6. New Routine
Ngayon ang first day of training ng basketball ni Austin babe. Sinadya ko talagang gumising ng maaga para mapaghandaan iyon. Yun nga lang, hindi ko alam kung saang gymnasium ang training nila. Tinanong ko kay Ate Kylie pero wala siyang ideya.
So, I came up with a pretty plan. Gumising ako ng maaga at hinintay ang paglabas ni Austin sa condo ngayong umaga. Nobody can stop me from what I am doing. Itotodo ko na talaga 'to.
8AM nang makita ko ang paglabas niya sa lift. Nakasuot siya ng puti na shirt at asul na jersey shorts habang may nakasukbit na body bag sa kanyang balikat. Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. Pasimple ko siyang sinundan sa parking space. Sinadya ko talagang iparada malapit sa spot ng kotse ni Austin ang akin simula pa noon. Hindi ako stalker, admirer lang. Hihi.
I discreetly followed his car. Good thing, hindi masyadong traffic ang dinaanan naming kalsada kaya no hassle sa pagsunod sa kanya. In just less than half an hour, we pulled over our cars somewhere in Mandaluyong. Ooh, buti nalang malapit lang ang gymnasium sa kung saan kami nakatira. Sa ganun, hindi masyadong hassle kapag pupuntahan ko siya rito.
Mula sa malayo ay pinanuod ko lang na lumabas si Austin ng kanyang kotse. Lalabas na rin sana ako para sundan siya papasok sa loob ng gymnasium kaso naisip kong wala man lang akong dalang drinks para sa kanya. I only brought lunch for him. Buti nalang ay may malapit na convenience store dun kaya bumili ako ng isang dosenang Gatorade. Isang dosena na yung binili ko dahil kakaibiganin ko ang buong team nila. I need to befriend them all para pwede na akong pumunta sa training nila anytime.
It took me fifteen minutes to buy all the stuffs I needed. Nagretouch muna ako bago tuluyang pumasok. As expected, humarang sa akin ang guard. Bawal daw pumasok.
"Kuya," malambing na tawag ko. "Nasa loob po ang boyfriend ko. You see, nagdala po ako ng drinks para sa buong team."
"Pasensya na, Miss. Mahigpit na pinag utos na ang mga players, coach at ang manager lang ang pupwedeng pumasok."
I couldn't help but to frown. Sinenyasan ako ng guard na tumabi nang may lalaking papasok kaya gumilid ako. Nilingon pa nga ako ng lalaki bago pumasok. He was tall, dark and yeah, handsome. Maganda rin ang katawan, obviously ay athletic body dahil player siya.
"Sige na, kuya. Hindi naman ako manggugulo..."
"May kakilala ka sa loob?" singit nung lalaki. Mabilis naman akong tumango. "Sino?"
"Kyle Austin Willard. He's my boyfriend," I retorted proudly.
Mukhang saglit na nabigla yung lalaki sa sinabi ko. May kung anong sinabi siya sa guard kung kaya naman tumango ito at pinapasok ako.
"Tara, pasok ka na..." sabi ng lalaki at nakisabay na sa akin sa pagpasok. "Girlfriend ka talaga ni Austin?"
"Yeah."
"Sigurado ka?"
Tinaasan ko na siya ng isang kilay. Medyo makulit siya ah. Natawa lang tuloy siya sa reaksyon ko.
"Ako nga pala si Allen."
"Danica," I answered timidly and faced infront when we finally reached the actual court. Unti unti tuloy nagdahan dahan ang paghakbang ko. I don't know enough about basketball. Hindi kasi ako fan pero na-amaze ako nang sa pagtapak ko sa court ay nakita ko ang timing na pagshoot ni Austin ng bola sa ring.
BINABASA MO ANG
His Future Girlfriend [Completed]
ChickLitDesperate people tend to do desperate things. And Danica Oliveros is very desperate to have Kyle Austin Willard. Ginawa't binigay na niya ang lahat ngunit ayaw pa rin sa kanya nito. How could she ever turn herself into his future girlfriend if he de...