15. Talk To Me

85.5K 2.7K 923
                                    


15. Talk To Me

"Okay if that's what you want..."

Kung tutuusin, hindi ko naman ginustong bumitaw sa relasyon namin. Pero sa ginawa niya sa aking panloloko, tanga nalang talaga ako kung gugustuhin ko pang magbingi-bingihan at isawalang bahala ang mga narinig kong katotohanan.

Hindi niya dineny. Ni hindi rin niya dinefend ang sarili niya. Isang sabi ko lang ng 'ayoko na', sumuko agad siya. Siguro nga wala lang talaga ako sa kanya. Ang dali e... Sobrang dali niya akong pakawalan. Kung gaano kabilis na naging kami, ganun din kabilis na nawala kami. Marahil isa lang akong past time na sa tuwing gusto niyang malibang ay ako ang sasamahan niya. Kapag nalulungkot siya sa gabi ay ako ang tatabihan niya. Kapag gusto niya ng kausap, hindi pa man niya ako hinahanap ay lumalapit na ako sa kanya. In short, isang pet niya lang ako.

Damn him. Manggagamit! Sa lahat pa talaga ng babae ay ako pa ang napiling lokohin. Ako naman itong si estupida, hindi man lang napansin. Ang galing niyang magpanggap, 'no? Parang totoo. Pati ako napaniwala't nauto. Wala e. Nalunod kasi ako sa ideyang mahal niya rin ako. Paano niya naman ako mamahalin, e pumatol nga siya sa isang pustahan? Malamang hindi pagmamahal ang tawag d'yan kundi kalibugan.

Masakit... Kahit siguro sinong nasa posisyon ko ay madudurog ang puso nila. Binigay ko na ang lahat ko sa kanya— oras, effort, pagmamahal even virginity. Akala ko kasi, mahal niya ako. Akala ko, sa pagmamahal na yun ay secured na ako. Lecheng akala na 'yan! Napahamak pa tuloy ako.

"Danica, don't you want a break?"

Hingal na hingal ako nung tumigil kami sa paglalaro ng Badminton. "Lim, nang-aasar ka ba? Break na nga kami, 'di ba?"

"Danica, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Magpahinga muna tayo sa paglalaro."

Bumuntong hininga ako. Nakita kong pawisan na si Lim kaya tumango ako sa kanya at nagpunta sa table namin.

"Ang hirap mong kalaban kapag frustrated ka," aniya. Hindi ako sumagot at uminom nalang sa bottled water ko. Alam naman niya kung bakit ako ganito...

Three straight days na rin akong nagpapabalik-balik dito sa arena. Ito na kasi ang outlet ko para ma-release ang lahat ng frustration sa katawan ko. Kapag nagkulong naman ako sa bahay ay baka ma-depressed pa ako. Damn. I'm gonna be more depressed if I'd spend my time crying over my ex. Tama na yung isang gabi ko siyang iniyakan. Kung tutuusin, an arsehole like him is not worthy even a single tear.

Kaso kasi madaling sabihin, mahirap gawin. Kapag masakit, masakit talaga. Mabuti sana kung may pain killer na pwedeng gamitin para maibsan yung sakit na nararamdaman ko e...

"Kausapin mo kasi, Danica. Malay mo naman—"

Pinutol ko na agad ang sasabihin ni Lim. "Na hindi totoo yung pustahan nila?" My frown deepened. "Lim, narinig ko mismo yung usapan ng teammates niya. Even Austin didn't argue about it because that was fvcking true. Totoo... Wala na siyang ilulusot."

"Ayun na nga. Let's say totoo nga yung bet, kaso malay mo naman mahal ka na pala talaga niya?"

Natawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya at napainom nalang muli sa tubig ko. "Mahal? Ni hindi man nga lang siya nagpaliwanag tungkol dun sa lecheng deal nila, Lim. Nung umayaw na ako, umayaw na rin siya. Hindi na rin siya nagparamdam. Tapos ang usapan..."

He gawked and then shook his head in disbelief. "Ganun lang kadali sa kanya?"

I rolled my eyes on him as if acting like it was not a big deal for me. "For sure, natutuwa pa nga iyon dahil ako ang unang umayaw. It won't be hard for him to cut whatever sh1t is happening between us because I gave up first. No hassle..." And because the deal is over, I gave up my everything to him...

His Future Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon