Chapter 25

6.4K 192 20
                                    

Hello Readers! Sino pong may FB Account dito? I think halos lahat naman kayo meron right? Ah..... Baka bukas po magla-live ako sa Page ko.

AwssamiGalaxy po ang name ko na page! Nag-iisa lang po guys.. Hope manood kayo.. :3 Try ko lang bwhahahah!

Jin's Pov

Isang WHAT THE F'CK lang ang masasabi ko habang nakatingin ako kay Franshezcka ng seryoso.

"Tsk, paniguradong alam na ni Psyche ang ginagawa ni Fritz dito sa Pinas, tsk! tsk!"  bulalas ni Drake sa tabi ko habang tumutungga ng alak na inorder niya


Napailing ako habang nakatingin dito na sumasayaw kasama ang new friend niyang si Renz. Napag-alaman ko na Head ito ng Silver Bank na Partner ngayon ni Fran sa new project ng kompanya nila.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagswitch ang mood niya at bigla na lang nag-ayos at nagpaganda tulad ng ayos niya noon hindi ko alam kung bipolar talaga tong babaeng to eh tsk! At eto pa, sinabayan pa ng magaling na si Psyche hindi ko alam kung anong nangyayare sakanila basta ang alam ko ngayon pareho silang magulo!




"Uh-Oh, naamoy ko...Naamoy ko!"  napatingin ako ng takhang titig kay Aisle bigla-bigla kasi itong nagsalita sa isang tabi.




"Anong naamoy mo?! Sunog?! asan?!"  sapaw ni Jonathan, nagkatinginan tuloy kaming dalawa ni Drake



"Hindi! alam ko..Alam ko ang amoy ng tukso, at yang Renz na yan! may binabalak yan kay Ms.OneOfAKind!"  sabat nito habang seryosong nakatitig kila Fritz na ngayon eh halos magyakapan na sa dance floor at dahil nairita ako agad akong tumayo at pinuntahan sila, walang sabi-sabi hinila ko si Fritz sa Renz na yun.


"H-Hey! You're here pala Jin, tara sayaw tayo!"  sigaw ni Fritz dahil sa malakas na sound hindi ko siya pinansin at binigyan ng matalim na titig si Renz na nagtataka



"Oohh...Chill bro! Parang sasaksakin mo ako sa titig mong yan!"  natatawang banggit nito, inirapan ko ito at hinila na si Fritz paalis sa dance floor. Dumaan muna ako sa counter kung nasaan sila Drake.


"Iuuwi ko muna to, ghe mauna na kami."  saad ko at tinanguan sila at muling hinila si Fritz palabas sa Bar



"Argh! ano ba Jin?! Hindi pa ako tapos mag-party!"  galit na sigaw nito


"Tapos kana."  matigas na sagot ko at agad na dumiretso sa sasakyan ko kaso bago ko siya mapapasok dito nagsalita nanaman ito



"ANO BA JIN NAGSASAYA AKO DUN EH!"


"BAKIT?! MASAYA KANA BA NGAYON?! DIBA HINDE?!!"  sigaw ko gawa para matameme ito at para mas lalo itong ma guilty itinutok ko sakaniya ang isang daliri ko.


"Baka nakakalimutan mo may anak ka. May anak kang naghihintay sa Mansion niyo, wag kang maging pabayang magulang! Itigil mo yang pag fe-feeling cool mo kasi alam kong hindi ka Okay!"



At ayun agad ko na siyang tinulak papasok hindi nato umangal bagkos yumuko na lang, napailing na lang ako habang nakatitig sakaniya.



Ugh! Kung ano man ang problema niyong dalawa ni Psyche pwede ba?! Wag niyong damayin ang bata?! Ang Anak niyo!


Dapat hindi na lang muna kayo bumuo kung hindi niyo naman mapapahalagahan ang pagiging magulang niyo kay Hikira. Masyado kayong pabaga Fritz, Psyche! Ewan sainyo! Laging Pride ang pinapairal niyo!



Franshezcka's Pov

Hinatid lang ako ni Jin sa Mansion namin yung talagang bahay ko na nung hindi pa kami mag-asawa ni Psyche. Medyo na guilty ako at the same time, siguro ang iniisip ngayon ni Jin masyado akong pabayang ina kay Hikira...Hayts.


Kaya ba pinasama ni Psyche si Hikira para maging malaya siya? para makapag-date-date sila ng Pinky niya dun sa Davao.
Para sabihing binata siya? I wonder kung suot niya pa rin hanggang ngayon ang wedding ring namin, baka hindi kasi nga binata na siya diba? Dapat pala in the first place hindi na ako pumayag sa Project nila ng Aswang na yun! Letse talaga.



Napatingin ako may Hikira hawak-hawak nito ang Iphone ko na bagong bili ko, ewan ko kung alam ni Psyche ang bagong number ngayon. Bahala siya!


"Hi baby, galit ako sa daddy mo.."  sabi ko sakaniya gawa para tumingin to sakin, hindi to ngumiti o tumawa. Seryoso lang..



"Kasi feel ko hindi niya na love si mommy, kasi....kasi...parang anytime, iiwan niya na ako at ipagpapalit sa malanding higad na Aswang na yun."  bulalas ko, tumaas ang kilay ko ng ngumiti ito


"Galit ako sa Daddy mo pero love ko pa din siya..."  bulong ko gawa para humagikgik ito, 5 months pa lang pero antali-talino nang bata...Hayst.. Sana hindi siya matulad sa ugali namin ni Psyche, ayokong mamana niya ang pagiging bastos ko at pagiging mayabang ni Psyche.





Sa oras na bumalik si Psyche dito sa Pinas, at sa oras na piliin niya man ang kabit niya.....Ipapatikim ko talaga sakaniya kung paano magalit ang reynang maldita. Ng isang Franshezcka Fritz Smith-Siaverde. 

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon