Chapter 7

7.8K 216 12
                                    

Okay Guys! Mabilisan na ang UD dito pasensya na at medyo matagal kayong naghintay sa UD ko. Don't worry meron ng ibang Chapters ang naka-abang araw-araw na akong mag UD. :* Okay Off to beach now! <3
~*~

Maaga akong nagising AS IN sobrang aga, 5:00am pa kasi at ansarap ng tulog ng Asawa ko. Topless pa at gosh hindi ko maiwang hindi pagnasahan ang katawan niya at bago ko pa siya mahalay ng wala sa oras agad akong pumynta sa kwarto ng anak namin. Tulad kay Psyche ang himbing ng tulog nito, ngayon ko lang naisip kung gaano kaganda ang pangalan niya.. Mystique Hikira Smith Siaverde, pang-prinsesang pang prinsesa ang dating.



After ko siyang ma check lumabas din ako at bumaba sa sala at dumiretso sa kusina wala ang mga katulong namin dahil day off silang tatlo T-W-TH-F kasi ang schedule nila at dahil monday ngayon eto, ako ang gagawa ako ang kikilos. Noon hindi ako pabor dito halos magpatayan pa kami ni Psyche pero ngayon parang gusto kong sanayin ang sarili ko. Nga pala hindi na kami nakapag-usap ni Psyche dahil tinulugan ko na siya, antagal kasing umakyat baka nag-usap pa sila ni Jin.



Hindi talaga ako marunong magluto but tinry ko talagang magluto ng fried rice, hotdog, sunny side up, at bacon. Prito lang naman kaya okay lang yun nga lang tumatalsik kaya mukha akong bobita sa layo ko sa frying pan.




"Gosh! Finally tapos na!"  bulalas ko at chineck ang time, 6:30 na pala.. Antagal ko kumilos! Geez.



"Sweety?" 

Napatingin ako sa hagdanan nandoon si Psyche bagong gising mukhang hindi pa gising si Hikira, hindi niya kasi ito dala-dala. Agad akong lumapit sakaniya, maging sweet ka Fran! Maging sweet ka!



Nang makalapit ako sakaniya agad kong ikinawit ang dalawa kong kamay sa batok niya tumaas naman ang kilay nito sabay ngisi.



"Hey, what's your problem?" 


Ngumuso naman ako at hinalikan siya ng mabilis mas lumawak ang ngisi nito parang nagugustuhan ang 'pagbabago' kuno ko.




"Hey, you're acting weird sweety..What's wrong?"  seryosong tanong niya, agad akong kumabit sa bewang niya. Hindi naman pala ganun kahirap maging sweet huh? Hmmm..





"By the way sabi mo mag-uusap tayo kahapon? Tinulugan mo naman ako."  saad nito at ngumuso, ngumuso naman ako at nagpigil ng ngiti




"Sorry Asawa ko, Hmm..Hindi pa gising si baby?"  tanong ko tumango naman ito at hinawakan ang kamay ko



"Anong oras ka nagising? Bat hindi mo ako ginising? Baka minanyak mo ako huh."


Hindi ko naiwang itaas ang kilay ko, gosh! Ang hangin!




"Minanyak your face, lika na nga nagluto ako!"  bulalas ko mas lalong tumaas ang kilay nito at lumapad ang ngisi at naunang lumakad palunta sa kusina at literal na nalaglag ang panga niya.



"Nilu-Niluto mo lahat to?"  hindi makapaniwalang tanong niya at binalingan ako, agad akong napayuko at napakagat sa labi. Nakakahiya sht!




"OH GOD! I LOVE YOU SWEETY!"  nagulat ako ng yakapin ako nito ng pagkahigpit-higpit at hinalikan ang noo ko, hinila ako nito at pinaupo ganun din siya. Anlawak ng ngisi niya habang kumukuha ang pagkain habang ako namumula na dito.


"God, eto ba ang resulta ng pagpapangaral sayo ni Mom? Wag mo sabihing sineryoso mo?"  natatawang bulalas niya mas namula tuloy ako





"Err---Shut up Psyche-------



"OH DAMN IT! THE BEST FOOD EVER! F'CK I LOVE YOU WIFE!"  sigaw nito at sinubo ang hotdog hindi ko napigilang hindi ngumiti


Sa simpleng niluto ko the best na sakaniya? Shyete parang kinikilig ako! Oh Damn it Hamfaslupa Feeling!




"H-Hindi mo na ako ipag-papalit sa i-ibang babae?"  nahihiyang tanong ko, mas lalo tong nagmura at tumawa ansarap niyang sampalin sa lungs!



"HAHAHAHAHAH! SINERYOSO MO TALAGA ANG SINABI NG MAMA MO?! GOD HAHAHAHHA MAGPAPASALAMAT TALAGA AKO KAY MOM DAHIL SA PAGDAKDAK NIYA SAYO! HAHAHAHHAHA!"




Hinayaan ko siyang tumawa, uminom lang ako ng tubig naiinis ako kasi hindi niya sineseryoso ang ginagawa ko! Oo i know na appreciate niya ang ginawa ko pero parang nage-enjoy pa siyang mukha akong bobitang hindi alam ang isasagot niya dito!




Mukhang na sense niya naman ang pagkairita ko gawa para kumalma ito at manahimik aba buti naman at baka hindi ko na mapigilan ang ugali ko at tusukin ko na siya sa mata gamit ang tinidor sa harapan ko.




"Look Asawa Ko, kahit hindi mo to gawin hinding-hindi kita ipagpapalit. Sapat kana sobra-sobra pa nga eh, i appreciate your effort sweety kaya wag kang mag-isip na maghahanap ako ng babae dahil lang hindi mo napunan ang pagiging asawa at anak mo sa baby natin. I love you enough at tanggap kita. But honestly? Mas gusto kong lagi kang ganto. Mas lalo kitang minamahal."




Uminit ng sobra ang pisngi ko kaya agad ko itong tinabunan, magulantang ako ng lumapit ito sakin at yakapin ako at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.





"I love you forever Franshezcka Fritz Smith.."



Ibinaba ko ang nakatabon kong kamay sa mukha ko at tinitigan siya sa mata at nginitian.




"I love you too Psyche Hikiro Siaverde.." 

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon