Chapter 8

7.2K 209 4
                                    

Baka 20+ Chapters lang ito guys... I don't know, i'm not sure! :3

~*~


Lumipas ang araw at nasasanay na ako sa patungo ko na ganun kay Psyche at hindi na kami masyadong nag-aaway sa simpleng bagay. At, now..Napupunan ko na din ang pagiging mommy ko kay Hikira. At eto si Psyche 2 weeks na simula ng nagbalik sa trabaho bilang CEO President sa Siaverde Company kakainggit nga eh kasi hindi na ako pinayagan ng magaling kong Asawa magtrabaho, kesyo dito na lang daw ako sa bahay at alagaan ang baby namin.





"Baby Hikira, smile baby~ smile.." kinakausap ko ang anak ko nilalaro-laro ko ito at unlike noon na laging tulog eh ngayon dilat na dilat na ang mata. Kamukha niya talaga si Psyche. Mata lang ang nakuha niya sakin, ano kayang ugali ng anak namin?




What if maging kaugali namin ni Psyche? Agad akong ngumiwi sa naiisip ko, hindi ko ata kayang madinig ang pabalang nasagot nito sakin.




"Baby paglaki mo dapat GoodGirl ka ah? Wag gagaya kay mommy and daddy okay?" saad ko ngumiti naman ito kaya nangigil ako at hinalik-halikan siya.





Nakaka-bored dito sa bahay siguro kung wala si Hikira eh matagal na akong natigok dahil sa pagka-bored. Ngi hindu na nga ako nakaka-gimik with Alesa, Sun and Ata eh. Pati si Gardo wala na kaming masyadong komunikasyon. Yung mga insekto naman pumupunta lagi sa bahay para laruin ang anak ko, hindi ko nga masyadong pinapalapit baka makuha ang ugali. Tsk!





At ngayon napagpasyahan kong pumunta sa Company ni Psyche iiwan ko lang muna si Hikira kay Mommy miss na daw kasi nila ang apo nila kaya eto ang usapan. Pupunta ako sa Company at isu- surprise ko si Psyche. Nagluto kasi ako ng Adobong Manok.





"Maam nandito na po tayo sa Smith Residence."



Agad akong napatingin sa Village namin tinanguan ko naman ang driver namin ni Psyche at agad na bumaba, sinalubong naman ako ni Kuya Daniel. Agad niyang kinurot sa pisngi si Hikira gawa para umiyak ito.




"Kuya wag mo ngang kurutin!" sigaw ko



"Di kana naawa sa pamangkin mo!" bungad ni kuya Diniel at hinalikan si Hikira gawa para mairita ang anak ko, humagalpak naman si Kuya Daniel ng mas lumakas ang iyak nito




"Kayong dalawa huh! Naiirita ang anak ko sainyo!" bulalas ko at nagmartsa papasok, agad kong nakita si Mommy na pababa na at patakbo niya kinuha sa bisig ko si Hikira tumahan naman ito.




"Apo! I miss you, miss mo ba si Lola?"




Binalingan ko na lang si Dad na kagagaling lang sa kusina, agad akong bumeso sakaniya at kay mom. Sumalampak muna ako sa sofa namin.




"Iwan ko muna si Hikira sainyo, bibisitahin ko muna yung Asawa ko sa Office niya." i said nagngising kalabaw naman ang dalawa kong kapatid





"Alam ba ni Psyche itong pinaplano mo lil'sis?" -Kuya Diniel




Agad akong umiling tumango naman ito. Agad kong binaba yung bag ni Hikira nandoon na lahat ng extra gamit niya gatas, damit, diapers, toy, etsetera!




"Nandito lahat ng gamit ni Hikira mom, gatas lang ang painumin niyo mom huh? Wag masyadong mainit dapat maligamgam lang.. And yung damit, limang beses siyang papalitan. Yung Diaper naman niya tatlong beses. Papatulugin siya agad ng 1:00pm then magising siya mga 3:00pm, maghahanap na siya ng gatas at ayun! kuya Daniel and Diniel. Wag niyong kukurutin o papaliguan ng halik naiirita siya pag ganun!"





Agad silang umoo at nag-iwan pa ako ng mga notes sakanila. Syempre bilang ina hindi agad ako mapapanatag no kahit naba pamilya ko sila iba pa rin eh. Agad akong bumalik sa sasakyan at tinunton na namin ang daan patungo sa Siaverde Company at nang makarating kami dun. Agad na akong bumaba.



Nakasuot ako ng maroon off shoulder at black high waist na short at tinernohan ko ito ng black stiletto tas may hawak akong maroon pouch. Oh diba?




Nang makarating ako sa Ground Floor, bawat madadaanan ko binabati ako tumatango na lang ako at agad na pinindot ang 15th floor kung saan ang Office ni Psyche.





Nang makarating ako nakita ko agad ang Secretary niya sa labas, nang makita ako nito parang nataranta.




"Where's my husband?"




"A-Ah ano m-maam wa-wala po sa loob ano..."





Tinaasan ko siya ng kilay aba sinabi ko sa sarili ko magbabago lang ako sa asawa at anak ko, the rest? hindi na.





"Bat ka nauutal?"




Hindi to makatingin sa mata ko ng diretso at alam kong may tinatago siya at bago niya pa ako bawalan agad kong pinasok ang office ng asawa ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.





"WHO THE HELL ARE YOU?!"

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon