9. KKK

85.7K 2.6K 707
                                    

Yhel's Note: Kung naka-encounter kayo ng putol-putol, paulit-ulit at maraming typo sa previous chapters, kindly remove the story from your library for awhile. Then, ibalik din para ma-reload. Or... baka hindi updated sa latest version ang Wattpad app ninyo. Actually, hindi po yun typos. Nangyayari lang 'yon sa tuwing may ini-insert akong photos in between the lines (yung sinisingit ko lang). Kaya chill lang. Ini-explain ko lang kasi may ilang nagcocomplain. :)

Try this one. Hindi ako nag-insert ng photos kaya walang typos dito.

9. KKK

Lately, hindi ko na alam what's happening sa earth. I am not even sure if I'm still sane or not. Naka-recover naman na ako sa fever ko. Not that it's something serious. Perhaps, after I got sick, there were weirder things happened in my life.

Kagaya nalang nung Monday. Buti nalang, nagawa kong tumakas sa magkapatid na Willard. Oh, c'mon! I couldn't take another hour to spend with them. Feeling ko, magkaka-heart attack ako sa sobrang kahihiyan dulot nung teasing smile at knowing look ni Ate Kylie.

Note to self: 'Wag magsasalita ng tapos.

Since then, ayoko na tuloy lumabas ng unit or kung lalabas man ako, I make sure na wala na si Austin sa condo niya— na nakaalis na siya papuntang basketball training. But what happened that night shocked me. Halos mabitawan ko ang phone ko nang mabasa ang text niya sa akin.

Austin: Are you feeling alright now?

What a shocker, right? Hindi ko tuloy alam ang ire-react ko. Hindi ko nga ni-replyan e! Mas lalo na noong kinabukasan nung biglang mag nag-buzz na naman sa unit ko. And when I opened the door, I was shocked to see Austin standing outside handing me a breakfast platter na siya raw ang nagluto. Damn it. Ano bang nakain ni Austin at parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Kung dati, halos ipagtabuyan niya ako tapos ngayon, umaakto na siyang bilang caring boyfriend ko.

Nabobother na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi kaya hindi pa rin ako fully recovered? Pero hindi e. Two days na ang nagdaan. I got back in my normal self again. Sa tingin ko nga ay hinahanap na ng katawan ko ang paglalaro ng badminton. Yeah, right. I think I need to sweat this out. Kung ano-ano na kasing pumapasok sa isip ko.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Hinanda ko na rin ang gym bag ko pati na rin ang iba ko pang kakailanganin. Sa labas nalang din ako magbe-breakfast. Chineck ko pa yung oras sa wall clock. I breathed a sigh of relief when I saw it's already 8:32 in the morning. Meaning to say, wala ng Willard na umaaligid sa condo na ito. He's probably in his basketball practice already.

Sinigurado ko muna presentable na akong tignan sa suot kong jogging pants, white Nike shirt at rubber shoes ko bago ako lumabas ng unit. Pero parang nagbago yata bigla ang isip ko nang maabutan ko si Austin sa tapat ng pinto ko na akmang pipindot na sa buzzer ko kung hindi lang ako lumabas. What the hell is he doing here?

"Good morning."

Umangat ang isa kong kilay sa kanya. He sounded unsure and shy but it opposed his reaction. Napalunok nalang tuloy ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pasimpleng bumaba ang tingin sa kamay niya. Good thing, wala siyang dalang breakfast platter today.

"Uhm... I think you're okay now." Bumaba ang tingin niya sa gym bag ko. "May pupuntahan ka?"

"Oo," pagtataray ko. "Excuse nga..." Pasadya ko siyang tinabig sa harapan ko, letting him feel na 'Obvious naman! Aalis ako. Can't you see?'. Nila-lock ko yung unit ko nang magsalita siya ulit sa likod ko.

"Where are you going?"

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "It's none of your business, actually."

His Future Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon