Chapter 34

7.2K 198 20
                                    

~*~

"HOY ALESA! MAY BALAK KAPA BANG UMUWI DITO SA PINAS!" 


Kausap namin nila Sun si Alesa sa Skype after how many months na umalis ito ngayon lang namin siya na contact dahil close ang linya niya sa Japan.



"Hahahahah, of course..Nakaka-guilty ang kasabihan na, 'Ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan.' kaya babalik ako dyan, Soon." 



"Baliw ka! Musta na dyan? Month ago umalis sa bansa si Drake eh...Nandyan ba siya?"  tanong ni Ata


Namutla naman si Alesa at hindi ito napatingin sa screen. Anong meron?

"Yes pumunta siya d-dito sa Japan pero umalis din agad," 

Nagkatinginan kaming tatlo, nandito kasi sila sa bahay namin at sinubukang kontakin si Alesa at swerte dahil nag-online ito...



"Eh?! Bat umalis??? Bat wala pa siyang hanggang ngayon sa Pinas?"  this time si Sun naman ang nagtanong



Yumuko ito at parang namro-mroblema...Ano bang nangyare??


"H-Hindi kami pwede, k-kasi pinagkasundo ako ng pamilya ko sa ibang lalaki." 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pati sila Sun at Ata eh napamura habang kaharap ang laptop ko.

"WHAT?! So...y-ou mean?! May Fiancé kana ngayon?!"  ako naman ang nagtanong, nag-angat ito ng tingin sakin sabay tango



"Oh God! Asan na kaya ngayon si Drake?!!"  problemadong tanong ni Sun



"I-I don't know guys....Wala akong laban sa pamilya ko lalo na't pursigido silang ipakasal ako sa Japanese.....Geez! Kaya eto, m-malapit na ang kasal namin."


"Kaya ba off ang line mo dahil dito? Huh Alesa?" seryosong tanong ko

"Yes Fran...."



Nanlulumo kaming tatlo ng makausap namin si Alesa kami ang naawa sa kalagayan niya. Matagal ng may something sakanila pero hindi official, asan na kaya ngayon si Drake? Nakita niya na kaya ang mapapangasawa ng babaeng mahal niya?


Akala ko super hirap ng pinagdaanan namin ni Psyche noon pero mas grabe ata sakanila ngayon, ako muntikan mamatay physically sila naman emotionally.. Ano kayang mas masakit?



Ngayon ko lang na realize na dapat pahalagahan mo talaga ang malapit na tao sayo dahil sa lahat ng panahon pwede silang lumipas, anytime..anywhere...




"Nakaka-awa ang love story nila Psyche..."  sambit ko ng makauwi si Psyche galing sa kompanya, nandito na kami sa kama at nagpapahinga


"Yan ang naramdaman ko noong pinagkasundo ka kay Jonathan, tsk..."  masungit na sagot nito tumaas tuloy ang kilay ko



"What do you mean? may feelings kana sakin non?"  gulat na tanong ko ngumuso naman ito at tumango



"Sa kasamaang palad, oo."

Agad ko siyang tinampal okay na sana eh! May kasamaang palad pa?!

"Alam mo?! Ikaw ang pinaka-swerte sa barkada niyo...Dahil lahat na link sakin kaso ikaw ang napili ko, love is blind talaga no? Grabe....Hindi ako makapaniwala..."


Ngumisi ito at inirapan ako, "Swerte mo dahil isang Psyche ang asawa mo ngayon.... Gwapo, may abs, nakaka-akit, mayaman, in short perfect!"


Ngumiwi ako, ang hangin talaga ng sira ulong to. Nahiya ang Aircon namin.


"Malas din noh! Masama kaya ugali mo."  bulalas ko, sinamaan ako nito ng tingin gawa para humalakhak ako


"Kapal ng mukha! Nagmalinis ang pusakal ang ugali!"  iritadong bulong niya, agad ko siyang sinapak sa braso niya gawa para humalakhak ito


"Yung usapan? One month na lang makokompleto ko na? Pano ba yan?" 


Kinabahan naman ako, Shock! Diba seryoso lang siya?!!! Diba?!

"Utot mo, sabihin mo tigang ka lang."

Sumeryoso naman ito at tinitigan ako mata sa mata.


"Tigang na tigang na ako sht! 1 year?! sige nga! 1 year!"

Ako naman ang ngumuso, "Hoy ako ang lugi dito! Whole day tayo sa kama??? Hindi ba nakakumay yun?!" iritadong tanong ko humalakhak naman ito


"Don't worry, hindi lang sa kama....Sa buong bahay, pagda-day off-in ko ang mga katulong, guard, butler tas si Hikira iiwan ko muna kila mom.. Para solong-solo kita."


Agad akong umiling

"Dito lang sa bahay?! Ayoko! Ibang bansa! ibang bansa!"


Nanliit ang mata nito sakin,



"Ano yun Honeymoon?"


"Yes! Pag hindi sa ibang bansa......Walang Make Love for 2 years!" 



"Pukeinang yan! ANO GUSTO MO?! LONDON? AMERICA? LA? CALIFORNIA? JAPAN? KOREA? ENGLAND? UK? ANO???? SABIHIN MO LANG?!"


Napahalakhak ako ng todo sa itsura niya, Hahahhahahah! Priceless sht!





Grabe ka Psyche Hikiro Siaverde! Basta sa Make Love gagawin mo ang lahat! Hahahhahah!

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon