7. Stop The Stupidity

67.6K 2.6K 896
                                    

7. Stop The Stupidity

Sabi nga daw ng iba, one of the hardest parts of life is deciding whether to walk away or try harder. But you know what? There comes a point in your life na mapapasabi ka nalang ng 'Ayoko na'. Nakakatangang umasa sa isang Kyle Austin Willard. Hindi ko naman siya masisisi, e. He hates me. Kaya nga dapat stop na. Stop the stupidity. Wala akong mapapala sa kanyang pakshet siya! He should be thankful that he has a pretty admirer who can dwell with him despite his arsehole attitude. Pero wala e, choosy siya.

Fine. Who cares if he doesn't like me? Damn him. If he doesn't really like me, then I better stop liking him, too. Besides, he's not worth my time because I'm obviously not worth his. Anong akala niya, hindi ako makakahanap ng katulad niyang yummy? Ha! Try me. I can even find myself a bigger catch than him. Yung hindi lang yummy, maganda pa ang ugali.

Kaya nga simula nung Valentine's Day ay pinutol ko na ang ugnayan ko kay Austin. Back to normal na ang life ko. Yun nga lang, minus the part na inii-stalk ko siya. I wonder if he ever gives a damn of my sudden absence in his life. Sus, seriously, Danica? Ni wala nga rin siyang paramdam simula nang lubayan ko na siya. For sure, nagcecelebrate pa ang lalaking 'yon.

Speaking of...

Tinatamad akong magluto ng breakfast kaya naisipan kong kumain sa labas. Para after breakfast ay dederecho na ako sa badminton arena. I've decided na kasi. . . I better spend my time for myself and not for anyone else. Napapabayaan ko na rin kasi ang figure ko.

Pagkasakay ko sa lift, hindi ko alam na kasunod ko pala si Austin. It's been five days since he ditched me on our date. Same get up as always, jersey at may nakasukbit na body bag sa balikat. Sinulyapan ko lang siya at saka ko pinindot ang basement floor button.

Nilabas ko ang phone ko dahil nakakarindi yung katahimikan. Damn, why does this lift seem to be moving so slow?

"Hindi ka na nagpupunta sa training."

Whoa, whoa there! Did I hear it right? Kinakausap niya ako? Whoa, what's with the lift at dito lang siya nag-iinitiate ng usapan?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kaswal na ngumiti. "May iba na kasi akong pinagkakaabalahan, e."

Nangunot ang noo niya. "Sino?" Sinipat ko naman siya ng tingin. "I mean, ano?"

"Secret."

Bumukas ang lift at nauna akong lumabas. Ni hindi na ako nag-abalang lingunin siya. What for? Kinagwapo niya lang ang paghahabol ko sa kanya.

"Pinapakamusta ka nga pala ni Pearl."

Medyo nagulat ako nang marinig ko ang boses niya sa likod. Saglit ko siyang nilingon habang naglalakad pa rin.

"Tell her I'm fine. Send my regards na rin," sabay ngiti ko at dumerecho na papasok sa may coffeeshop sa lobby. Walang masyadong tao kaya tumuloy na ako sa cashier.

"Caramel Macchiato and Club Sandwich," sabi ko sa crew. Maglalabas na sana ako ng pera mula sa wallet ko nang biglang may naglapag ng One thousand bill sa cashier.

Nung lingunin ko kung sino 'yon ay kusang nagtaas ang kilay ko.

"Ako na ang magbabayad," ani Austin.

"No, I'll pay for my food." At isa pa, magkasama ba tayo? Are we even close?

"Libre ko na." Umiling siya at dumerecho ang tingin sa crew. "Espresso Americano and Club Sandwich for me."

Wala na akong nagawa nung pinunch na ng crew yung order naming dalawa. I shrugged my shoulders and headed to the vacant table near the glass wall. Sumunod din naman sa akin si Austin at naupo sa harapan ko.

His Future Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon