalaw pa rin siya ng moodswings niya pero as his girlfriend, I tend to understand him naman. Sus! Kabisado ko na yan si Austin babe. I'll just flash him my eye smile, then afterwards, we're cool.
Kamusta naman kapag ako ang nagtatampo sa kanya?
Katulad nung isang beses, he promised me that we'll go out of town nung 2nd monthsary namin. But something happened sa training nila, hindi natuloy yung supposedly date namin. Sobrang nagtampo talaga ako nun to the point na hindi ko siya pinansin the whole day. Naalala ko, nanahimik lang siya nun at parang pinakiramdaman ako. Later on, he asked me; "Sa unit ko nalang ikaw matulog." And as easy as that, bati na agad kami. Leche, diba? Wala man lang sorry sorry pero bumigay na agad ako. Okay. Don't think too much, people. Walang nangyari sa amin nun. We just... cuddled.
"Danica!"
I snapped back from my reverie when Ate Lie's soprano voice invaded my ears. I didn't notice that I've been spacing out na pala. Nakaka-OP naman kasing kasama itong mag-asawang Kuya Darryl at Ate Lie. Non-stop baby lang yung naririnig ko. Eww ha.
"Nandito na tayo," anunsyo ni Kuya Darryl. So, I stepped out the car and roamed my eyes around the place. Nasa tapat kami ng isang hotel ngayon.
Hindi ko alam kung anong hangin ang umihip sa utak ni Kuya Darryl para manlibre ng buffet ngayong gabi. Malaki raw kasi yung sweldo niya kaya manlilibre siya. Syempre, dinamay na ako. Younger sister here!
"Ang bongga dito, ah."
Pumasok na kami, derecho dun sa restaurant sa ground floor. Bongga lang kasi may reservation na kami. Pagkarating namin sa table namin ay nabigla ako nang sumulpot si Nathan from God knows where. Nakasuot pa siya ng Toque at mukhang chef mode siya today.
"Kanina ko pa kayo hinihintay," aniya at lumipat ang tingin sa akin. "O, nandito ka pala, Danica."
I just smiled at him. The last time we met each other was in the movie house pa. That was almost two months ago. So, dito pala siya nagtatrabaho ah. Big time.
"Nag-shopping pa kasi yung dalawa," parinig ni Kuya Darryl sa amin ni Ate Lie kaya sabay namin siyang sinimangutan.
Yeah, right. Today is Sunday kaya free ako ngayon. I tried to buzz Austin sa unit niya pero wala namang response. Siguro tulog magdamag. Oh. Well, sumama nalang ako kina Ate Lie. Wala namang masama kung magpapamiss ako ng isang araw sa kanya.
YOU ARE READING
His Future Girlfriend [Completed]
ChickLitDesperate people tend to do desperate things. And Danica Oliveros is very desperate to have Kyle Austin Willard. Ginawa't binigay na niya ang lahat ngunit ayaw pa rin sa kanya nito. How could she ever turn herself into his future girlfriend if he de...